* Jisoo's PoV
Nang makarating sa set ay agad akong inayusan ng stylist ko para sa kukunang eksena. Habang minimake upan ako ay binabasa ko ang script.
Ang eksena ngayon ay yung pag amin ni Megan kay Brix na gusto niya ito pero irereject siya ni Brix dahil may gusto na siyang iba. Magsisimula na din yung conflict naming magkaibigan dahil aaminin ni Taehyung este ni Brix na ako ang gusto niya.
Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman ng mabasang may kissing scene kami ni Taehyung na kukunan mamaya. Pakiramdam ko ay nag init ang buong mukha ko.
Relax, Jisoo! Hindi naman ito ang first time na maghahalikan kayo! You already kissed way back in the past. Pinapakalma ko ang aking sarili pero isipin pa lang na mararamdaman kong muli ang kaniyang labi sa akin ay nag iinit na agad ang mukha ko.
"Megan!" nakangiti ako ng salubungin ko siya sa hallway pero agad ding nabura ng bigla niya akong sampalin.
"Palagi na lang ikaw!" naiiyak na sigaw niya sa akin. "Ikaw na ang matalino! Ikaw ang the best! Ikaw na lahat! Pati yung lalaking gusto ko ikaw din ang gusto!"
"M-megan."
"Alam mo namang mahal ko siya di ba? Alam mong mahal ko si Brix, Honey! Bakit kailangang ikaw pa?!" pinanood ko lang na tumakbo palayo sa akin ang bestfriend ko.
"Cut!"
"Unnie! Sorry! Masyado bang masakit yung pagkakasampal ko sayo?" nag aalalang tanong ni Tzuyu.
"Okay lang. Ang galing mo nga eh." nginitian ko siya dahilan para mapabuntong hininga siya.
Nagpahinga kami saglit bago ipinagpatuloy ang shooting para sa susunod na eksena.
"Lights! Camera! Action!"
"Bakit mo sinaktan ang kaibigan ko?" hinanap ko si Brix para kumprontahin.
"Mas masasaktan ko siya kung paaasahin ko siya."
"Pero bakit dinamay mo pa ang pangalan ko?!" naiinis na bulyaw ko sa kaniya. "Alam mo bang galit siya sa akin ngayon dahil sa kasinungalingang sinabi mo sa kaniya?!"
"I'm not lying!" nagulat ako ng magtaas din siya ng boses. "I like you, Honey! Fuck! I think I'm in love with you! Bakit ba hindi mo maramdaman yun?!"
Nanlalaki ang aking mga mata sa ginawa niyang pag amin.
"B-brix.."
"Mahal kita. Sobrang mahal kita, Honey. Please, stop pushing me away."
"I.. I don't.. know.." naguguluhang sagot ko.
Ni hindi ko nagawang gumalaw ng lumapit siya sa akin at hawakan ang magkabila kong pisngi.
"Just accept my love. Yun lang.. Yun lang, Honey."
Tumagos sa kaniyang likod ang aking tingin at doon ay nakita ko si Terrence na madilim ang mga matang nakatingin sa amin habang nakakuyom ang kaniyang mga kamay.
"Cut!" pumalakpak ang direktor. "Very good! Next scene!"
Ang next scene ay ang pag amin ni Terrence na gusto din niya si Honey. Sa may gymnasium iyon magaganap.
"Cut! Next scene! Sa locker room."
Napabuntong hininga ako bago nagpunta sa locker room dahil doon ang next scene namin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. We'll be shooting our kissing scene here! Wala sa sariling dinilaan ko ang aking labi dahil pakiramdam ko ay natuyo ito dahil sa sobrang kaba.
"Okay! Jisoo and Taehyung I want your kiss to be perfect in this scene. Just show the right emotion that's needed." pareho kaming tumango ni Taehyung at hindi na nagsalita pa. "Okay! Lights! Camera! Action!"
Inaayos ko ang mga gamit ko sa locker ko ng biglang bumukas ang pintuan. Hindi ko na sana papansinin pero ng marinig kong nilock ang pintuan ay lumingon ako agad sa likod. Halos hindi ako nakagalaw ng makitang si Brix pala ang pumasok.
"Why did you have to lock the door?"
"Why? You're scared?" he asked coldly.
Napailing ako at tinapos na ang ginagawa para makaalis na dito. Lalabas na sana ako pero pinigilan niya ako. Gulat akong napatingin sa kaniya ng isandal niya ako sa pintuan.
"L-let go of me!" pagpupumiglas ko sa mahigpit niyang pagkakahawak sa akin.
"So, my best friend likes you too huh?" he smirked. Inatras ko ang aking ulo ng unti unti niyang ilapit ang kaniyang mukha sa akin. "I'm just reminding you. That. You. Are. Mine."
Nang maramdaman ko ang kaniyang labi sa akin ay kinalimutan kong eksena lang ito. Oh God! How i missed him.
Humiwalay siya at tinignan ako sa mga mata. Para akong malulunod sa kaniyang mga titig.
"I'm not yours." thanks God at nasabi ko pa ang linya kong iyon.
"You are mine. Mine alone." hinalikan niya ako ulit but this time ay gumalaw na ang kaniyang labi. Hindi katulad kanina na nakadikit lang talaga. "Kiss me back baby." bulong niya pero sapat na para marinig ko.
Tuluyan kong kinalimutan ang mga tao sa paligid namin. I kissed him back. Letting him know that I missed him so much.
![](https://img.wattpad.com/cover/115018842-288-k678388.jpg)