* Jisoo's PoV
Pagdating ko sa supermarket kung saan kukunan ang unang scene namin ay nandoon na sila Taehyung at ang mga staff. Binati ko sila at ganun din ang ginawa nila.
Nang magkatinginan kami ni Taehyung ay nagngitian kaming dalawa. Para bang sa mga ngiting yun ay nagkakaintindihan kami. Tulad nga noong napagusapan last taping ay mamimili kami ngayon ng ibang mga gamit para sa bahay at syempre pagkain.
Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng supermarket habang tumatalon talon na akala mo mga bata.
"Tingin ko kailangan natin nito." Nilagay ni Taehyung ang isang pack ng ham at isang tray sa cart na tulak niya.
"Gusto ko nito." Parang bata kong sabi ng makita ang yogurt. Kumuha ako ng lima at nilagay sa cart.
Humawak ako sa braso niya at nagpatuloy sa pamimili. Ang alam naman ng lahat ay kami at sa show na ito ay mag asawa kami. Siguro lulubusin ko na lang ito. I want to know how it feels to be Taehyung's girlfriend.
"May dala nga pala akong picture." Ngiting ngiting sabi ni Taehyung habang nagtataas baba ng kilay.
"Anong picture?" Tanong ko habang patuloy pa din sa paglalakad.
"Secret. Malalaman mo mamaya." Natawa na lang ako at napailing.
"Oh! Ang cute!" Sabi ko ng makita ang couple toothbrush. Isang pink at isang blue.
Nginitian ko si Taehyung ng kinuha niya iyon at nilagay sa cart. Bumili din kami ng chips, prutas at iba pang pagkain.
Nang matapos kami ay nagbayad kami agad at sumakay sa kotse niya para umuwi sa bahay namin.
"Ako na ang magluluto. Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya pagdating namin sa bahay.
"Ikaw nang bahala. Aayusin ko lang sa kwarto yung sinasabi kong picture hehehe."
Natawa ako nang tumakbo siya papasok sa kwarto habang bitbit ang parang tarpaulin. Nagsimula na din akong magluto. Naghahain na ako ng lumabas siya habang humahagikgik.
"Ano ba yun?" Naiinip kong tanong.
"Tignan mo mamaya. Kain muna tayo."
Kakaiba ang mga ngiti niya kaya naman hindi na ako nakatiis. Tumakbo ako papunta sa kwarto at nagulat sa malaking picture namin na nakadikit na sa dingding.
Hindi ko alam kung paano kami nagkaroon ng ganoong picture pero alam kong kuha iyon noong unang taping namin para sa show.
Nakatingin kami sa isa't isa habang nakangiti.
Ang cute..
"Ang cute di ba?" Nagulat ako ng bigla siyang magsalita sa likod ko. "Sa susunod, wedding picture na natin ang nandiyan."
May kung anong saya akong naramdaman ng marinig ko iyon. Kahit alam kong ikakasal lang kami para sa show ay hindi ko maiwasan ang kiligin.
Well, I'm looking forward for that day too..
-------------------
* Taehyung's PoV
After kumain ng dinner ay nanood kami ng movie gamit ang laptop na dala ko. Napangiti ako ng subuan niya ako ng chips kaya sinubuan ko din siya hanggang sa ganun na ang mangyari hanggang matapos ang movie.
Kahit alam kong may camera sa paligid ay kinikilig pa din ako kapag ganito kami.
"Labas tayo? Gusto kong kumain ng pizza." Parang batang sabi niya habang nakahawak sa tiyan kaya natawa ako.
Nagsuot kami ng jacket bago lumabas. Sumalubong sa amin ang malamig na hangin dahil gabi na din.
Hinawakan ko ang kamay niya habang naglalakad kami. Alam kong nagulat siya pero napangiti na lang ako ng higpitan din niya ang hawak sa akin.
Hay Jisoo..
Nang makarating kami sa pizza parlor na malapit lang din sa apartment namin ay nag order kaagad ako. Mabuti na lang wala na din masyadong tao ngayon.
Nang madala sa amin ang pizza ay kumain na din kami. Natatawa ako sa kanya dahil tuwang tuwa siya habang kumakain ng pizza. Para bang ngayon na lang siya ulit nakakain noon.
Pagkatapos kong kainin ang isang slice ng pizza na hawak ko ay nagulat ako ng punasan niya ang gilid ng labi ko.
"Ang kalat mo kumain." Natatawang puna niya sa akin pero hindi ko na nagawang mag react dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
