Chapter 19

1.9K 90 2
                                    

* Jisoo's PoV

Kanina pa ako palihim na tumitingin kay Taehyung. Simula kasi nung makauwi kami galing sa pizza parlor ay hindi na niya ako pinansin pa. Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong nagawang mali.

Nahihiya naman akong magtanong dahil may camera pa din sa paligid. Nalungkot ako sa isiping galit siya sa akin. Parang hindi ko iyon kakayanin.

Magkatabi kaming nakahiga sa kama habang parehong nagbabasa.

"Hindi ka pa ba inaantok?" Napatingin ako sa kanya nang tanungin niya ako.

"Hindi pa naman. Ikaw?"

"Inaantok na ako. Mauna na akong matulog. Goodnight." Nginitian niya ako bago naayos sa pagkakahiga.

Lihim akong napasimangot dahil mukhang matutulog na talaga siya. Binitawan ko na ang librong hawak ko at nilagay ito sa side table. Nahiga na din ako at tinitigan siya.

Nagulat ako ng biglang magmulat siya ng mata kaya nagkatitigan kami.

"Bakit?" Tanong niya.

"Galit ka ba sa akin?" Mahinang bulong ko dahil nahihiya ako sa mga camera sa paligid.

"Hindi. Bakit mo naitanong?" Kunot noo niyang tanong sa akin.

"Hindi mo ako pinapansin." Malungkot na sagot ko.

Imbes na sagutin ako ay hinawakan niya ang kamay ko na siyang ikinagulat ko. Bigla akong kinabahan ng makita ang seryoso niyang tingin sa akin.

"I just want to be careful." Bulong niya sa akin. "Baka kasi kapag hindi ko napigilan. Mahulog na ako ng tuluyan sayo at totohanin na ang lahat nang ito."

Matapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ako sa noo bago ako niyakap saka muling pumikit. Hindi ako agad nakareact dahil sa mga sinabi niya.

"Taehyung."

"Goodnight Jisoo."

-------------

Napabuntong hininga ako ng makita ko sa Instagram ang mga picture nila Taehyung na nasa airport na para pumunta sa Australia para sa fansign event nila.

After ng sinabi niya last taping namin sa WGM ay hindi pa kami nakapag usap ng masinsinan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sinabi niya.

"I just want to be careful. Baka kasi kapag hindi ko napigilan. Mahulog na ako ng tuluyan sayo at totohanin na ang lahat nang ito."

Tandang tanda ko pa ang mga sinabi niya nung gabing yun. Sa loob loob ko ay natutuwa ako pero natatakot din ako kapag naiisip kong gusto niyang pigilan ang nararamdaman niya para sa akin.

"Unnie. Tara na." Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko ng marinig ko si Jennie.

Nginitian ko siya bago tumango. Pupunta kami sa Busan para sa isang event. Special guest kami doon. Ilalagay ko na sana ang cellphone ko sa bag ng bigla itong tumunog. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko ng makitang kay Taehyung galing ang message.

From: TaeTae
Paalis na ang eroplano namin. Ingat ka ha. Don't skip your meals. I miss you baby 😘

Napangiti ako ng mabasa ang text niya. He's so sweet.

To: TaeTae
I will. Take care too and i miss you too baby 😊

Wala naman sigurong masama kung magpapakatotoo ako sa nararamdaman ko. Siguro sa ngayon ang iisipin ko na lang muna ay yung nararamdaman namin pareho. Isa pa, ang alam naman ng lahat ay kami.


--------------

* Taehyung's PoV

Mukha na siguro akong tanga dahil kanina pa ako nakangiti. Hindi ko alam kung paano ko napagkakasya sa loob ko ang saya at kilig na nararamdaman ko ngayon.

From: Chichu baby 💛
I will. Take care too and i miss you too baby 😊

Napapikit ako ng basahin ko ulit ang text niya. Sana hindi ito panaginip.

Sana totoo din ito, Jisoo. Sana hindi mo ako pinapaasa, kasi hindi ko na yata kayang itago at pigilan pa ang nararamdaman ko para sayo.

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now