* Jisoo's PoV
Hindi din naman nagtagal sila Papa YG at agad ding nagpaalam na aalis dahil gabi na din. Hanggang ngayon ay nakangiti pa din ako at gustung gusto nang ipaalam kay Taehyung na okay na kay Papa YG ang lahat.
"Kinabahan ako doon!" sabi ni Jennie habang nakahawak pa sa dibdib. "Akala ko talaga eh kokontra na naman si Papa YG."
"Congratulations Unnie!" magkasabay na sabi ni Rose at Lisa.
Niyakap ko sila at nagpaalam na tatawagan ko muna si Taehyung para ibalita ang nangyari. Agad kong kinuha sa aking bedside table ang cellphone. Hindi ko na kasi ito dinala pa kanina dahil kasama ko na si Taehyung. Agad kong idinial ang number ni Taehyung at dalawang ring pa lang ay sinagot na niya ito agad.
"Baby!" ngiting ngiting bungad ko kahit hindi niya naman ako nakikita.
"You missed me that much?" natatawang sabi ni Taehyung sa kabilang linya.
"May good news ako sayo."
"Really? Sasama ka na ba sa concert namin?"
"Hindi ah." natatawang sagot ko. "May blessing na tayo ni Papa YG!" masayang balita ko. Nailayo ko ang cellphone sa aking tainga ng makarinig ng pagkahulog sa kabilang linya. "Hey! Are you okay baby?" nag aalalang tanong ko.
"Sorry baby. Nahulog ang phone ko. I'm just so happy at nagulat na din." napangiti ako sa kaniyang sinabi. "Wow! It means we're legal now right?" natawa ako doon.
"Legal talaga? Ano tayo? Mga teenagers?" natatawang tanong ko.
"I'm so happy baby. Parang gusto ko ulit bumalik dyan at yakapin ka."
"Silly." naiiling na sabi ko.
"Thanks God at mukhang okay na ang lahat." dinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga na para bang nabunutan ng tinik sa dibdib. "Gusto ko ng isigaw sa buong mundo na akin ka na ulit. I love you so much, Kim Jisoo."
"I love you more, Kim Taehyung."
Tatlong araw na ang lumipas simula noong umalis sila Taehyung para sa kanilang world tour. Habang wala siya ay inabala ko ang aking sarili sa taping dahil kinukunan ang ibang mga scene na wala sila ni Jungkook. Nagrerecord na din kami para sa mga bagong kanta ng grupo. Next next month kasi ay comeback na namin.
Kanina lang ay tumawag si Taehyung pero namimiss ko na agad siya. Nasa Europe sila ngayon para sa apat na araw na concert nila sa iba't ibang lugar. Parang gusto ko na ngang sumunod para mapanood siya kaya lang ay wala naman akong ticket dahil sold out na tsaka isa pa ay baka kumalat pa ang balitang lumabas akong mag isa ng bansa. Hihintayin ko na lang siguro ang pagbabalik niya at makukuntento na lang sa pagtawag niya.
Nang makauwi sa dorm ay agad akong nagpahinga dahil napagod ako maghapon. Naalimpungatan lang ako ng marinig ang pagring ng aking cellphone. Kinapa ko ito sa ilalim ng aking unan habang nakapikit at agad sinagot ang tawag ng hindi tinitignan kung sino ang caller.
"Hello?"
"J-jisoo anak.." agad akong nagmulat ng mga mata ng marinig ang pag iyak ni Mama sa kabilang linya.
"Mama? Anong nangyari? Bakit kayo umiiyak?" nag aalalang tanong ko.
"A-ang lola mo anak.." napabangon ako dahil sa narinig. "Inatake sa puso.. Nandito kami ngayon sa ospital."
Nang malaman kung nasaang ospital ang aking Lola ay agad akong nagbihis para pumunta doon. Alas onse pa lang ng gabi kaya hindi ko na ginising pa ang mga kasama ko.
Habang nakasakay sa taxi ay umiiyak ako. Napatingin ako sa aking cellphone ng magring ito. Nang makitang si Taehyung ang tumatawag ay nagdalawang isip ako kung sasagutin ito. Paniguradong mag aalala siya at ayaw kong madistract siya sa concert nila. Hinintay ko na lang na matapos ang tawag at ilang minuto lang ay may dumating na message galing sa kaniya.
From: Baby 💜
Good night baby. I love you and I miss you. I wish you're here.. Text ka kapag gising ka na okay? I want to hear your voice.Pinigilan ko ang aking sarili na itext siya at magsumbong sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Gustung gusto ko siyang kausapin. Gusto kong humingi ng lakas ng loob pero ayaw ko naman maging unfair sa kaniya.
Nang makarating sa ospital ay agad akong dumiretso sa ICU. Hindi ko na inintindi pa kung may makakilala man sa akin ngayon. Mas importanteng makita ko ang Lola ko.