Chapter 44

1.4K 48 12
                                        

* Jisoo's PoV

"Cut!"

Parang bigla akong natauhan ng marinig ang sigaw na iyon ng direktor. Hinihingal ako habang nakatingin sa mga mata ni Taehyung na nakatingin pa din sa aking labi.

Binaba ko ang aking kamay na hindi ko namalayang nailagay ko pala sa kaniyang balikat. Umangat ang kaniyang tingin sa aking mata dahil sa ginawa kong pagbitiw. Ilang minuto din kaming nakatitig sa isa't isa bago ako nagkalabas ng loob na umiwas ng tingin.

Umalis ako roon ng hindi nagsasalita. Dumiretso ako sa CR at nagkulong doon. Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin.

I still love him.. Mahal na mahal ko pa din talaga siya hanggang ngayon..

Binuksan ko ang gripo at binasa ang aking mukha. Wala ng pakialam kung masira man ang make up ko. Kailangan ko ito para magising ako sa katotohanan na ako na lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Halata naman kasing wala na siyang nararamdaman sa akin. Talagang trabaho lang ang ginagawa niya.

Ako itong nang iwan. Ako yung bumitiw sa aming dalawa pero bakit ako yata ang mas nasasaktan?

"Jisoo? Okay ka lang? Next scene na daw." dinig kong sabi ng aking assistant mula sa labas.

"I'm fine. Saglit lang." sagot ko at huminga muna ng malalim bago tuluyang lumabas.

Nagulat na lang ako dahil imbes na ang assistant ko ang maabutan ko dito sa labas ay si Taehyung ang bumungad sa akin. Napalunok ako bago nag iwas ng tingin. Maglalakad na sana ako paalis ng bigla niyang hawakan ang aking kamay dahilan para matigilan ako. Mariin akong napapikit at hindi siya nilingon.

"You okay?"

"Yeah." maikling sagot ko. Nilingon ko siya at bahagyang ngumiti. "I'm okay."

Nag iwas siya ng tingin at nakita ko ang pag igting ng kaniyang panga. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay pero hindi ako nagreklamo. Walang wala pa yan sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hinayaan ko ang aking sarili na pagmasdan siya. Ang lalaking dati ay abot kamay ko lang ay parang sobrang layo na sa akin ngayon. Ang lalaking dati ay gustong palagi akong kasama ay parang ayaw na akong makasama sa iisang lugar ngayon.

Ang lalaking dati ay akin at ngayon ay hindi na..

"I'm sorry." biglang sabi ko bago ko pa mapigilan ang aking bibig. Nilingon niya ako at tinitigan. "I know it's too late but i want to apologize. Sorry kung hindi kita pinili noon. Sorry kung kailangan kitang bitawan." hinayaan kong tumulo ang aking mga luha sa kaniyang harapan. Ang mga luhang matagal ng naipon. Ang sakit na ngayon lang mailalabas. "Mahal kita, Taehyung. Sobrang mahal kita kaya pinili ko ding bitawan ka. G-gusto kong pareho nating maabot yung mga pangarap natin na kapag natupad na natin ay baka sakaling pwede na tayo kasi wala ng hahadlang." nginitian ko siya ng tipid. "I'm happy for your achievements. You deserved it."

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak pa din sa akin at unti unti itong binitiwan. Tumalikod na ako at naglakad palayo sa kaniya habang pinupunasan ang mga luhang walang tigil sa pagtulo.

Napangiti ako ng mapait. I guess it's time for me to let go.. Siguro nga ay hanggang doon na lang talaga kami. Siguro kailangan ko ng tigilan ang pag iisip na may part two pa ang love story namin. Na wala ng second chance.

Paliko na sana ako para makabalik sa tent namin ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod. Napapikit ako ng mariin dahil alam kong si Taehyung iyon. Amoy pa lang niya ay alam ko na. Pagbilis pa lang ng tibok ng puso ko ay alam na alam ko na kung sino ang may gawa.

"Damn! I miss you baby.. I miss you so much." lalo akong naiyak ng marinig iyon.

Humarap ako sa kaniya at niyakap na din siya. Iyak lang ako ng iyak habang nakayakap sa kaniya ng mahigpit.

"Stop crying baby.." naramdaman kong hinalikan niya ang gilid ng aking ulo.

"I miss you too. Miss na miss na kita Taehyung." naluluhang bulong ko.

I heard him chuckle. Lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin. Bahagya siyang lumayo sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Nginitian niya ako bago punasan ng kaniyang kamay ang basa kong mukha.

Napapikit ako ng halikan niya ako sa noo.

"I love you, Jisoo. I love you.." unti unti akong napangiti dahil sa narinig.

"I love you too, Taehyung."

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now