Chapter 38

1K 37 1
                                    

* Jisoo's PoV

Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na busy si Papa YG kaya hindi pa ako napapatawag sa office niya o lalong kakabahan dahil tumatagal lang lalo at hindi matanggal ang kaba sa dibdib ko. May nahalata kaya siya? Sana hindi niya napansin na kami pa. Sana naisip niya na concern lang sa akin si Taehyung kaya ganoon ang naging reaksyon niya.

Naging busy na din kami ng mga sumunod na araw lalo na at nagsimula na ang "Blackpink in your area tour" namin. Nabawasan ang kaba ko dahil sa mga fans na matiyagang naghihintay sa amin sa airport at syempre yung mga pumunta talaga sa mismong concert.

Katext ko si Taehyung kahapon at sinabi niyang papunta naman sila sa USA kaya hindi ko na din masyadong inistorbo. May nabasa kasi ako sa internet noong nakaraan na mabilis daw magsawa ang mga lalaki kapag text ng text ang mga babae at effective daw talaga na magpamiss paminsan minsan kaya susubukan ko iyon.

"Unnie, patupi naman oh."

Tinulungan ko si Jennie sa pagtupi ng manggas ng suot niyang tshirt. Maya maya lang ay magsisimula na ang concert namin dito sa Malaysia.

Nang makabalik kami sa dorm namin sa Korea pagkatapos ng ilang araw ay agad akong nahiga sa aking kama. Napapikit ako at agad na nakatulog dahil sa pagod.

Nagising ako dahil sa sunud sunod na pagtunog ng aking cellphone. Tamad ko itong kinuha sa side table ko at iminulat ang isang mata para mabasa ang text message mayroon din siyang tatlong missed call.

From: Baby 💜
How's my baby? I miss you..

To: Baby 💜
I'm good. Kauuwi lang namin. I miss you too..

Nang masend ang aking reply sa kaniya ay muli kong binitawan ang aking cellphone at bumalik sa pagtulog.

Nang magising ako ulit ay alas otso na pala ng gabi. Kung hindi pa ako tinawag ni Lisa para kumain ay siguro tuloy tuloy pa ang tulog ko.

"Okay ka lang unnie?" tanong ni Rose ng maupo ako sofa sa sala.

"Ang bigat ng pakiramdam ko. Lalagnatin yata ako." mahinang sagot ko at kinuha ang unan sa aking tabi at niyakap ito.

Agad lumapit sa akin si Jennie at hinipo ang aking noo.

"May lagnat ka unnie." kunot noong sabi niya.

Tumayo siya at pumunta sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang gamot at isang basong tubig.

"Thanks."

Matapos uminom ng gamot ay umayos ako ng higa sa sofa. Tinamad na akong bumalik sa kwarto ko kaya dito na lang muna ako.

"Ipapatawag na ba namin si Manager Han para papuntahin ang doctor dito?" dinig kong tanong ni Lisa.

"Hindi na." mahinang sagot ko at hindi na nag abala pang magmulat ng mga mata. "Napagod lang siguro ako. Mawawala din ito. Magpahinga na din kayo."

"Balik ka na sa kwarto mo unnie para makapagpahinga ka ng maayos." sabi ni Rose.

"I will. Maya maya."

Mayroon pa silang sinabi pero hindi ko na masyadong narinig dahil tuluyan na akong nahila ng antok. Paggising ko ay napahawak ako sa aking ulo dahil sa sobrang sakit nito. Nakapikit kong kinapa ang aking leeg at naramdamang mas uminit yata ako ngayon. Nang maalalang sa sofa ako nakatulog ay agad akong bumangon para sana bumalik sa aking kwarto pero natigilan ako ng iba ang bumungad sa akin.

Nandito na ako sa aking kwarto. Iba na din ang suot kong damit. At nasa tabi ko si Taehyung na natutulog.. Si Taehyung?

"Baby?" niyugyog ko siya ng mahina. "Pst!"

"Hmm.." yun lang ang tangi niyang sagot.

"Baby, anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok? Baka may makakita sayo." mahinang bulong ko habang patuloy siyang ginigising.

"Just rest baby." unti unti siyang nagmulat ng mga mata. "Hindi mo inaalagaan ang sarili mo." nagulat ako ng bigla niya akong hatakin at inihiga sa kaniyang tabi. Niyakap niya pa ako ng mahigpit! "Kung hindi pa ako tinawagan nila Jennie ay hindi ko pa malalamang may sakit ang girlfriend ko. Huwag kang magpakapagod masyado."

"Taehyung baka may.."

"Shh.." hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko at iniharap sa kaniya. "Just sleep and take a rest. Saka ko na iisipin ang idadahilan kapag may nakakita nga sa atin dito. Ang mahalaga alam ng mga kaibigan mo na nandito ako. They'll cover us."

Napabuntong hininga ako at tumango na lang. Ngumiti siya at hinalikan ang aking noo.

"Sleep now baby.. I love you." huling sabi niya bago ako makatulog ulit.

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now