Chapter 39

1K 37 6
                                    

* Jisoo's PoV

Nagising ako dahil sa ingay na aking naririnig. Kumirot ang aking ulo dahil sa biglaang pagbangon. Kinapa ko ang aking noo at medyo bumaba na ang lagnat. Nang maalalang nandito si Taehyung kagabi ay agad ko siyang hinanap sa loob ng aking kwarto pero wala siya. Nang marinig muli ang ingay sa labas ay kinabahan ako. May nakakita ba sa amin? May nakakita ba sa kanya na dito siya natulog kagabi?

Agad agad akong bumangon dahilan para mahilo ako. Ang sakit ng ulo ko! Nang makabawi ay agad akong lumabas ng aking kwarto at nanlaki ang mga mata ng makita kung sinu sino ang mga bisita dito sa aming dorm.

Papa YG..

Bang Si-Hyuk..

BTS members..

Napalunok ako ng makita ang agarang pagdirekta ng kanilang mga mata sa akin.

"Bakit bumangon ka agad? Okay ka na ba?" ni hindi ko namalayan ang paglapit sa akin ni Taehyung dahil sa sobrang gulat.

"Jisoo ssi." maawtoridad na boses ni Papa YG ang aking narinig. "Hindi ba't napag usapan na natin ito?" napalunok ako at hindi maalis ang tingin sa kaniya.

"P-papa YG." kinakabahang tawag ko sa kaniya.

"At dito pa siya natulog? Sa loob ng kwarto mo?!" napapikit ako ng tuluyan siyang sumigaw.

"You don't have to shout at her, Sir." magalang na sabat ni Taehyung. "May sakit siya. Hindi ba pwedeng magpagaling muna siya bago namin harapin ito?"

"Tumakas ka sa dorm niyo, Taehyung." si Bang Si-Hyuk naman ang nagsalita ngayon. "Hindi mo ba alam na delikado lalo na at hatinggabi ka umalis? Paano kung may nangyari sayo sa daan?"

"And I'm perfectly fine. May sakit ang girlfriend ko. Of course, aalagaan ko siya." hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Taehyung at nang lingunin niya ako ay bahagya akong umiling.

"Wag ka ng sumagot." bulong ko sa kaniya.

"You have to choose Jisoo." nabalik ang aking tingin kay Papa YG. "The group or your relationship with him?" nanlaki ang aking mga mata ng marinig iyon.

Narinig ko din ang pagprotesta ng kani kaniyang mga kagrupo namin pero hindi ko na masyadong napag tuunan ng pansin.

"Sir, she doesn't have to choose. She can stay in the group while having me." mariing sabi ni Taehyung.

"You guys are too young for this." hindi din nagpatalo si Papa YG. "Ang dapat niyong sineseryoso sa ngayon ay ang mga pangarap niyo. Kung kayo talaga ang para sa huli ay kayo pa din naman. Magtatagpo kayo kahit ilang beses kayong magkalayo." napapikit ako at napayuko.

Kinagat ko ang aking pang ibabang labi at pinigilan ang pagtulo ng aking luha.

Now what, Jisoo? You have to choose. Your dreams or the man that you love?

Unti unti akong bumitaw mula sa pagkakahawak ni Taehyung sa aking kamay.

"No baby. You don't have to choose." dinig ko ang sakit sa boses ni Taehyung kaya naman hindi ko na nagawang tignan pa siya.

Tumingala ako at idinerekta ang tingin kay Papa YG.

"I'm choosing the group." sinubukan kong wag pumiyok sa kabila ng panlalabo ng aking mga mata.

And in that exact day.. I pursue my dreams while breaking my heart..

It was exactly three years ago since that day happened. Nagkikita man kami sa mga music shows ay hindi na kami nagpapansinan. Halos iwasan pa nga namin ang isa't isa. Para bang walang nangyari. Parang hindi kami nagkakilala. Parang hindi naging kami.

Kauuwi lang namin sa hotel na pansamantala naming tinutuluyan dito sa America para sa mga guestings namin. Ilang linggo matapos ang totoong break up namin ni Taehyung ay nag US debut na kami. Ngayon ay pabalik balik kami dito para sa ilang guestings, photoshoot para sa isang sikat na magazine at iba pa.

Lumabas ako sa balcony ng hotel room na tinutuluyan namin ni Jennie. Nayakap ko ang aking sarili ng maramdaman ang lamig ng gabi. Napatingala ako sa kalangitan at hindi ko maiwasang hindi maalala ang sakit na nakita ko sa mga mata ni Taehyung ng araw na yun.

"You don't have to do this, baby." umiling iling siya pero hindi nakaligtas sa aking paningin ang pangingilid ng kaniyang luha. "You don't have to choose. Fine. I won't demand too much. Hindi na ako lalabag sa mga utos ni Papa YG. Just.. Just please, don't break up with me."

Napayuko ako ng maalala kung paano isa isang tumulo ang kaniyang mga luha. Kung paano ko nakita ang sakit sa kaniyang mga mata. Kung paano ko siya nasaktan ng sobra dahil hindi siya ang pinili ko.

"Ito ang gusto ko. I'm sorry Taehyung pero mas mahalaga sa akin ang grupo.. at ang pangarap ko."

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now