Short update po. Huhu. Medyo sabaw eh huehue.. Bawi ako next time.
----------
* Jisoo's PoV
"Jisoo unnie!"
"Oh?"
"Nasa labas na yung driver."
"Sige. Palabas na ako."
Ngumiti ako sa harap ng salamin bago tuluyang lumabas. Ngayon kasi ang meeting namin dahil isa ako sa guest MC sa Inkigayo. Nakakakaba dahil first time ko ito huehue.
Pagkarating ko sa studio ay kumpleto na sila at ako na lang ang hinihintay.
"Hi!" Nakangiting bati ko sa kanilang lahat.
Tumayo naman sila Jinyoung at Doyoung na makakasama ko bilang MC. Nginitian ko din sila at yumuko.
---------------
* Taehyung's PoV
Nakatutok ako dito sa harap ng TV. Ngayon kasi ang first day ni Jisoo bilang MC kaya naman gusto kong mapanood.
"Tutok na tutok ah!" Dinig kong sabi ni Jin hyung.
Kasama ko sila dito sa sala. Kagigising lang namin dahil kagabi ang first day ng concert namin.
"Yung totoo hyung? Sino panonoorin mo? Si Jisoo noona o kung may male idols na didikit sa kanya?" Tanong naman ni ilong kaya ang ending inasar na naman nila ako.
Infairness, magaling sumayaw si Doyoung. May special stage performance kasi silang tatlong MC..
Napaupo ako ng maayos ng katukin ni Doyoung yung pinto na may pangalan ni Jisoo.
"Oh shit!" Sigaw ni Jimin hyung.
"Wow." Nakangangang comment ni Kookie.
"Ay grabe!" Comment naman ni Jin hyung.
Shit lang talaga! Bakit ang hot niya dun? Bakit ganun ang pinasayaw sa kanya?
Buti pa itong dalawang ito. Nahawakan na ang kamay niya. Samantalang ako hindi pa. Hay.
"Grabe! Ang hot ni Jisoo!" Sinamaan ko ng tingin si Jimin dahil sa sinabi niya.
"Ang ganda ni noona." Isa pa itong si ilong.
Gabi na at hanggang ngayon ay hindi pa din ako maka move on sa sexy dance niya kanina. Well, hindi lang naman ako.
Kanina tinitigan ko talaga ng maigi ang mga group. Kung pwede lang sabitan sa leeg si Jisoo ng karatula na may nakasulat na TAKEN ay ginawa ko na. Grabe makatingin sa kanya yung mga lalaking yun eh. Naku! Kapag ako talaga nakabalik na sa Korea yari sila sa akin.
"Easy lang Taehyung! Lalabas na ugat mo oh!" Natatawang sabi sa akin ni Hobi hyung.
"Umuusok na ilong mo!" Napailing na lang ako sa pang aasar nila. Sanay na eh.
Bumalik na ako sa kwarto at nahiga sa kama. Tinitigan ko saglit ang kisame ng maisipan kong itext siya.
To: Chichu 💛
Hi Chichu! Ang galing mo sumayaw kanina. Napanood ko..From: Chichu 💛
Really? Nakakahiya. Ang panget ko sumayaw. Baka naman makipagbreak ka na sa akin? Hahahahaha.Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga ko at tinitigan ng maigi ang text niya. Bakit parang totoo? Tsaka ako? Ako makikipagbreak sa kanya??
No. Hindi mangyayari.
To: Chichu 💛
Ang galing mo kaya. Sexy dance pa sinayaw mo. At hindi ako makikipagbreak no hahahaha.Hanggang gabi ay magkatext kami ni Jisoo. Nahinto lang kami nang sabihin niyang inaantok na siya.
To: Chichu 💛
Goodnight Chichu.. See you soon.