* Jisoo's PoV
Nakatingin ako kay Suho na nasa harapan ko ngayon. Alam kong bawal pero nagpumilit siyang sumama sa paghatid sa amin at hindi ko alam kung paano niya napapayag ang driver namin. Kapag nalaman ito ni Papa YG sermon na naman ang aabutin ko.
Ayaw ko sana pero hindi ko maiwasang hindi mailang sa kanya.
"Pasok na ako. Salamat ulit." Sabi ko dahil ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa din siya nagsasalita.
"Jisoo." Napahinto ako ng tawagin niya ako.
"Bakit?"
"Kayo na ba talaga? Kayo na ba ni Taehyung?" Nakikita ko sa mga mata niya na umaasa siyang sabihin kong hindi iyon totoo.
Pero hindi pwede. Hindi ko pwedeng ilaglag si Taehyung.
Dahan dahan akong tumango. Napayuko siya at nakita kong napangiti siya.
"Pwede bang maging magkaibigan tayo? Kahit yun lang?"
Nakahinga ako ng maluwag at nginitian siya.
"Sure."
-------------------
Alas nuebe na nang gabi pero gising pa din ako. Nakakainis si Taehyung. Ang alam ko ngayon ang balik nila galing Japan pero hindi pa din siya nagpaparamdam sa akin. Tss.
Napatingin ako sa cellphone ko ng mag vibrate ito. Sa sobrang excited ko ay kinuha ko ito agad pero napasimangot ako ng makitang hindi pa din si Taehyung iyon kundi si Suho.
Binasa ko ang text niya kahit si Taehyung pa din ang iniisip ko.
From: Suho oppa
Hi Jisoo! Still awake?To: Suho oppa
Yes oppa hehe. Bakit gising ka pa?From: Suho oppa
Wala lang. Ang ingay kasi ni Sehun. Ginugulo ako hahahaha.To: Suho oppa
Hahahahaha. Sabihin mo wag siyang magulo.From: Suho oppa
Iloveyou.Bigla akong natigilan sa nabasa ko. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Ilang beses ko itong binasa ng paulit ulit na para bang namali lang ako sa nabasa ko.
Napahawak ako sa dibdib ko ng hindi pa din ito humuhupa sa mabilis na pagtibok. Bakit? Bakit ganito? Ganito ba talaga ang feeling kapag first time na may nag i love you sa iyo?
Huminga ako ng malalim ng mag vibrate ulit ang phone ko para sa panibagong text ni Suho. Oh my god! Ano ba itong nangyayari sa akin?
From: Suho oppa
Jisoo-ssi!! Sorry. Si Sehun yung nag text nun. Ang kulit kasi eh. Inaagaw yung cellphone ko. Sorry talaga. Sana hindi ka galit.Biglang bumagsak ang mga balikat ko. Bakit parang ang sakit? Masyado ba akong umasa na siya nga ang nagtext noon? Bakit parang naiinis ako sa kanya dahil binawi niya pa iyon?
Napailing ako at nahiga na sa kama ko. Binitawan ko na din ang cellphone ko at nagtakip ng unan sa mukha.
Ano bang nangyayari sa akin?
Kanina kay Taehyung ako naiinis pero ngayon? Mas naiinis na ako kay Suho. Argh!
--------------
Paggising ko kinabukasan ay nakasimangot ako. Una ay dahil hindi talaga nagtext si Taehyung at pangalawa ay dahil kay Suho. Nakakainis!
Maaga akong umalis dahil may taping kami ngayon para sa Inkigayo. Nasa sasakyan na ako nang marealize kong makikita ko doon mamaya ang dalawang taong kinaiinisan ko ngayong araw. Napabuntong hininga na lang ako.
"Jisoo-ssi!" Bati sa akin ni Jinyoung at Doyoung pagdating ko sa dressing room namin.
As usual ang aga pa din nila at ako na naman ang late. Hay buhay.
Pinanood ko ang BTS na nagperform ng Spring Day at ang EXO naman na Kokobop ang pinerform. Infairness, magaling silang pareho at ang sexy nang dating nilang dalawa. Yung para bang tinatawag ka nila kahit hindi naman. Pansin ko din ang pagsulyap nilang dalawa sa akin kanina kaya naman medyo nailang ako.
"LQ?" Napatingin ako kay Jinyoung nang bumulong siya sa akin.
"Ha?" Tanong ko kahit gets ko naman ang tanong niya.
"Ang sabi ko may LQ ba kayo ng boyfriend mo? Para kayong nagpapakiramdaman eh."
"Ah, medyo? Parang ganun na nga?" Hindi ko siguradong sagot.
Hindi ko kasi alam kung LQ na ba ang tawag doon dahil una ako lang ang naiinis sa kanya. Pangalawa ay hindi naman talaga kami. Ay ewan! Ang gulo!
Tapos na ang taping at nakita kong palapit sa akin si Suho kaya nginitian ko siya kahit naiinis ako sa kanya.
"Sorry Jisoo."
"Okay lang." Labas sa ilong na sagot ko.
"Akala ko galit ka. Hindi ka na kasi nagreply."
"Nakatulog na kasi agad ako." Napuyat kaya ako dahil naiinis ako sa inyo!
Nakahinga naman siya ng maluwag nang malamang hindi ako galit.