Chapter 5

3K 129 32
                                    

* Jisoo's PoV

Nandito kaming lahat sa office ni papa YG. Ang buong blackpink at ang BTS pati si Mr. Bang Si Hyuk.

"Ang alam ko bawal ang mga celebrity na in real life ang relasyon di ba?" Sabi ni Jin Oppa.

"Oo nga. Yun din ang alam ko." Sabi ni Jimin.

"Well, due to public demand ay nangyari na nga." Tinignan kaming dalawa ni Taehyung ni papa YG. "Kayo ang most requested couple kaya naman kayo ang next guest sa WGM."

"Don't worry. Hindi naman araw araw ang taping niyo. Ang sabi ng management ng show three to four days a week ang taping niyo. Yun nga lang syempre may mga pupuntahan kayong mga lugar." Sabi naman ni Mr. Bang Si Hyuk.

Nagkatinginan kami ni Taehyung. Nagkangitian kami na para bang pareho kami ng iniisip.

"Mukhang gusto naman nilang dalawa eh." Napatingin kaming lahat kay Suga oppa na nakatingin pala sa amin ni Taehyung.

--------------

After ng meeting namin ay napagpasyahan namin na sabay sabay na lang mag lunch. Nagpadeliver na lang si Papa YG ng foods.

"Kailan kaya ang first taping niyo?" Tanong ni Lisa habang kumakain kami. "For sure, mataas ang ratings niyo."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Well, gusto ko talagang mag guest sa mga reality shows. Hindi ko lang akalain na agad agad eh mapapasabak ako at si Taehyung pa ang kasama.

"Jisoo-ssi!" Napalingon ako kay Taehyung nang tawagin niya ako.

Pasakay na sana ako sa van namin para umuwi na sa dorm pero tinawag niya ako. Sinabihan kong mauna na sila Jennie sa van at susunod na lang ako.

"Bakit?"

"Kasi.. Ano eh." Napakamot siya sa batok niya at parang nagdadalawang isip pa kung sasabihin ba. "May concert kasi kami sa Japan." Tumango ako. Alam ko naman kasing may concert sila doon at sa pagkakarinig ko kanina ay bukas na ang alis nila. "Baka may gusto kang pasalubong?" Nahihiya niyang tanong sa akin.

Napangiti tuloy ako.

"Ikaw na bahala. Kahit ano naman pwede at magugustuhan ko basta sayo galing." Lalo akong napangiti nang mapansin kong namumula ang tainga niya.

Ang cute..

---------------

Matutulog na sana ako ng biglang mag vibrate ang cellphone ko. Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Taehyung.

From: Taetae
Goodnight Chichu.. Sleep well. Sweetdreams..

To: Taetae
Goodnight din Taetae..

Huminga ako ng malalim bago nahiga ulit sa kama ko. Nakatitig lang ako sa kisame.

Bakit ganun? Tama lang ba na nararamdaman ko ito?

Bakit feeling ko, totoo na ito?

Bakit gusto kong totohanin na lang?

---------------

* Taehyung's PoV

Inaantok pa ako pero kailangan na naming umalis. Ngayong araw kasi ang alis namin papuntang Japan para sa dalawang araw na concert namin doon.

"Miss mo na no?" Napatingin ako kay Jimin hyung nang asarin niya ako.

Nakasakay na kaming lahat sa eroplano at hinihintay na lang si Daddy Bang na nakikipag chismisan pa sa mga crew huehue.

"Yung totoo hyung? Hindi pa nga tayo nakakaalis eh." Naiiling na sabi ko.

Pero syempre joke yun. Kanina bago ako sumakay dito ay tinext ko na si Chichu pero hanggang ngayon ay wala pa siyang reply. Baka tulog pa.

Hay.. Apat na araw din akong mawawala. Balita ko pa naman guest MC siya sa Inkigayo.

Nanlaki ang mga mata ko ng may marealized ako.

Shit!!

"Namjoon hyung!"

"Oh?"

"Sino yung mga kasama ni Jisoo na guest MC sa Inkigayo?"

Nakita kong nag smirk silang lahat. Ang lakas kasi ng boses ko eh magkakalapit lang kami.

"Ang alam ko si Jinyoung at Doyoung." Sagot ni Namjoon hyung habang may kakaibang ngiti sa akin.

"Wag mong sabihing nagseselos ka?" Natatawang sabi ni Hobi hyung.

"Wala kang swag pag nagselos ka." Sabat ni Yoongi hyung habang nakapikit.

Hindi ko na lang pinansin ang mga pang aasar nila sa akin.

Napatingin ako sa bintana at napaisip. MC si Jisoo, ibig sabihin madaming mga boy groups doon. Marami siyang makakasalamuha. Iniisip ko pa lang matinding selos na agad ang nararamdaman ko. Paano pa kaya kapag nakita ko na?

Hintayin mo lang ako Chichu..

Wag kang titingin sa iba.

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now