Chapter 36

1.1K 38 5
                                    

* Jisoo's PoV

Tuwang tuwa kami dahil naging successful ang comeback namin. Nagtext din sa akin si Taehyung at sinabing napanood na niya ang MV namin. Masaya siya para sa akin at nagsabi pang may ipadadala daw na regalo dito sa dorm.

Hindi kami masyadong nakapag usap ni Taehyung dahil naging busy kami para sa mga music shows. Naiintindihan niya naman kaya ayos lang.

Mabilis lang din lumipas ang mga araw. Marami kaming nakuhang awards sa mga music shows. Nagkaroon din kami ng mga fan meetings.

Busy ako sa pag update ng personal instagram ko ng makakita ako ng mga post galing sa mga fans ni Taehyung na shiniship siya sa ibang idol.

Ngayon ko lang talaga narealize na marami pala talaga. Mayroon kay Jennie, Lisa, Rose, Irene at marami pang iba. Hindi ko maiwasan ang hindi magselos at masaktan.

Palagi namang sinasabi ni Taehyung na normal lang iyon sa aming mga idol pero hindi ko alam kung bakit hindi pa ako masanay sanay.

Napangiti na lang ako ng mapait. I shouldn't be bitter dahil kami naman ang totoo pero masakit pala talaga. Masakit kasi hindi mo masabi sa buong mundo na kayo ng lalaking mahal mo.

Napatingin ako sa aking cellphone ng magring ito.

Calling Baby 💛...

Agad akong napangiti at sinagot ito.

"I miss you." Lalong lumawak ang aking ngiti ng marinig ang unang sinabi niya.

"I miss you too."

"I want to see you, baby." Malungkot na sabi niya at hindi ko maiwasan ang hindi mahawa sa kaniyang kalungkutan.

"I want to see you too, pero hindi pwede. Baka may makakita sa atin." Napabuntong hininga ako.

Humiga ako sa aking kama habang hinihintay siyang magsalita muli. Dinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga sa kabilang linya.

"Anong ginagawa mo?"

"Nakahiga. Ikaw?"

"Tinitignan ang pictures natin sa binigay mong photo album."

Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Yun yung regalo ko sa kaniya noong monthsary namin na palihim ko pang inabot sa kaniya noong nagkita kami sa isang music show.

"Really?" Nakangiting tanong ko. "Maganda ba?"

"Yes. You're so beautiful baby." Dinig ko ang malakas na tibok ng aking puso na tanging siya lang ang nakagagawa.

Mabilis lang din natapos ang tawag na iyon. Ilang araw pa ang lumipas at naghanda na din kami para sa Melon Music Awards (MMA) na gaganapin next week.

Natawa pa ako ng magtext si Taehyung na nagpakulay daw siya ng buhok.

My hair color right now is red. So, wear something red too..

Yun ang text niya sa akin kaya naman kahit may nakafix na akong damit para sa araw na yun ay pinakiusapan ko ang stylist namin. Buti naman at hindi na siya nagtanong pa.

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ng makarating kami sa venue para sa MMA. Kinakabahan dahil ito na lang ulit yung unang beses na makikita kaming magkasama sa iisang lugar ni Taehyung simula noong mapabalita ang break up namin at syempre excitement dahil makikita ko na siya ulit.

Nang makarating kami sa venue ay may nagsisimula ng magperform. Nang uupo na kami sa artist chairs ay halos matigilan ako ng makitang doon kami uupo sa harap ng BTS. Litaw na litaw ang kulay pulang buhok ni Taehyung kaya lihim akong napangiti ng tignan ang suot kong kulay pula na damit.

Sinikap kong wag siyang tignan kahit napansin ko na nagbow sila sa amin. Kinakausap ko na lang si Jennie na katabi ko para mapigilan ang sarili kong lingunin siya sa likod.

Napakagat labi ako ng hindi ako mapakali. Gusto ko na talaga siyang lingunin. Napapikit ako saglit at kunwaring lumingon sa likod at agad ding nag iwas ng tingin ng magtagpo ang aming mga mata.

Napaayos ako ng upo ng biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Shit! Sana walang nakapansin. Napatingin ako sa ibang idol na malapit sa amin at mukhang busy sila sa panunuod kaya wala namang nakapansin.

Thanks God!

Tumingin ulit ako sa stage kung saan nagpeperform ang GFriend. May lalaking naglalakad palapit sa amin na nakasuot ng uniform na may nakasulat na staff sa harap, nakamask siya at naka cup din. Hindi ko na sana papansinin pero ng daanan niya si Rose na nasa aking tabi at huminto sa aking harapan ay nagulat ako.

Napatingin ako sa paligid at nakitang nasa akin na din ang tingin ng ibang idol. Nabalik ang aking tingin sa lalaking nasa harapan ko ng bigla niya akong hawakan sa braso at sapilitang pinatayo.

----------

So ayun! Inspired talaga ang chapter na ito sa MMA. Alam naman nating lahat kung gaano talaga nagmatch sila Jisoo at Taehyung doon. Tapos naisip ko ano kaya ang magiging reaction ng BTS kapag nangyari talaga ito? I mean, nasa harapan nila ang BLACKPINK, ano kaya ang gagawin nila kapag may lalaking humila kay Jisoo? Hahaha 😂😂😂

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now