Chapter 12

2.3K 102 15
                                    

* Jisoo's PoV

"Jisoo."

"Papa YG." Nakangiting bati ko kay Papa YG pagpasok niya dito sa opisina niya.

Ang totoo ay nagtataka ako kung bakit ako lang ang pinatawag niya. Sa pagkakatanda ko naman ay wala akong naging kasalanan.

"Kaya kita pinatawag ay dahil bukas na ang first taping niyo para sa WGM ni Taehyung."

Nakaramdam ako ng excitement nang marinig ko ang balita.

"Isa lang naman ang rule na kailangan ninyong sundin." Seryosong sabi ni Papa YG kaya nabalik sa kanya ang atensiyon ko. "Alam naman natin na fake relationship lang ang mayroon kayo pero habang nasa WGM kayo ay hindi kayo pwedeng makita na may kasamang iba. No more rumors with other guys Jisoo." Mariin niyang paalala sa akin.

Last week kasi ay kumalat ang tungkol sa pagtulong sa akin ni Suho-ssi noong dance practice namin. Hindi namin alam kung sino ang nagpakalat ng video na yun dahil mahigpit ang security noon. Ang daming comments na two timer daw ako. Bakit daw pinagsasabay ko sila ni Taehyung? Pero mas marami pa rin ang nakaintindi sa sitwasyon. Yun nga lang nagmistulan kaming loveteam ni Suho dahil sa SuJi at may JiSuho couple pa na nagtrending last week.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Tss. Sa totoo lang alam ko ang lahat ng mga loveteams na meron ako at hindi ko alam kung paano iyon nangyari. Yung iba nga ay first time kong nakasama sa Inkigayo pero nililink na agad ako ng mga fans sa kanila.

"Do you understand me Jisoo?"

"Opo."

After lunch na ako nakauwi sa dorm namin dahil nakipag meeting pa kami sa mga staff ng WGM.

"Anong sabi ni Papa YG unnie?" Tanong ni Lisa pagkauwi ko.

"Bukas na daw ang taping namin para sa WGM." Nakangiting balita ko sa kanila.

"Wow! Wala pa man pero kinikilig na ako." Kinikilig na sabi ni Rose.

"Tama ba ang dinig ko? Bukas na ang taping niyo?" Tanong ni Jennie na kalalabas lang ng banyo.

"Yes." Ngiting ngiting sagot ko.

Natigil kami sa pagkukuwentuhan ng mag ring ang cellphone ko.

Taetae calling...

"Tumatawag si boyfie." Pang aasar nila sa akin na nginitian ko lang.

"Hi Taetae." Bati ko ng sagutin ko ang tawag.

"Hi Chichu. Excited na ako para bukas." Napangiti ako. "Ikaw din ba?"

"Oo naman no!" Sa hindi malamang kadahilanan ay lalo pa akong na excite.

Mukhang iba na talaga ito.



---------------

* Taehyung's PoV

"Uy Taehyung! Wala pang camera panay pa cute ka na dyan." Pang aasar sa akin ni Hobi hyung na tinawanan ko lang.

"Ay iba na talaga ito! Binata na ang Taetae namin!" Ngumangawang sabi ni Jin hyung na inilingan ko lang.

"Baka masobrahan ka ha! Wag mo masyadong ipahalata." Seryosong sabi ni Namjoon hyung kaya parang nalungkot ako.

Napabuntong hininga ako.

"Oh! Joke lang yun!" Bawi ni Namjoon hyung dahil napasimangot ako.

"Mga hyung, ang totoo kasi nyan." Huminga pa ako lalo ng malalim. "Inamin ko na sa kanyang gusto ko talaga siya."

"What?!" Gulat at sabay sabay na sigaw nila sa akin.

"Taetae naman! Bakit umamin ka agad?" Sermon ni Jimin hyung.

"Oo nga naman hyung." Sang ayon ni Kookie.

"Hindi ko naman talaga gustong umamin kaso yun na eh. Nasabi ko na lang sa sobrang inis ko." Napapakamot kong sagot.

"Bakit ka ba nainis?" Tanong ni Hobi hyung.

"Noong tinulungan siya ni Suho hyung. Pinipilit ko siyang kumain pero ayaw niyang umalis sa tabi ni Suho hyung kaya ayun sa inis ko nasabi ko ang hindi pa dapat aminin." Naiiling na sagot ko.

"Oh, anong sabi niya?" Tanong naman ni Yoongi hyung.

"Wala. Umalis ako agad pagkasabi ko nun."

"Ay tokwa!"
"Wala ito!"
"Bata ka pa!"
Napailing na lang ako dahil kung anu ano naman ang pinagsasabi nila.

"Bakit naman hindi mo hinintay? Malay mo sumagot!" Sermon nila sa akin.

Gusto ko naman talaga hintayin ang sagot niya. Natatakot lang ako na baka hindi kami pareho nang nararamdaman..

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now