* Jisoo's PoV
"Jisoo unnie!!" Narinig kong sigaw ni Lisa. Nandito kasi ako sa kwarto para ihanda ang mga kailangan ko. "Nandito na si Taehyung oppa!"
Biglang nanlaki ang mga mata ko at dali daling lumabas. Totoo nga. Nakita ko nga si Taehyung na nakaupo sa sofa namin.
"Ang aga mo naman?" Bungad ko sa kanya.
Ngumiti siya bago napakamot sa batok niya.
"Sabi kasi nila hyung mas okay daw na ako ang maghintay kaysa ikaw ang paghintayin ko." Hindi ko alam pero napangiti ako dahil sa sinabi niya.
"Sige, wait lang. Bibilisan ko na." Sabi ko bago bumalik sa kwarto.
Saan ba kami pupunta? Well, pupunta lang naman kami sa Jeju Island. Yes. Doon ulit. May photoshoot kasi kami doon. Ininvite kasi kaming dalawa bilang maging cover nang ELLE. At dahil doon daw kami nakitang magkasama ay doon ang napili nilang maging venue.
Inaayos ko na lang ang mga personal things ko dahil naayos na kanina ni Ate Risa ang mga gamit ko na kakailanganin sa photoshoot.
Nagising ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa akin.
"Nandito na tayo." Nakangiting bungad sa akin ni Taehyung.
Nagsimula na ang photoshoot. Marami silang kinuhang picture na included din sa magazine.
"And now for our final cover. Hug each other while looking in each others eyes." Sabi ng photographer.
Niyakap ako ni Taehyung kaya ganun din ang ginawa ko. Nang magkatitigan kami ay pareho kaming natigilan. Unti unting bumaba ang tingin niya sa labi ko habang ako naman ay nakatingin pa din sa mga mata niya.
*click*
"Wow! This is so perfect." Napahiwalay kami sa isa't isa ng marinig naming nag ubu-ubuhan ang mga staff.
Ang awkward.
Pinakita sa amin ang mga picture. Magaganda lahat at aakalain mong kami nga in real life.
"Ito yung sa pinaka cover. This is so perfect."
Yung tinutukoy ng photographer ay yung last shot namin. Magkayakap sa isa't isa, nakatingin ako sa mga mata ni Taehyung habang siya ay nakatingin sa mga labi ko.
"Parang anytime eh tutukain na ni Taehyung si Jisoo." Comment ng isang staff kaya naman naramdaman kong namula ang mga pisngi ko.
Pagtingin ko kay Taehyung ay nag iwas siya ng tingin at napansin ko ang pamumula ng tainga niya.
----------
Bago umuwi sa dorm ay kumain muna kami sa labas nila Taehyung kasama ang ibang mga staff. Pinagkaguluhan kami agad kaya naman hinarangan sila agad ng mga security.
"Salamat sa paghatid Taehyung." Nakangiting sabi ko pagkarating namin sa harap ng dorm.
"Goodnight Chichu." Napangiti ako ng tawagin niya ako sa isa sa napakaraming nickname ko.
"Goodnight Taetae. Ingat ka." Sabi ko bago ako pumasok sa loob ng dorm.
Pagpasok ko sa kwarto namin ni Jennie ay napahawak ako sa dibdib ko.
"Stay still heart. Joke lang ang lahat ng ito." Bulong ko sa sarili ko.
----------
Isang buwan na ang lumipas mula nang magpanggap kami ni Taehyung.
And i enjoyed it.
Hindi naman sa sinasabi kong nag eenjoy akong lokohin ang mga fans namin but i enjoyed being with him.
Last week nga ay magkasama kami sa VLive na inabot ng milyon milyong views at hearts. Ginawa namin yun para icelebrate ang fourth monthsary namin together with the fans. Si Papa YG ang nakaisip ng idea na yun.
Napatingin ako kay Taehyung ng kumaway siya sa akin. Nginitian ko siya at sakto namang nakunan pala kami sa camera kaya naman nakita sa malaking screen ang moments namin. Kaya naman biglang naghiyawan ang mga fans.
Nandito kasi kami ngayon sa Inkigayo at magpeperform kami mamaya.
"Ang sweet." Dinig kong bulong sa akin ni Lisa.
Napangiti na lang ako pero nagulat na lang kami ng may lalaking tumayo sa harapan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/115018842-288-k678388.jpg)