Chapter 46

1.1K 35 0
                                        

* Jisoo's PoV

"Saan pa ba tayo pupunta? Hindi pa ba tayo didiretso sa restaurant?"

"Six pm pa lang baby. Eight pa ang binigay kong oras ng dating natin doon. Let's just enjoy the ride first." nilingon niya ako at hinalikan ang kamay kong kanina niya pa hawak. "Namimiss na talaga kita. Sosolohin muna kita." napailing na lang ako sa kanya.

Nagkwentuhan lang kami habang patuloy siya sa pagmamaneho. Pasulyap sulyap ako sa kaniya at kapag nahuhuli niya ako ay natatawa na lang kami pareho.

"Mabuti naman at walang nagparamdam sayong ibang lalaki noong naghiwalay tayo." sabi niya.

"Wala naman. Isa pa, kung mayroon man ay hindi ko din naman ieentertain." sagot ko.

"Waiting for me huh?" nakangising tanong niya na inirapan ko.

"Mayabang." Natahimik kami hanggang sa marinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang paghigpit ng hawak niya sa akin. "Okay ka lang?" nag aalalang tanong ko.

"Masaya lang ako. Masaya ako kasi nagkabalikan tayo. Kasi sa akin ka na ulit." napangiti ako sa kaniyang sinabi. "Noong binitawan mo ang kamay ko nang araw na yun. Feeling ko talaga guguho ang mundo ko. I wanted to shout. Gusto kong magalit sa buong mundo but then naisip ko na dapat kung anong gusto mo, kung saan ka sasaya, dapat yun yung sundin ko. Your happiness should be my priority." nilingon niya ako at nginitian bago ibinalik sa harap ang tingin. "Mabuti na lang at mukhang patay na patay ka rin sa akin.."

"What?!" natatawa ko siyang pinalo sa kaniyang braso na ikinatawa niya rin. "Napakayabang mo!" naiiling na sabi ko pero hindi na mabura bura ang ngiti sa aking labi.

Saktong eight pm ay dumating kami sa restaurant. Hinawakan agad ni Taehyung ang aking kamay at hindi binitawan hanggang sa makapasok kami sa private room na pinareserve niya. Kaunti lang ang tao at tinulungan kami ng mga guard at waiter para hindi mapansin ng ibang customer. Nang dumating ang mga pagkain ay kumain na din kami. Nagsusubuan kami ni Taehyung at nagkukwentuhan.

"Sa sabado ang alis niyo di ba?"

"Yup. Gusto mong manood ng concert?" nakangising tanong niya.

"I can't." malungkot akong ngumiti. "Gustuhin ko man ay alam mong hindi pwede. Baka mamaya may makakita pa sa akin doon."

"You can stay at the backstage. May TV naman doon para mapanood mo ang nangyayari sa labas."

"I want to watch you live. Siguro, sa susunod na lang. Kapag okay na ang lahat." paninigurado ko.

"Isang linggo din akong mawawala. Baka mamiss mo ako." natawa ako sa kaniyang sinabi.

"Mamimiss naman talaga kita. Mag ingat ka doon ha. Uminom ka agad ng gamot kapag sinipon o inubo ka."

"Yes Ma'am." nakangiting sabi niya at sumaludo pa.

Pagkatapos ng dinner ay nagpahinga lang kami saglit at umalis na din agad. Thanks God at mukhang wala namang nakahalata sa amin.

He kissed me on my lips before I enter our dorm. Gusto ko sanang makita siyang umalis pero sabi naman niya ay gusto niya akong makitang makapasok sa dorm kaya wala na din akong nagawa.

Pagpasok sa dorm ay nagulat ako ng makita sila Papa YG at ang isa sa mga manager namin. Nakaupo siya kasama sila Jennie na nag aalalang nakatingin sa akin.

"P-papa YG." hindi ko mabasa ang iniisip niya at nakatitig lamang sa akin.

"Nag dinner daw kayo sa labas ni Taehyung?" napalunok ako bago tumango bilang sagot. "Kayo na ba ulit?"

"O-opo." nakayuko kong sagot.

"Where is he?" napaangat ako ng tingin ng marinig iyon.

"U-umuwi na po. Please, Papa YG sana hayaan niyo na po kami ngayon.."

"Jisoo." napatigil ako ng banggitin ni Papa YG ang aking pangalan. "I am asking where is he so I can thank him for bringing you home safe." nagtataka akong napatingin kay Papa YG. "Tapos na ang dating ban ninyo so you are free basta ba huwag niyo pa ding pababayaan ang careers ninyo."

"P-papa YG." unti unti akong napangiti sa aking narinig.

"Hindi ko na kayo paghihiwalayin ulit." nilapitan niya ako at hinawakan ang aking magkabilang balikat. "I know it's too late but I still want to apologize for making you choose back then. You guys have my blessing now. Stay happy and inlove with each other."

Sa sobrang tuwa ay niyakap ko agad si Papa YG.

"Thank you po. Thank you po, Papa YG." naiiyak kong pagpapasalamat.

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now