Chapter 54

1.3K 29 3
                                        

* Jisoo's PoV

Napagdesisyunan namin ni Taehyung na gaganapin ang kasal namin pagbalik niya galing sa military at kapag nadisband na ang aming grupo. Kalat na ang balita tungkol sa proposal niya. Lahat ay masaya para sa amin. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwalang ikakasal na ako sa lalaking mahal ko. Para bang isa lang siyang magandang panaginip.

Tuwang tuwa sila Jennie para sa akin. Ang dami na nilang suggestions para sa kasal namin na labis kong ikinatuwa. Bago tuluyang pumasok sa military si Taehyung ay namanhikan muna sila sa aming pamilya. Tuwang tuwa ang mga parents namin para sa amin. Excited na din sila sa aming kasal.

Tatlong buwan na ang nakalipas simula noong pumasok si Taehyung sa military. Magkasabay silang dalawa ni Jimin na pumasok kaya naman panatag ako dahil may makakasama siya doon.

Ngayon pa lang ay miss na miss ko na siya. Bago siya umalis ay nagsabi siya na simulan ko na daw ang pagplano para sa kasal namin pero hindi ako pumayag dahil mas gusto ko yung kasama ko siyang magpaplano. Syempre para sa aming dalawa ang araw na iyon. Gusto kong maging espesyal iyon para sa aming dalawa.

Inuubos ko na lang ang oras sa taping dahil may bago akong drama na about sa family. Ako ang bunsong anak ng isang mayamang pamilya na walang kapayapaan ang loob ng tahanan dahil palaging nag aaway ang parents ko.

Iniisip ko pa lang na magkakaroon na din kami ng sariling pamilya ni Taehyung ay hindi ko maiwasan ang hindi kiligin. Paniguradong magiging masaya ang aming pamilya at hindi ko hahayaan na magkagulo ito. Napapangiti na lang ako sa tuwing naiimagine ko ang mga pwedeng mangyari. Ang sabi ni Taehyung ay gusto daw niyang magkaroon ng limang anak pero kapag busy daw talaga kami ay okay na sa kaniya ang tatlo. Nang tanungin niya ako kung ilang anak ang gusto ko ay sinabi kong kahit ilan. Kung ilan ang ibibigay sa amin ay tatanggapin ko basta siya ang magiging ama.

Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nagpaplano ka na para sa kinabukasan niyo. Yung naiimagine mo na gigising ka araw araw na yung lalaking mahal mo ang unang makikita mo sa umaga at siya din ang huling makikita mo bago ka matulog.

Busy din si Jennie sa show niya, si Rose naman ay busy din sa solo career niya at si Lisa ay nasa Paris para sa isang endorsement. Minsanan na lang kami magkita kita dahil minsan ay hindi pareho ang schedule namin. Kung minsan nasa dorm na ako pero sila ay wala pa at kapag aalis na ako ay saka sila darating.

Nagkakabisado ako ng script ng maalala ko si Taehyung. Wala kaming communication kaya naman kapag namimiss ko siya ay tinitignan ko lang ang mga picture namin o kaya naman ay binabasa ko ulit ang mga conversation namin sa text.

Napabuntong hininga ako. Namimiss ko na yung kakulitan niya. Yung mga I love you niya. Yung box smile niya. Tinigilan ko na ang pagtingin ng mga pictures namin dahil lalo ko lang siyang namimiss. Lumabas na lang ako sa tent at nakihalubilo sa mga staff namin. Bigla kasing umulan kaya natigil ang taping namin.

"Direk, mukhang hindi na po hihinto ang ulan." sabi ng isang cameraman.

Napailing si Direk bago nagbasa sa script. Nang mag angat siya ng tingin ay saktong nakita niya ako kaya napangiti siya.

"Jisoo, pwede bang unahin nating kunan yung scene ninyo ni Bo Gum sa ulan?"

Naalala ko ang scene na iyon kaya agad akong tumango. Yup. Si Park Bo Gum aka bestfriend ni Taehyung ang leading man ko sa kwentong ito. Siya yung palaging dumadamay sa akin kapag umaalis ako sa bahay dahil naririndi na ako sa sigawan ng parents ko.

"Ang sakit sakit na. Araw araw na lang silang ganun. Minsan, ayaw ko ng umuwi sa bahay. Mas gusto ko na lang mag stay sa bahay ng mga kaibigan ko. Kasi doon, nagmamahalan ang mga parents nila. Masaya sila." nag angat ako ng tingin sa kaniya at nakitang nakatingin na din siya sa akin. "Di ba, kapag wala na yung pagmamahal dapat bumitaw na?" naiiyak kong tanong.

"May mga bagay talaga na kailangang mas unahin kaysa sa nararamdaman. Iniisip lang kayo ng parents niyo kaya hindi sila naghihiwalay." napailing ako sa kaniyang sinabi.

"Mas makakabuti siguro kung maghihiwalay na lang sila. Mas magiging okay kaming mga anak nila. Ayaw kong humantong sila sa hiwalayan pero kung wala na talagang pag asa mas mabuti kung unahin nilang isipin ang mga sarili nila."

Niyakap niya ako habang nasa gitna kami ng ulan.

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now