* Jisoo's PoV
Simula ng makauwi ako dito sa dorm namin ay tulala lang ako. Sa pagkakatanda ko ay dapat tatanggihan ko na lang ang role eh pero bakit nga ba napapirma ako sa kontrata na hindi naman dapat?
Ah oo nga pala. Kasi, gusto ko nga pala mapalapit ulit kay Taehyung. Baka ito na yung chance na binibigay sa akin tapos pakakawalan ko lang? That's a no no.
Nangako ako sa sarili ko na kung mabibigyan ako ng pagkakataon ay si Taehyung naman ang pipiliin at ipaglalaban ko. Hindi naman pwedeng siya lang palagi ang lumalaban para sa aming dalawa di ba?
"Unnie! Totoo ba?" tinabihan ako nila Jennie dito sa aking kama. Bigla na lang silang pumasok sa aking kwarto. "Kalat na sa internet yung tungkol sa nangyaring script reading niyo kanina. Si Taehyung pala ang kaloveteam mo. Okay ka ba doon?" nag aalalang tanong niya.
"Siguro? Oo? Hindi?" naguguluhan kong sagot at napabuntong hininga na lang. "Basta sa ngayon, ang alam ko lang gusto ko siyang makasama."
"Susuportahan ka namin unnie." napangiti ako sa sinabi ni Lisa kaya naman niyakap ko silang tatlo.
Well.. Sana ganun din siya..
Sana gusto din niya akong makasama..
Nang sumapit ang araw ng lunes ay walang paglagyan ang kaba at excitement na nararamdaman ko. Today is our first shooting day! Jusko! Sana hindi ako magmukhang eng eng mamaya doon.
Ilang araw ko ding inaral at kinabisado ang script ko na dumating pa sa puntong kinausap ko sila Jennie para magkunwari silang kaeksena ko.
Pagkatapos maligo at mag ayos ay lumabas na din ako sa aking kwarto. Tulog pa ang mga kasama ko dahil maaga ang call time namin ngayon. Naupo muna ako sa sofa habang hinihintay ang pagdating ng service van na sasakyan ko at ang stylist ko.
"Good morning Ate." nakangiting bati ko sa stylist ng makasakay ako sa van.
"Mukhang good mood ka ah." nakangiting puna niya sa akin.
"Masaya lang po."
Pumunta kami sa isang university kung saan gaganapin ang first scene. Marami nang tao doon at naayos na din ang mga tent. Marami na din ang mga estudyanteng nag aabang.
Nang bumaba ako sa van ay agad nagsigawan ang mga tao. Ang daming tumatawag sa aking pangalan. Nginitian ko sila at bahagyang kumaway. Magkasama kami sa iisang tent ni Tzuyu habang sila Jungkook at Taehyung ay nasa kabilang tent naman. Ang ibang artista na makakasama din namin ay nakilala ko na. Sobrang na overwhelmed ako dahil lahat sila ay mababait.
Nagpalit na ako ng damit at ang isinuot ay yung uniform ng university. Ang puting shortsleeve blouse ay naka tuck in sa aking pulang palda na hanggang itaas lamang ng tuhod.
Nang makalabas kami sa tent ay sinubukan kong wag tignan si Taehyung.
"Ang first scene ay yung mag uusap sa hallway sila Honey at Megan tapos pagdaan nila sa gymnasium ay matatamaan ng bola sa ulo si Honey. Brix, wag masyadong lakasan ang pagpalo sa bola. Then, magagalit ka Honey at kukomprontahin si Brix." pinakinggan ko ng mabuti ang director. "Lights! Camera! Action!"
Naglalakad kami ni Megan papuntang gymnasium dahil may meeting daw ang lahat ng scholar doon pero kung tinamaan ka nga naman ng lintik!
"Aray!" pakiramdam ko umikot ang buong mundo ko dahil sa pagtama ng bola sa aking ulo.
"Hey! Sorry miss." nang marinig ang boses ni Taehyung ay halos makalimutan ko kung nasaan ako. Umayos ka Jisoo! "Okay ka lang?"
Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Humarap ako sa kaniya at kinalimutan ang personal na bagay.
"Wow ha! Nagtanong ka pa talaga! Ikaw kaya ang matamaan ng bola sa ulo!" singhal ko sa kaniya.
"Look.. I'm sorry okay? I didn't mean it."
"I didn't mean it daw. Nuknukan ka siguro ng kashungahan! Mukha bang basketball ring ang ulo ko ha?!" magsasalita pa sana siya pero pinigilan ko na. "Hep! Wag ka ng magsalita pa! Tabi nga dyan!"
Umalis na ako sa harapan niya at hindi na siya muling nilingon pa.
"Ang gwapo talaga ni Brix, best." sabi ni Megan habang naglalakad kami palapit sa mga bleachers.
Nagpatuloy pa ang mga scene. Habang kinukunan kami ng camera ay nasa ibang bahagi naman ng school sila Taehyung para sa scene nila.
Ang role ko dito ay isang scholar at nanay na lang ang mayroon ako. Tourism ang course namin ni Tzuyu habang sila Taehyung at Jungkook ay engineering naman.