Salamat sa bagong book cover lilychubs 😘😘😘😘😘
----------
* Taehyung's PoV
Yung feeling na para kang nakalutang? Yung parang nakasakay ka sa ulap?
Yung feeling na sobrang inlove?
Wahahahahahaha! Lahat yun nararamdaman ko. Damang dama! Hahahahaha.
Ganito pala ang feeling kapag kayo na ng taong mahal mo. Sobrang saya ko. Parang mas masaya pa nga ako ngayon kaysa noong nag debut kami huehue.
"I'm home!" Masiglang sigaw ko pagpasok sa dorm namin. Kauuwi ko lang dahil hinatid ko ang girlfriend ko. GIRLFRIEND KO. TOTOO NA ITO! Hahahahaha.
"Ano na naman ang sininghot mo? Mukha kang sabog." Nginitian ko lang si Jimin hyung.
"May sasabihin ako." Ngiting ngiting sabi ko.
"Putsa! Bumigay ka na?" Tanong ni Namjoon hyung.
"Bakla ka hyung?" Tanong ni ilong.
Napakabait talaga nila sa akin. Tss.
"Hindi no! Gusto ko lang sabihin na, kami na ni Jisoo." Nakangiting sabi ko. Bakla mang tignan pero kinikilig ako hahahahaha.
"Alam na namin yan. Kasama mo pa nga kami noong nagpunta ka sa YG di ba?" Sabi ni Jin hyung.
"Akala ko naman kung ano." Sabi ni Yoongi hyung at natulog na ulit.
"Hindi, hindi. Kami na ni Jisoo. Yung totoo. Alam niyo yun? This is real! Kami na talaga. Kanina lang naging totoo ang lahat ng kasinungalingan." Sunod sunod na paliwanag ko.
"What the hell?" Gulat na tanong nila.
Mas nagulat kami ng malaglag pa si Yoongi hyung mula sa pagkakahiga niya sa sofa.
"Totoo ba yan? Baka nag iimagine ka lang?"
"Hindi no. Totoo talaga ito." Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at dinial ang number ni Jisoo. "Listen and believe after." Sabi ko. Sinet ko sa loud speaker ang phone. "Hi baby!" Bati ko kay Jisoo ng sagutin niya ang tawag.
"Hi baby." Bigla akong kinilig. Putek!
"Ayaw maniwala nila hyung na tayo na. Ikaw nga magsabi baby." Sumbong ko sa kanya.