Chapter 28

1.6K 78 14
                                        

Hi guys! Please support the stories of @blackNwasted. ( FALLIN and SUPREMACY )
THANK YOU 😘😘😘
Sorry sa matagal na update..

---------------

* Jisoo's PoV

Sa sobrang dami ng nangyari last week ay halos makalimutan ko na ang tungkol sa pagpunta namin sa Japan para sa promotions. Mabuti na lang at pinaalala sa akin ni Jennie na bukas na ang alis namin.

Agad kong tinawagan si Taehyung para ipaalam sa kanya.

"Hi babe." Bati niya agad sa akin.

"Hi." Nakangiting bati ko din kahit alam kong hindi niya makikita. "Hmm. Pupunta pala kami bukas sa Japan para sa promotions namin."

"What? Itutuloy niyo ba yun? Hindi ba pwedeng icancel muna dahil sa mga nangyari?"

"Hindi pwede eh. Isa pa okay naman na ako."

"No Jisoo. Siguro ngayon okay ka. Paano kung sundan ka doon nung stalker mo?" Nag aalalang tanong niya.

"Babe, I'm fine. Isa pa marami kaming kasamang bodyguard bukas. You don't have to worry."

Isang linggo na din ang lumipas mula nung huling pagpaparamdam sa akin ng stalker ko. Well, I'm not calling him a fan anymore. Walang fan na ganoon. Nakakatakot siya. Parang kayang kaya niyang gawin lahat ng sinabi niya.

"I'm going with you." Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"What? Alam mong hindi pwede yun Tae." Pagtutol ko sa balak niya.

"Wala namang ibang makakaalam. Ikaw,ako and of course my groupmates and Bang PDnim lang. I just want to make sure you're safe."

"Pero babe.."

"No more buts. Wala naman kaming gagawin this week. As far as i know wala kaming appointment so wag kang mag alala."

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako na sinabi ko pa sa kanya ang pag alis namin.

---------------

* Taehyung's PoV

"Are you insane?" Tanong ni Namjoon hyung ng ikwento ko sa kanila ang balak kong pagsama kay Jisoo.

"Nope. I'm just a man who's inlove." Tinignan ko silang lahat. "Deeply."

"Alam mo namang hindi pwede. Okay, obvious naman na inlove na inlove ka pero anong sasabihin mo kapag may nakakita sayo doon?" Tanong naman ni Hoseok hyung.

"Edi sasabihin kong binabantayan ko ang girlfriend ko." Yun naman talaga ang dahilan di ba?

"Ay, hulog na hulog ha!" Comment ni Jin hyung.

"How about Bang PDnim?" Tanong naman ni Suga hyung.

"Maiintindihan niya naman siguro." Umaasang sagot ko. "Alam naman niya ang lahat. Pati ang tungkol sa stalker ni Jisoo."

"Go on." Nabalik ang tingin ko kay Namjoon hyung ng magsalita siya ulit. "Call Bang PDnim. Kapag pumayag siya, you can go. Pero kapag hindi, as a leader kailangan mong makinig sa akin."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. He's the best leader. Very understanding. Medyo destroyer nga lang ng mga gamit hahahahaha.

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now