* Jisoo's PoV
Halos magdadalawang linggo na din ang lumipas simula nang magsimula kaming magtaping. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakausap si Taehyung maliban na lang sa mga scene na magkasama kami. Palagi kasi siyang may kasama. Kung hindi si Jungkook ay yung mga stylist at assistant nila ang kausap niya. Hindi ko alam kung nagkataon lang o sinasadya niyang may kausap palagi para hindi ko siya malapitan. Sana yung nagkataon na lang dahil kapag sinasadya niya ay alam kong masasaktan lang ako.
Next week ay ipapalabas na sa TV ang show kaya excited na ako. Sana magustuhan ng mga viewers ang drama namin.
Halos araw araw kaming magkasama ni Taehyung pero hindi ako makahanap ng tyempo para kausapin siya. Ang madalas kong makausap sa set ay si Tzuyu o kaya si Minhyuk ng MonstaX na gumaganap bilang pinsan ko na sobrang kaclose ko sa storya. Siya din yung unang makakaalam na may gusto sa akin.. I mean may gusto sila Brix at Terrence kay Honey. Medyo panatag din ang loob ko sa kanya dahil nakasama ko na siya minsan noong naging MC ako sa Inkigayo.
"Coffee." nakangiting alok sa akin ni Minhyuk.
"Salamat." nakangiti kong tinanggap ang kapeng inabot niya. Uminom ako agad dahil medyo malamig na ang klima.
Umupo siya sa tabi ko habang tahimik na umiinom sa sarili niyang kape. Nandito lang kami sa labas ng tent namin ni Tzuyu at nagpapahinga dahil may kinukunan pang scene sila Jungkook at Taehyung.
"Buti hindi ka nakakaramdam ng awkwardness sa mga scene na magkasama kayo?" nilingon ko si Minhyuk at nginitian ng tipid.
"Kung alam mo lang." natawa ako sa sariling sagot. "Sobrang pinipigilan ko lang ang sarili ko."
"I'm sorry for asking."
"It's okay." napatingala ako sa kalangitan na nag aagaw na sa liwanag at dilim.
Minsan ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung ano kaya ang mangyayari kung siya ang pinili ko? Hanggang ngayon ba ay kami pa din? Maaabot ba namin yung mga pangarap namin kung hindi kami naghiwalay? Gusto ko sanang isipin na magiging masaya naman kaming dalawa pero alam kong hindi iyon magiging ganoon kadali. Basta sa ngayon alam kong tama lang na pinakawalan ko siya noon. Para din naman sa amin iyon.
"Jisoo." nagbaba ako muli ng tingin ng marinig ang boses na iyon.
Sa harap ko ay si Taehyung.. Kita ko ang pagsasalubong ng kaniyang mga kilay ng tignan si Minhyuk sa aking tabi.
"Pack up na daw." yun lang ang sinabi niya at umalis na din agad.
Sinundan siya ng mga mata ko habang naglalakad sa akin palayo.
Palayo ka na naman. Baka naman hindi na kita mahabol niyan?
Nagpaalam na ako kay Minhyuk bago pumasok sa loob ng tent para ayusin ang mga personal kong gamit.
"Hintayin na kita sa van, Jisoo. Ilalagay ko na itong mga gamit doon." sabi ng aking stylist at assistant.
"Sige ate."
Palabas na sana ako sa tent ngunit natigilan ako ng makita kung sino ang pumasok sa loob.
"T-taehyung." Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Napalunok ako ng marealize na kami lang dalawa ang tao dito. "B-bakit?" kinakabahang tanong ko.
Nalipat ang aking tingin sa mga papel na inabot niya.
"Bagong set ng script." tipid na sabi niya.
"Thanks." kinuha ko na ang mga papel at magsasalita sana pero lumabas na din siya agad.
Napapikit ako at wala sa sariling napahawak sa aking dibdib. Kalma lang heart!
Oh God! Pwede bang may warning muna kapag magkakausap kami para naman maihanda ko ang sarili ko?
Nang mahimasmasan ay lumabas na din ako sa tent. Nagpaalam ako sa director at ibang mga staff bago dumiretso sa van namin.
Nang makauwi sa dorm namin ay agad akong nagkulong sa kwarto ko para pag aralan ang script namin. Kagat kagat ko ang aking daliri habang kinakabisado ang lines ko nang mahinto ako dahil sa pagtunog ng aking cellphone. Without looking who is the caller I answered the call.
"Hello?" sagot ko sa kabilang linya habang hindi inaalis ang tingin sa papel na hawak ko. Napakunot noo ako ng wala akong marinig na sagot at puro buntong hininga lang. Tinignan ko kung sino ang caller pero number lang ang nakita ko. "Hello? Sino ito?" tanong ko ng ibalik sa aking tainga ang cellphone.
Napailing na lang ako ng ibaba na ng caller ang tawag.
Weird..