* Jisoo's PoV
Hindi ko alam kung matatawa na lang ba ako sa tadhana o ano. Kapag kasi nasa America kami ay nandito sa Korea ang BTS at kapag kami naman ang nandito ay sila ang nandoon.
Really tadhana? Nananadya ka ba o nang aasar?
Ang totoo niyan ay umaasa pa din ako. Na baka.. Malay niyo.. Maybe, he's still in love with me. Kaso, mukhang ayaw pa kaming pagtagpuin ng tadhana. Ang tanging pinanghahawakan ko na lang ngayon ay ang katotohanang wala pa siyang naging ibang girlfriend pagkatapos ko.
That's more than enough for me..
Our dating ban ended last month. Kaya naman heto ako.. Umaasa pa rin na baka naman.. Baka pwede na kami ulit. Baka ito na yung sinasabi ni Papa YG na kung kami sa huli ay magtatagpo at magtatagpo pa din kami kahit anong mangyari.
"Unnie! Nandito na si Manager Han!" dinig kong sigaw ni Jennie mula sa labas ng aking kwarto.
"Palabas na!" sagot ko.
Tinignan ko muli ang aking sarili sa harap ng salamin. Naka black pants at red blouse ako na medyo kita ang pusod. Ang sandals ko naman ay red din na may heels pero hindi naman ganoon kataas. I fixed my black hair into a messy bun.
Saan nga ba ako pupunta ngayon? Well.. Maniwala man kayo o hindi ay magkakaroon na ako ng TV series! Yup. Isa ako sa lead actress ng bagong show at pupunta ako ngayon sa script reading para makilala na din ang ibang makakasama ko.
Since tapos na din naman ang promotions at wala kaming masyadong schedule ay pwede daw maisingit ang show na ito kaya agad pumayag si Papa YG.
Sobrang excited na ako para dito kasi sobrang tagal ko nang gustong umakting. Yung huli kasi ay guesting lang pero ngayon ay isa na ako sa lead cast.
Nang makalabas sa kwarto ay nagpaalam na din ako kina Jennie na sinabihan pa ako ng good luck.
Nang makarating kami sa building ng TV station na maghahandle sa amin ay agad nagkislapan ang mga camera sa paligid. Ngumingiti ako habang inaalalayan ako ng mga guard para hindi masagi ng mga reporters at camera man.
"Naku late na yata ako manager." nahihiyang sabi ko.
"Dalawang minuto pa lang naman."
Nang buksan ng isang guard ang pintuan ng conference room ay agad akong yumuko at humingi ng paumanhin.
"Sorry po nalate ako." hinanda ko ang aking ngiti bago mag angat ng tingin pero agad din iyong nabura ng makita ang lalaking matagal ko ng namimiss at hanggang ngayon ay mahal ko pa din.
Pakiramdam ko ay tumalon palabas ang aking puso at tumalbog papunta sa kaniya. Wala kang emosyong makikita sa kaniyang mga mata. Hindi tulad noon, na makita lang ako ay agad na siyang ngingiti at yayakapin ako.
But now is different..
Sobrang nakakapanibago..
Iniwas ko agad ang aking tingin sa kaniya ng hindi ko kayanin ang intensidad ng kaniyang mga mata. Umupo ako sa upuang naka assign sa akin na talagang nasa tabi pa niya.
Really tadhana? Kung kailan hindi ako ready saka mo siya ihaharap sa akin?
Pero teka.. Dapat nasa America sila ngayon ah? Nakabalik na sila agad? O siya pa lang?
Nang malanghap ko ang kaniyang pamilyar na amoy ay pinigilan ko ang aking sarili na wag singhutin lahat ng kaniyang pabango. Ngayon ko napatunayan na miss na miss ko na talaga siya.. pero wala din naman akong pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko noon dahil tignan mo naman siya.. ang BTS.. tuluyan na nilang naabot ang rurok ng tagumpay. Siguro nga ay nakatadhana ding mangyari iyon noon.
Siguro hindi pa talaga iyon yung tamang oras para sa amin..
Maybe, now??
Stay still, Jisoo!
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at napangiti ng makitang nandito din pala sila Tzuyu at Jungkook na agad akong kinawayan at nginitian.
"So, this story is about a college love and friendship." panimula ng writer. "Magbestfriend sila Brix at Terrence then maiinlove sila sa iisang babae which is si Honey." napatango tango ako. Siguro si Tzuyu ang gaganap na Honey. "Then, Megan, Honey's bestfriend is inlove with Brix. Then the story goes hanggang sa magkaroon na ng trabaho ang mga lead actors at nagkita kita ulit sila." So? Ako si Megan ganoon?
And who the hell is Brix then?
"Tzuyu will be Megan. Si Terrence ay si Jungkook. Si Jisoo ay si Honey at si Brix ay si Taehyung."
Parang napako ako sa aking kinauupuan at hindi magawang iangat ang tingin sa kanila at nanatili lang ang aking atensyon sa mga papel na nasa aking harapan.
You've got to be kidding me!!