* Jisoo's PoV
"Nasaan ka ngayon?" Tanong ni Taehyung ng sagutin ko ang tawag niya.
"Nandito pa sa dorm, bakit?" Sagot ko.
"Anong oras ang alis niyo?"
"Maya maya. Hinihintay lang namin ang driver. Anong ginagawa mo?" Sagot ko habang namimili nang pwedeng dalhin na extra clothes.
"Wala naman. Ingat kayo ha."
"Opo." Nakangiting sagot ko habang nakatingin sa jeans at white t-shirt na hawak ko.
Ang sabi kasi ni Taehyung huwag akong magsuot ng mga daring na damit kung hindi naman kailangan at kung hindi naman sinabi ng stylists namin. Imbes na mainis ako sa pagiging conservative niya ay kinilig pa ako. Well, i find it sweet.
"Good. Sige na baka may ginagawa ka pa. I love you."
"I love you too." Sagot ko bago tuluyang ibinaba ang cellphone ko.
Nang makarating kami sa university sa Busan kung saan kami magpeperform ay talagang natuwa kami sa sobrang dami ng tao. Actually, medyo maaga pa nga kami kaya hindi ko inaasahan na ganito na agad karami ang bubungad sa amin.
Habang nag aayos sa dressing room ay napatingin ako kay Lisa nang bigla siyang lumabas.
"Saan punta nun?" Tanong ko kina Jennie.
"May naiwan daw sa kotse."
"Huh? Bakit pinayagan niyo? Baka pagkaguluhan yun doon." Napatayo ako sa sobrang pag aalala.
Hindi ko na inisip ang aabutan ko sa labas at inisip na lang si Lisa. Ang kulit talaga ng isang yun.
Habang naglalakad ay napaupo ako nang biglang may bumangga sa akin.
"Aray!" Daing ko.
"Oh! Sorry miss!" Inalalayan naman akong tumayo ng nakabangga sa akin. "Are you okay?"
Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon at laking gulat ko nang makita si Park Bo Gum na siyang MC para sa show.
"Oh. Sorry din." Yumuko ako sa kanya.
"Ikaw pala. Ang girlfriend ng best friend ko." Nakangiting sabi niya.
Awkward akong napangiti sa kanya. Medyo nahiya kasi ako. Napatingin ako sa likod niya at nakita ko na si Lisa kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang bago ang mismong event place ay may mahaba pang hallway kundi maraming makakakita sa kashungahan ko.
Una naming pinerform ang Boombayah, Whistle, Playing with Fire at ang As if it's your last.
Habang kinakanta ko ang part ko ay napatingin ako sa mismong tapat ko kung nasaan ang mga audience. Napansin ko agad ang isang fan na balot na balot. Naka black jacket, naka red cap, naka black mask at may shades pa. Aalisin ko na sana ang tingin sa kanya pero hindi ko magawa. Para bang namagnet na ang mga mata ko sa kanya. Hanggang sa matapos ang show namin ay sa kanya lang ako nakatingin. Minsan ay inaalis ko sa kanya ang tingin ko pero bumabalik pa din.
