* Jisoo's PoV
Tatlong araw na ang lumipas mula noong nag usap kami ni Papa YG. Kahapon naman umalis sila Taehyung para sa BBMAs. Ilang beses na siyang tumawag at nagtext pero wala akong sinagot ni isa. Hindi ko alam kung paano ako aakto pero siguro kapag naramdaman niyang cold na ako sa kanya ay siya na mismo ang makipagbreak.
I just don't know how to break up with him.
And i just can't.
Siguro mas okay na din yung siya na mismo ang makipaghiwalay. Mas kakayanin ko yun. Hahayaan ko na lang din siguro na magalit siya sa akin. Mas magiging madali para sa amin ang lahat kapag nangyari iyon.
I asked Papa YG to give me sometime to break up with him at pinagbigyan niya naman ako. Mas gusto ko kasing tapusin muna ang awards night para hindi naman siya masyadong madistract. Alam ko kung gaano kahalaga sa kanila ang event na yun at ayaw ko namang madistract siya dahil lang sa akin. He deserves the best.
Palagi akong nagkukulong dito sa aking kwarto. Wala pang alam sila Jennie tungkol sa problema ko. Kapag sinabi ko kasi sa kanila ay alam kong iiyak lang ako sa harapan nila at malulungkot sila para sa akin. Ayaw kong idamay pa sila sa kalungkutang nararamdaman ko. Mas okay na yung ako lang ang nasasaktan.
But i know i need to hurt Taehyung too..
Bakit ba parang ang hirap ng sitwasyon namin? Ganito ba talaga sa mundong pinasok ko? Can't we just be happy together? Hindi ba talaga pwede yung masaya lang kami at walang tututol?
Napatingin ako sa cellphone ko ng magring ulit ito.
Baby 💛 calling..
Hinayaan ko lang na tumunog ito at mawala. Tumunog ulit ang cellphone ko and this time it was a message from him.
From: Baby 💛
Hey. Why are you not answering my calls? Are you okay? Busy ka ba? Just text me if you're not busy. I'm worried. I love you baby.Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng aking mga luha ng mabasa ko ang text niya.
I love you too Taehyung.. and leaving you is my worst nightmare..
--------------
* Taehyung's PoV
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng tinignan ang cellphone ko. Hanggang ngayon ay wala pa ding reply si Jisoo. It's been three days. Kahapon ng umalis kami ay hinihintay kong magtext siya na mag ingat ako pero wala. Hindi din niya sinasagot ang mga tawag ko.
And I'm starting to get worried..
Nakabalik na kami dito sa hotel na tutuluyan namin. Kagagaling lang namin sa studio para magpractice dahil bukas na ang awards night. I'm so excited for this pero ngayon ay parang mas gusto ko na lang bumalik sa Seoul. Gusto ko na lang matapos agad ang awards night para makita ko na siya ulit.
I don't like what I'm feeling right now. Pakiramdam ko iniiwasan niya ako. Iniisip ko pa lang yun ay nasasaktan na agad ako. Maayos naman kami nung huli kaming magkita kaya hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito.
"Okay ka lang Tae?" Napatingin ako kay RM hyung ng tanungin niya ako. "Parang ang lalim ng iniisip mo. Napansin ko na yan noong umalis tayo pero hinayaan lang kita. Wala ka din sa sarili kanina habang nasa practice. So, what's the problem?"
Napabuntong hininga ako ng makitang nakatingin na silang lahat sa akin. Nandito kami sa restaurant ng hotel para magdinner.
"I feel like Jisoo is avoiding me." Malungkot kong sagot. "Simula ng umalis tayo ay ganito na siya. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Hindi din siya nagrereply sa mga texts ko." Napahawak ako sa aking ulo. "I don't know what to do. Maayos naman kami nung huli kaming magkita."
"Baka naman busy lang. Marami din namang siyang ginagawa." Sagot ni Jin hyung.
"Or maybe baka kapag tumatawag ka ay tulog siya." Sabi naman ni Jiminie.
"Kung ganun pwede naman siyang magtext pag gising niya di ba?" Sagot ko.
"Baka ayaw lang niyang makaistorbo dahil alam niyang busy tayo dito." Sabi ni Suga hyung.
Sana nga ganun lang.
Isipin ko pa lang na baka nagsawa na siya sa akin o kaya ayaw na niya dahil wala naman akong oras sa kanya ay hindi ko alam kung kakayanin ko. I don't want to lose her.
I love her so much..