* Jisoo's PoV
Nginingitian ko ang mga staff na nakakasalubong ko. Nandito kami sa studio nang Music Bank para sa taping. Tatlong araw na din ang lumipas ng umalis sila Taehyung. Hindi naman ako masyadong nalulungkot dahil palagi kaming nagvivideo call tuwing hindi siya busy.
"Hi Jisoo-ssi." Nakangiting bati ni Suho-ssi nang magkasalubong kami. Yumuko din siya kaya yumuko din ako.
"Ang tagal nating hindi nagkita ah." Nakangiting sabi ko.
"Yeah. Medyo busy eh." Natatawang sabi niya.
Nginitian din kami nang mga kagrupo niya. Nagpaalam na kami na pupunta na sa dressing room namin.
"Narinig niyo na ba ang usap usapan? Na stranded daw ang BTS dahil bumabagyo ngayon sa Japan. Hindi pa daw sigurado kung kailan sila makakauwi." Napatigil ako nang marinig ko ang sinabi nang isang staff.
"Talaga? Eh di ba may appointment pa silang naiwan dito? Ang alam ko isa sila sa special guest sa gaganaping mini concert sa Busan."
Wala sa sariling napatingin ako sa cellphone na hawak ko. Bakit walang sinabi si Taehyung tungkol dito? Nagkausap naman kami kagabi. Bakit hindi niya sinabing stranded sila? Akala ko pa naman makakauwi na sila bukas.
Inalis ko muna sa isip ko si Taehyung at nagfocus muna sa performance namin. Ayaw kong makasira sa grupo namin. Kailangang focus ako sa gagawin ko.
After ng taping ay nagsiuwian na din kami. Pagdating sa dorm ay dumiretso ako agad sa kwarto ko at sinubukang kontakin si Taehyung. Napailing na lang ako nang hindi ko siya macontact. Nag aalala tuloy ako. Okay lang ba siya doon? Hindi ba bumabaha kung nasaan sila ngayon?
Nag iwan na lang ako nang message na tawagan niya ako kapag wala siyang ginagawa.
Akala ko saglit lang ang hihintayin ko pero hindi ko akalaing aabutin ng apat na araw ang hihintayin ko para makausap siya ulit.
"Baby? Galit ka ba? Sorry na. Wala kasing signal dito dahil sa lakas ng bagyo. Video call na tayo please."
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya mula sa kabilang linya. Gusto niyang mag video call kami pero ayaw ko. Ewan ko ba, alam ko namang wala siyang kasalanan kung walang signal at bumagyo doon pero hindi ko maiwasan ang hindi magtampo.
Napapikit ako nang mariin.
"Baby, im sorry. I love you." Malambing niyang sabi.
I ended the call without saying anything. Parang ayaw ko pa siyang kausapin at hindi ko din alam kung bakit ako nagkakaganito. I know it's not his fault.
This is so frustrating.
"Unnie, okay ka lang?" Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko nang marinig ko ang boses ni Jennie. Nakadungaw siya doon.
"Yung totoo?" Napabuntong hininga ako. "I think I'm not okay."
Pumasok siya at tinabihan ako sa kama ko.
"Why? What happened?" Nag aalalang tanong niya.
"Taehyung called me. He's being sorry for not calling me. Ang kaso naiinis ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. I don't want to talk to him. Para bang hindi pa ako handa." Naguguluhang sagot ko.
"Maybe you just missed him. Ilang araw kasi kayong hindi nagkausap. Just understand him unnie. Wala naman siyang kasalanan."
-----------------
* Taehyung's PoV
I tried calling her again but she's not answering. Napahawak ako sa noo ko sa sobrang inis. Naiinis ako dahil galit siya sa akin and that's the last thing i wanted to happen. Ayaw kong magalit siya sa akin dahil baka bigla na lang siyang makipag break and i don't think i can let her go.
"Okay ka lang Tae?" Tanong ni Namjoon hyung.
"Bukas pa ba talaga tayo pwedeng umuwi sa Seoul?" Imbes na sagutin ang tanong niya ay nagtanong din ako.
"Oo bukas pa." Naguguluhang sagot niya.
"Ano bang nangyari sayo? May emergency ba?" Tanong naman ni Jin hyung.
"I think Jisoo is mad at me." Frustrated kong sagot.
"Bakit? Anong ginawa mo?" Tanong ni Jimin hyung.
"Tingin ko dahil hindi ako nakatawag ng ilang araw sa kanya."
"Wala yun. Namiss ka lang siguro." Sabi ni Hobi hyung.
"Oo nga. Namiss ka lang siguro nun. Hindi yun galit, nagtatampo lang siguro." Sabi naman ni Kookie.
"Lambingin mo lang." Sabi ni Yoongi hyung.
Ang kaninang inis na nararamdaman ko ay napalitan ng tuwa. So, namimiss niya lang ako kaya siya nagkaganon? Tuluyan na akong napangiti habang nakatingin sa wallpaper ng cellphone ko na selfie naming dalawa.
I miss you too baby..
