* Jisoo's PoV
Parang gusto kong umabsent sa taping ng Inkigayo bukas ng makita ko sa news na nakabalik na ang BTS sa bansa. They're back. It means makikita ko na siya bukas. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang makita siya. Handa na ba ako?
Anong gagawin ko? Papansinin ko ba siya? Iiwasan? Pagtataguan? Makikipagbreak na agad? Kaya ko bang bigla na lang siyang iwasan? Kakayanin ko bang makita siyang nasasaktan sa gagawin ko?
Pakiramdam ko ay sasabog na ang aking ulo sa dami ng iniisip ko. Napapikit ako ng mariin. Bakit hindi pwedeng maging masaya na lang kaming dalawa? Wala naman kaming naaagrabyado. Wala naman kaming nasasaktan. Bakit hindi kami magawang suportahan ni Papa YG?
What are you going to do Jisoo?
Napatingin ako sa bintana. Sana kung gaano kapayapa ang kapaligiran ko ay ganoon din kapayapa ang kalooban ko. Napatingin ako sa pintuan ng aking kwarto ng may kumatok at narinig ko ang boses ni Rose.
"Unnie, nandito si Taehyung oppa."
Nanlaki ang aking mga mata at pakiramdam ko ay lalabas mula sa aking dibdib ang aking puso. Bakit ngayon agad Lord? Hindi ba pwedeng bukas na muna? Nag iisip pa ako eh.
"Baby?" Parang maiiyak ako ng marinig ang boses ni Taehyung. Gusto ko siyang yakapin at magsumbong sa kanya. Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko ngayon pero hindi pwede. "Baby, are you okay?" Dinig ko ang pag aalala sa kanyang boses.
Lumapit ako sa pintuan pero hindi ko ito binuksan. Nakatitig lang ako sa pinto. Nag iisip kung bubuksan ko ba o hindi. Nanlalabo na naman ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha na gusto ng kumawala. Ramdam ko na naman yung sakit. Yung sakit na kayang kaya akong patayin.
"I miss you baby." Napakagat labi ako ng tuluyan ng tumulo ang mga luhang pinipigilan ko. Pinilit kong wag lumikha ng ingay habang pinipigilan ko ang aking paghikbi. "Hindi ka nagrereply sa mga texts ko. Hindi mo din sinasagot ang mga tawag ko." Tuluyan na akong napaupo at napasandal sa pintuan. Tinakpan ko din ng aking kamay ang aking bibig para hindi niya marinig ang pag iyak ko. "Did i do something wrong? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Okay naman tayo bago kami umalis di ba? Baby please, kausapin mo naman ako. Kung may nagawa man akong mali pag usapan natin. Wag naman yung ganito. Nahihirapan ako. Miss na miss na kita." Natigil siya saglit pero hindi pa din tumitigil ang pagpatak ng aking mga luha. "You still love me right?" Dinig ko ang sakit at takot na nararamdaman niya dahilan para mas lalo akong maiyak.
Of course.. I love you baby..
"Aalis na muna ako. Maybe, pagod ka. I'll see you tomorrow. Restwell baby. I love you so much."
Narinig ko ang papalayo niyang hakbang. Napayuko ako at niyakap ang aking mga hita. Bakit ganito kasakit? Bakit sobrang sakit? Ito ba yung sinasabi ni Papa YG na masasaktan lang ako? Ito ba yung iniiwasan niyang maramdaman ko? Pero kung hindi niya naman kami pinaghihiwalay ay hindi ko mararamdaman ang ganito katinding sakit.
Tumayo ako at binuksan ang pintuan ng aking kwarto at tumakbo ako palabas. Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin nila Jennie. Hindi ko pinansin ang basang mukha ko. Mas importante para sa akin ang mahabol ko si Taehyung at ng makita ko siyang naglalakad palayo sa akin ay tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit mula sa likod. Ramdam kong natigilan siya pero hinayaan niya lang ako. Lalo akong naiyak. Parang wala ng katapusan. Parang hindi nauubos hanggat nasasaktan pa din ako.
Akala ko kaya ko. Akala ko kaya kong mawala siya sa akin pero hindi pala at hindi ko alam kung darating pa yung araw na kakayanin ko pang magpatuloy kapag tuluyan na siyang nawala sa akin. Hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap sa kanya kasabay ng pagbuhos ng aking mga luha. Maybe i can fight for him. Kung may isang dahilan para hiwalayan ko siya ay mas marami akong dahilan para ipagpatuloy ang nasimulan namin.
"I love you Taehyung." Naiiyak kong sabi. "Mahal na mahal kita."
----------
To be honest. Naiiyak talaga ako habang tinatype ang chapter na ito. This is just so heart breaking. Sana magustuhan niyo. Salamat sa patuloy na pagbabasa 😊😊😊