Chapter 50

1.1K 37 0
                                    

* Jisoo's PoV

Nang makarating sa hotel ay hinintay muna naming makababa ang mga assistant at ilang body guards na nakasakay sa iisang van at nakasunod lamang sa sasakyan ni Taehyung. Nakita kong nakababa na din sila Jungkook at Tzuyu kasama ang ilang staff at ang director namin.

This press conference is super late. Dapat ay matagal na itong nangyari dahil nagsimula na ang airing ng show kaso sa sobrang dami ng nangyari ay ngayon lang natuloy.

Paglabas pa lang namin ng sasakyan ay sunud sunod na ang pagclick ng mga camera. Taehyung's still holding my hand at inaalalayan ako. The guards are making sure na walang makakalapit sa amin.

Nang makapasok sa conference hall ng hotel ay mas dumami pa ang mga kumukuha ng pictures. Sumisigaw na din ang ilang fans na pinayagang makapasok dito.

Sabay sabay kaming yumuko at bumati bago naupo. Nasa kanan ko si Taehyung, sa kaliwa ko ay si Jungkook at sa tabi niya ay si Tzuyu tapos ang director.

Isa isa ng nagtanong ang mga reporters. So far ay tungkol lang naman sa show ang mga itinatanong.

"Jisoo, kamusta naman ang working relationship ninyo ni Taehyung? Hindi ba awkward para sayo na makasama ang ex boyfriend mo sa iisang show?" tanong ng babaeng reporter.

"It was.." nilingon ko si Taehyung bago magpatuloy sa pagsagot. He smiled at me kaya napangiti din ako. "It was good. Working with him is a great opportunity."

"Taehyung, since ikaw ang lalaki. What can you say about the rumors that you're back together? Is it true? Kayo na ba talaga ulit?"

"Yes." nagsinghapan ang lahat dahil sa pag amin ni Taehyung. Napatingin ako sa kaniya at naramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay sa ilalim ng lamesa. "Kami na ulit." walang pagdadalawang isip niyang sagot.

Nagpalakpakan naman ang mga fans at naghiyawan pa na ikinangiti ko dahil suportado nila ang relasyon namin.

"Wow. Congratulations!" masayang sabi ng reporter. "For sure ay masaya ang mga fans para sa inyo."

Nagtuluy tuloy lang ang mga tanungan hanggang sa matapos. Nagkaroon lang ng picture taking bago kami tuluyang nakalabas sa conference room.

Bago tuluyang umuwi ay sabay sabay na kaming kumain ng dinner dito din sa restaurant ng hotel. Panay ang panunukso sa amin ng aming mga kasama pero ang mahalaga ay masaya silang lahat para sa amin ni Taehyung.

"Sabi ko na nga ba kayo na ulit eh." nanunuksong sabi ng director namin. "Pansin ko na talaga na may nag iba pero nahihiya naman akong magtanong. Well, congrats sa inyong dalawa at sana ay wag na kayong maghiwalay."

"Salamat po." nakangiting sabi namin ni Taehyung.

"Restroom lang ako." bulong ko kay Taehyung.

"Sasamahan na kita." tatayo na sana siya pero pinigilan ko.

"Hindi na. Saglit lang ako." tumayo na ako at nagpaalam din sa mga kasama ko.

May sumunod sa akin na dalawang bodyguard. Nang matapos ay palabas na sana ako sa CR pero may nakita akong isang kahon sa ibabaw ng sink. Hindi ko na sana papansinin kaso sobrang laki noong papel sa ibabaw nito at may nakalagay na Jisoo. Nilapitan ko ito at bahagyang inalog. Napakunot noo ako at lumabas.

"May iba bang pumasok sa loob?" tanong ko sa mga bodyguard.

"Isang babae Ms.Jisoo. Bakit? May ginawa po bang masama?"

Umiling lang ako at tinignan muli ang kahon na hawak ko. Tinanggal ko ang pagkakatali ng ribbon at binuksan ito. Napakunot noo ako nang makita ang isang papel. Yun lang ang laman ng kahon. Kinuha ko ang papel at pinahawak ang kahon sa bodyguard. Binuklat ko ang papel para mabasa ang nakasulat doon.

The time is near.. Malapit na kitang makasama, Jisoo.. Babawiin na kita sa kanya.. You are mine..

Agad akong kinabahan ng mabasa iyon. Nagpalinga linga ako sa paligid pero wala namang ibang tao.

"Miss, okay ka lang?" hindi ko nasagot ang tanong dahil sa malalim na pag iisip.

He's back.. Siguradong siya din yung nagpapadala ng mga kung anu ano dati. Sino siya? Bakit sinasabi niyang kanya ako eh hindi ko naman siya kilala?

Ipinatapon ko na sa mga guard ang kahon habang ang papel naman ay itinago ko sa aking bulsa. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong ipaalam kay Taehyung o sa mga manager ko. This is a serious case at hindi ko ito pwedeng balewalain kaya naman pag uwi ko sa dorm ay saka ko na lang kakausapin ang mga manager ko at si Papa YG.

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now