Chapter 48

1.4K 44 3
                                    

* Taehyung's PoV

"Taehyungie! Taehyungie!" naalimpungatan ako ng marinig na sumisigaw si Jimin hyung at pinapalo ako.

"Inaantok pa ako hyung." mahinang sabi ko at nagtalukbong ng kumot.

"Kailangan mong makita ito! Si Jisoo!" agad akong napabangon ng marinig ang pangalan ng pinakamamahal kong girlfriend.

"Huh? Nandito siya? Kailan siya dumating? Nasaan?" aligagang tanong ko.

Tuluyan ng nawala ang aking antok.

"Wala siya dito pero nandito siya." inabot sa akin ni hyung ang cellphone niya.

Kinuha ko ito kahit na nagtataka. Nanlaki ang aking mga mata ng mabasa ang balita.

Blackpink Jisoo rushes to the hospital to see her grandmother who suffered from a heart attack.. The female idol look so sad and vulnerable and she even took a public cab in the middle of the night. Forgetting how famous she is now.

May video si Jisoo na naka pantulog na at nagsuot lang ng jacket. May mask siyang suot pero halatang siya ang babaeng nagmamadali at tumatakbo. Agad akong nakaramdam ng pag aalala kaya naman kinuha ko agad ang aking cellphone at tinawagan siya.

"Damn it! Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko?" sinubukan ko ulit idial ang kaniyang number at mabuti naman ay sinagot na niya. "Baby. Nakita ko ang balita. How are you? Okay ka lang ba? Bakit naman nagtaxi ka lang? Alam mo namang delikado di ba?" sunud sunod kong tanong.

"Baby.. Si l-lola." napapikit ako ng marinig ang kaniyang paghikbi.

Bakit naman kung kailan malayo ako ay saka mangyayari ito? I want to hug and comfort her right now.

"She'll be fine." pang aalo ko. "Uuwi na din ako mamaya pagkatapos na pagkatapos ng concert namin. Please, wag mo masyadong pagurin ang sarili mo. Kumain ka ng marami. Wag kang magpupuyat. Just.. Just wait for me baby."

"I will. Take care baby. Hihintayin kita.."

Kahit gusto ko pa sanang makausap si Jisoo ay wala na akong nagawa kundi ang pumayag ng sabihin niyang kailangan na niyang ibaba ang tawag. Tahimik lang akong kumain ng breakfast at lumilipad ang utak papunta kay Jisoo. Sana ay maging okay na ang lola niya.

"Kamusta na daw ang lola ni Jisoo?" tanong ni Jin hyung.

"Okay na daw. Buti at naagapan agad." wala sa sariling sagot ko.

"Delikado pa naman ang heart attack. Iilan lang ang nakakaligtas kapag inatake." naiiling na sabi ni Rapmon hyung.

"Hyung, mamaya pagkatapos ng concert ay babalik na ako agad." paalam ko sa kanila dahilan para mapatingin silang lahat sa akin.

"Huh? Mauuna ka na? Bukas pa ang balik natin." sabi ni Suga hyung. "Baka may makahalata na bumalik ka agad at didiretso pa sa ospital."

"My girlfriend needs me now." tanging sagot ko.

Kung pwede nga lang ay ngayon na mismo ako uuwi pero hindi naman pwede iyon. Alam kong ayaw din iyong mangyari ni Jisoo baka sarili niya pa ang sisihin niya kapag nasira ang concert namin dahil umuwi ako.

"Kung ganoon edi sabay sabay na tayong uuwi mamaya. We can't let you go home alone." napangiti ako sa sinabi ni Rapmon hyung.

"Salamat hyung."

Nang magsimula ang concert ay pinilit ko ang sarili kong kalimutan muna si Jisoo. Ayaw ko namang madisappoint ang mga fans kapag napansin nilang wala ako sa sarili.

Nang matapos ang concert ay agad akong nagbihis. Hinintay ko munang matapos sa pag aayos ang mga kasama ko bago kami sabay sabay na umalis pabalik sa hotel na tinutuluyan namin para kunin ang aming mga gamit. Nang makapagcheck out ay dumiretso na din kami sa airport. Humingi ako ng paumanhin sa kanila dahil alam kong lahat kami ay pagod tapos ay babiyahe na kami agad. Nahirapan nga din ang manager namin na kumuha ng ticket dahil sa biglaang pag uwi namin pero mabuti na lang at nagawan ng paraan. Mabuti na lang din at pumayag ang mga manager at naintindihan nila ang sitwasyon.

To: Baby 💜
I'm on my way home baby. Kumain ka na ha. Wait for me. I love you.

Tinext ko muna si Jisoo bago kami sumakay sa eroplano. Halos hindi ako makatulog dahil sa pag iisip at pakiramdam ko ay ang bagal ng eroplano.

"Kumalma ka nga Taehyungie." sabi ng katabi kong si Jimin hyung. "Matulog ka na muna para kapag nakauwi tayo ay nakapagpahinga ka na."

Dahil doon ay natulog nga ako. Tama naman si hyung. Hindi ko naman pwedeng puntahan si Jisoo ng puyat at walang pahinga. Baka isa pa ako sa alalahanin niya. Baka imbes pagaanin ko ang loob niya ay makabigat pa ako.

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now