* Jisoo's PoV
"Lalisa!" Tawag ko kay Lisa. Hindi ko kasi mahanap yung cellphone ko ang alam ko hiniram niya iyon kagabi bago ako matulog eh.
"Bakit unnie?"
"Yung cellphone ko?"
"Ah oo nga pala." Inabot niya sa akin ang cellphone ko na nasa bulsa niya. "Thanks unnie."
Humiga ulit ako sa kama at tinignan kung may text na si Taehyung. Napangiti ako ng makitang nagtext na nga siya.
From: Taetae
Goodmorning Chichu. Don't skip your meal. Eat on time, arasseo?To: Taetae
Goodmorning too. Just woke up. Eat your meals too.Napangiti na lang ako. I don't like the idea that we have to pretend that we're on a relationship but being with him makes me happy.
I hope it will last. Sana kahit malaman na ng lahat na fake lang ang lahat wala pa ding magbago sa amin. Sana ganito pa din.
Nag ayos na kami dahil may performance pa kami sa isang tv show. Marami ding idols ang nandoon katulad na lang ng EXO, Red Velvet, GOT7, NCT at Twice.
Nang makarating kami sa studio ay agad kaming dumiretso sa dressing room na naka assign sa amin.
After namin mag ayos ay lumabas na kami. Sinalubong kami ng hiyawan ng mga fans. Naupo kami sa table namin na katabi lang ng EXO at GOT7. Nasa harapan namin ang Red Velvet at Twice. Habang nasa likod ang NCT.
Nakikanta kami at nakisayaw sa ibang group, kami ang last performer ngayon.
Nang kami na ang magpeperform ay naghiyawan ang mga fans namin. Nagsimula na kaming kumanta at sumayaw ng Whistle. After noon ay Playing with fire naman.
After ng performance ay nagkamustahan kami nila Jinyoung at Doyoung. Medyo close ko na sila at may group chat din kami.
Umalis ako saglit para mag cr. Paglabas ko sa comfort room ay nakasabay ko sa paglabas si Suho-ssi na galing sa men's cr. Nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya.
Paalis na sana ako ng magsalita siya.
"Jisoo-ssi."
"Hmm?" Tanong ko nang tignan ko ulit siya.
"I like you Jisoo-ssi." Gulat akong tumingin sa kanya.
"Huh?"
"I like you. Gustong gusto kita." Seryosong sabi niya sa akin.
Bigla na lang tuloy akong natigilan at natahimik. Siya kasi ang kauna unahang male idol na nagsabi sa akin nito mula nung mag debut ako.
"Sorry kung nagulat kita." Nahihiya siyang kumamot sa batok niya. "Gusto ko lang malaman mo. Ayaw ko ng magpakatorpe pa."
Hanggang ngayon ay nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin.
"Jisoo-ssi?"
"Huh? A-ano k-kasi."
"Jisoo unnie!" Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang boses ni Lisa.
"Una na ako." Tuluyan na akong umalis sa harapan ni Suho.
Kaloka ah! Nag cr lang ako tapos may confession ng naganap?
"Unnie okay ka lang?" Tanong ni Lisa. "Anong pinag usapan niyo ni Suho oppa?"
"Wala naman.
------------
* Taehyung's PoV
Sa wakas! Nakauwi na din sa aming hometown. Huehue. Kararating lang namin galing sa 2 days concert namin sa Japan. Napangiti ako ng maalala kong sosorpresahin ko si Jisoo. Hindi ko kasi sinabi sa kanya na ngayon ang balik namin.
Dumiretso muna kami sa dorm para makapagpahinga na. Tulog na silang lahat dahil sa pagod pero heto ako at nagbibihis para pumunta kina Jisoo.
Chineck ko ang dala kong mga paper bag na puno nang pasalubong para sa kanya. Syempre binilhan ko na din ang ibang members niya, kailangan magpalakas eh hahahahaha.
Pagdating ko sa dorm nila ay nag doorbell kaagad ako. Walang sumasagot. Wala pa siguro sila. Dapat pala tinext ko muna kung nandito siya para naman hindi masayang ang pagpunta ko.
Naghintay ako saglit at panay ang tanaw sa labas ng gate para tignan kung parating na sila. Nang makita ko sa di kalayuan ang van nila ay nagtago ako agad sa likod ng bakod.
Nakita ko nang bumaba sila Jennie, Lisa at Rose. Nakapasok na sila lahat sa dorm pero wala pa rin si Jisoo kaya naman sumilip na ako sa labas para tignan kung nasaan siya.
Pero nagulat ako sa nakita ko.
Huli na ba ako?