Chapter 49

1K 36 0
                                    

* Jisoo's PoV

Hawak hawak ko ang kamay ni Lola at halos hindi na ito bitawan. Mabuti na lang at nakaligtas si Lola. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin.

"Gising ka na 'La. Manonood ka pa noong show namin ni Taehyung di ba? Tsaka baka next month magkaroon kami ng concert, manonood ka pa ng live di ba?" nakagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang paghikbi. "Sorry po kasi ngayon ko lang kayo nadalaw. Ngayon lang kung kailan naospital kayo." napayuko ako at hinalikan ang kamay ni Lola na hawak ko.

Kanina ay nandito din sila Jennie pero umalis din agad dahil nagkakagulo na ang mga reporters at fans sa labas.

"Anak, magpahinga ka na muna." sabi ni Mama at nginitian ako ng tipid. "Ako na muna ang magbabantay sa Lola mo."

"Okay lang ako, Ma. Hindi naman ako pagod." sagot ko kahit kulang talaga ang tulog ko. "Gusto kong nandito ako kapag nagising si Lola."

"Oh sige. Kakausapin ko lang ang doktor ng Lola mo." tumango ako sa kaniya.

Pinanood kong makalabas si Mama bago ibinalik muli kay Lola ang aking tingin. Maya maya ay bumukas ulit ang pintuan at pumasok ang isang nurse na nakamask. Hindi ko na sana papansinin pero nang makita ang buhok at mata nito ay napatayo ako agad.

"Taehyung?" gulat kong tawag sa kaniya.

Nang tanggalin niya ang mask ay nginitian niya ako.

"Hi baby."

Agad akong naglakad palapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"You're here." masaya kong sabi.

"Of course. Sabi ko naman sayo uuwi ako agad di ba?" naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo.

Lumayo ako sa kaniya at tinignan ang suot niya.

"Saan mo nakuha yan?" natatawang tanong ko.

"Nagpatulong ako kay manager para hindi ako masyadong mapansin pagdating dito." nilingon niya si Lola bago nag aalalang tumingin muli sa akin. "Kamusta si Lola?"

"Okay naman na. Mabuti na lang talaga at nadala siya agad dito."

Nagkwentuhan lang kami ni Taehyung hanggang sa makabalik si Mama.

"Oh Taehyung." gulat na sabi ni Mama ng makita niyang nandito si Taehyung.

"Hello po Tita." yumuko siya bilang paggalang.

"Kadarating mo lang ba?"

"Opo."

Tinignan ako ni Mama at nginitian.

"Uuwi muna ako para kumuha ng gamit ni Mama." paalam niya.

"Ingat ka Ma." humalik ako sa kaniyang pisngi.

"Tumawag ka agad kapag nagising na ang Lola mo ha." tumango ako bilang sagot. "Baka dumating din ang Ate at Kuya mo."

Nang umalis si Mama at maiwan kaming dalawa ni Taehyung ay natahimik kami. Nakatingin lang ako kay Lola habang siya naman ay pansin kong pasulyap sulyap sa akin.

"Kumain ka na ba?" nilingon ko siya at sinagot ng tango.

"Ikaw? Dapat nagpahinga ka muna bago ka pumunta dito." hinaplos ko and kaniyang buhok at inayos ito. Napangiti ako ng mapapikit siya. "Mukhang pagod ka pa eh. Magpahinga ka na muna."

Pinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat at hinawakan ang aking kamay.

"Gusto na kitang makita agad. I was so worried about you."

"Sorry kung pinag alala kita."

"I love you baby." malambing niyang sabi.

"I love you too." nakangiting sabi ko.

Nang silipin ko siya sa aking balikat ay nakatulog na siya. Napangiti ako at hinawakan ko ng mahigpit ang kaniyang kamay.

Lumipas pa ang apat na araw bago tuluyang nakalabas si Lola sa ospital. Sumama si Taehyung sa paghatid kay Lola sa bahay nila Mama.

Ngayon naman ay papunta kami sa hotel kung saan gaganapin ang press conference para sa show namin.

"Paano kung may magtanong kung nagkabalikan na tayo?" tanong ko kay Taehyung habang nagmamaneho siya at hawak ang kanang kamay ko. "You know, kalat na kasi sa social media sites yung mga picture natin na suot yung relong niregalo mo sa akin last last week."

"We'll tell them the truth. Besides, alam ko namang may idea na sila. It's not hard to think that we're together again."

Napatingin ako sa relong suot ko ngayon pagkatapos ay tinignan din ang suot ni Taehyung. It's a Cartier watch. Color black ang akin habang color brown naman ang kaniya. Binigay niya ito last last week at simula noon ay palagi na namin itong suot kaya naman ang dami ng rumors na lumalabas na nagkabalikan na daw kami.

Well, kapag may nagtanong mamaya ay aamin na lang kami. We're free by the way. Okay na kami kay Papa YG. Sana lang ay matanggap ng mga fans. Gusto ko silang makasama sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now