Chapter 9

2.5K 107 17
                                    

* Taehyung's PoV

Napakunot ang noo ko ng makita kong lumapit si Suho hyung kay Jisoo. Nginitian pa siya ng GIRLFRIEND ko! Tss. Buti pa siya nginitian eh ako? Wala naman akong ginagawang masama pero hindi man lang ako pinansin. Hindi ba niya ako namiss? Hindi ba siya mag eexplain kung bakit siya hinatid ni Suho hyung sa dorm nila?

Naaalala pa ba niya na ako ang boyfriend niya?

"Lapit na kasi." Napatingin ako kay Jungkook ng bumulong siya sa akin. "Sige ka. Ikaw din ang mawawalan."

Simula umpisa pa lang naman wala nang akin eh.

Gusto kong isagot sa kanya iyon pero pinili ko na lang na wag magsalita. Umalis na lang ako at sumakay na sa van namin para makauwi na sa dorm.

"Problema? Wag mong sabihin na hindi pa nga totoong kayo ni Jisoo eh nag aaway na kayo?" Tanong sa akin ni Namjoon hyung.

"Hindi kami nag aaway. Pagod lang ako." Pagsisinungaling ko.

"Ikaw? Oo, alam kong pagod ka pero kapag si Jisoo naman ang guguluhin mo mas hyper ka pa sa bagong gising."

"Guguluhin talaga hyung?" Naiiling na tanong ko.

Pag uwi sa dorm ay nagkulong na lang ako sa kwarto namin ni Namjoon hyung. Napatingin ako sa cellphone ko. Iniisip ko ng itext si Jisoo pero sa tuwing isesend ko na naaalala ko na naman yung nangyari kahapon.

Ang dami kong tanong sa sarili ko. Bakit sila magkasama? Bakit hinatid siya ni Suho hyung? At bakit pumayag siya eh alam niyang kami?

Napapikit ako para mapakalma ang sarili ko. Hindi pa man totoong kami nasasaktan na talaga ako dahil pakiramdam ko may iba na siya.

Napadilat ako ng tumunog ang cellphone ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang nagtext si Jisoo.

Malala na talaga ako. Text pa lang niya para na akong timang dito.

From: Chichu 💛
Taetae?

To: Chichu 💛
Hmm?

From: Chichu 💛
Thanks god nagtext ka din! Nakakatampo ka! Hindi ka man lang nagparamdam. Hindi ka pa namansin kanina. Nakakainis to :(

Tuluyan na akong napangiti dahil sa sad emoticon niya.

Bakit ba hindi kita matiis?

Alas kwatro pa lang ng hapon kaya napag usapan namin ni Jisoo na magkita sa restaurant. Konti lang ang nagpupunta dito at isa pa may VIP room dito kaya safe kami kung sakaling may makakilala sa amin.

"So? Bakit ba hindi ka man lang nagparamdam pag uwi mo?" Nakasimangot na tanong niya pagdating.

Pinuntahan kita pero sa iba ka nakatingin kaya hindi mo ako nakita.

Hugot!!

"Sobrang pagod kasi ako pagdating namin. Tapos nag rehearsed pa kami para sa performance namin kanina." Nakangiting paliwanag ko.

"Ah. Kung sa bagay. Sorry ha. Nanibago lang siguro ako kasi hindi ka agad nagtext." Sabi niya at kumamot pa sa likod ng tainga.

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Gustong gusto kong itanong kung anong meron sa kanila ni Suho hyung pero hindi ko magawa. Natatakot ako sa isasagot niya. Paano kung nililigawan siya ni Suho hyung at balak na niyang makipaghiwalay sa akin? Paano kung sila na pala at panakip butas lang ako? Hindi ko yun kakayanin kaya hihintayin ko na lang siguro na siya ang mag open ng topic na yun.


---------------

Paggising ko kinabukasan ay nakangiti agad ako. Ganito pala ang feeling kapag inlove hahahaha.

"Oh parang kahapon lang mukha kang nalugi ah." Sabi ni Jin hyung pagpasok ko sa kusina.

"Nag usap na kami ni Jisoo at okay na kami." Nakangiting sabi ko.

"Wow! Inlove na inlove sa girl version ko ha!" Pang aasar niya. "Pero payong kaibigan lang ha Taehyung, wag masyadong mahulog. Baka nakakalimutan mong hindi talaga kayo." Tinapik niya ang balikat ko. "Nag aalala lang kami sayo dahil ayaw ka naming masaktan."

Napangiti ako ng mapait. Tama naman si hyung. Darating ang araw na matatapos na ang pagpapanggap namin.

"Alam ko naman hyung pero kasi gusto ko munang ienjoy kung ano yung nangyayari ngayon. Saka ko na iisipin yung mangyayari kapag tapos na. Kapag wala na siya sa akin."

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now