* Jisoo's PoV
Nagpatawag pa ng mas maraming security si Papa YG at inutusan silang ikutin at bantayan ng mabuti ang buong building.
Yakap yakap ako ngayon ni Jennie na ramdam ko din ang matinding takot na nararamdaman niya.
"Papa YG. Please, do something about it." Nagmamakaawang pakiusap niya. "Kinakabahan na kami. Kailangang mahuli agad ang fan na iyon kung talagang fan nga siya." May halong galit na sa boses niya.
"Yes. I'm doing everything para mahuli siya. May inutusan na din ako para icheck ang CCTV's." Kalmadong sagot ni Papa YG pero mababakas mo pa din sa kanya ang labis na pag aalala para sa amin lalo na sa akin.
Napakalas ako sa yakap ni Jennie ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan ng office. Hindi ko alam kung bakit pero nakita ko na lang ang sarili kong tumakbo palapit sa bagong dating at niyakap siya ng mahigpit.
"Baby." I feel safe now that he's here.
"Taehyung." Ang lahat ng luhang pinipigilan kong lumabas kanina ay ngayon bumuhos lahat.
"Sshh." Pagpapatahan niya sa akin. "Stop crying. I'm here."
Narinig ko ang mahinang mura ni Taehyung ng makita niya ang laman ng box na pinadala sa akin.
"Who the hell send this?" Galit na galit siya ng tanungin niya iyon.
It was the magazine of us.. Yung kinunan namin noon sa Jeju. May nakalagay na "R.I.P TAEHYUNG" sa mismong noo niya at ang nakalagay naman sa akin ay "WILL BE MINE SOON.."
Hindi ko alam kung dugo ba talaga ng tao o ano pero nagkalat ang dugo sa buong magazine. Takot na takot ako dahil nadamay na din si Taehyung dito. Para tuloy gusto ko na lang siyang makasama 24/7 just to make sure that his safe.
"We still don't know. Don't worry my men's are working about this. Pinahigpitan ko na din ang seguridad sa buong building. Lahat ng papasok at lalabas sa building na ito ay kailangang dumaan sa inspection, idol or just an employees." Sagot ni Papa YG.
Napanatag ang loob ko dahil sa narinig ko.
"Sir." Napatingin kaming lahat sa bagong pasok na isa sa security. "Kailangan niyo po itong makita."
Bigla akong nagkaroon ng pag asa ng may ipakita siyang isang USB. Galing siguro sa CCTV.
Agad inayos ng secretary ni Papa YG ang laptop at madaling ipinasok doon ang USB. Lahat kami ay nakaabang sa maaari naming makita. Hindi din binitawan ni Taehyung ang kamay ko at nagpapasalamat ako dahil sa kanya ako ngayon kumukuha ng lakas.
"Paano siya nakapasok dito na puro takip ang mukha?" Naguguluhang tanong ni Lisa.
"Maybe sa loob siya nagpalit." Sagot ni Jennie.
Wala kaming ibang nakita kundi isang lalaki na pumasok sa practice room namin ng umalis kami. Nakahood jacket siya, naka cap, may mask at salamin pa. Kitang kita namin na siya nga ang naglagay ng box na iyon. Hindi na namin alam kung saan siya lumabas dahil hindi na nahagip ng CCTV ang ibang parte ng building.
"Who ever he is I'll make sure to put him in jail." Nanggigigil na sabi ni Taehyung.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Ayaw kong nakikita siya na galit. Hindi ako sanay. Mas gusto ko yung Taehyung na alien na palagi akong pinapasaya.
Nang makauwi kami sa dorm ay pinacheck muna ni Taehyung sa mga bodyguard kung may kakaiba ba sa loob. Baka daw kasi may naglagay din ng kung ano dito. Sinabi kong wag na dahil mahigpit naman ang security at may passcode ang pinto pero mapilit siya.
"Okay na po Sir. Ayos po ang lahat."
Nagpasalamat kami sa mga bodyguard at tuluyan ng pumasok sa loob. May anim na nagbabantay sa labas ng dorm namin. May upuan, lamesa at TV din sila doon since malaki naman ang hallway. Ang alam ko din ay may kapalitan sila every 8 hours.
"Are you okay?" Napatingin ako kay Taehyung ng magsalita siya.
I just want him to stay here pero alam kong hindi pwede at hindi magandang tignan. Buti na nga lang pinayagan siya ni Papa YG na sumamang ihatid ako dito.
"I'm fine. Umuwi ka na bago pa dumilim."
"I love you Jisoo." Napapikit ako ng halikan niya ang aking noo. "Please be safe. Just call me. Tawagan mo ako kung kailangan mo ako."
"I love you too. Mag ingat ka din ha. Tumawag ka kapag nakauwi ka na para alam kong ligtas ka."
Niyakap niya ulit ako bago siya tuluyang umalis. Nang makaalis siya ay nakaramdam ulit ako ng takot.
Takot para sa sarili ko at takot para sa kanyang kaligtasan..
---------
Oh di ba! Ang tagal ng update hahahaha. Sorna! Enjoy niyo muna itong masabaw kong UD huehue.. Thank u for still supporting guys! Salamat sa lahat ng votes and comments. Hindi ko man narereplayan lahat pero nababasa ko ang mga kabog niyong comments! Hahahaha
![](https://img.wattpad.com/cover/115018842-288-k678388.jpg)