* Jisoo's PoV
After naming kumanta ay nagkaroon kami ng Mini Meet & Greet. Mini kasi limitado lang yung mga fans na pwedeng pumila.
Napakunot ang noo ko ng makita ang next fan na lalapit sa akin. Agad akong kinabahan ng makita ang full outfit niya. Naka cap, naka jacket, may salamin, may mask. Take note na puro itim pa lahat ng suot niya.
Is he my stalker?
"Hi beautiful."
Dinig ko ang malakas na tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses niya.
"Taehyung?" Pabulong kong tanong para walang ibang makarinig.
Ibinaba niya saglit ang salamin niya at kinindatan ako bago ulit isuot ang shades niya. Napangiti tuloy ako. Talagang nagpunta siya dito ha.
Napatingin ako sa inabot niyang papel sa akin.
"Magpapa autograph ka?" Natatawang tanong ko.
"Yup. Pakisulat na din yung hotel kung saan kayo nakacheck in at yung room number. I'll fetch you later." Bulong niya.
"What? Alam mong hindi pwede.."
"Shh. Just do it baby."
Napailing na lang ako pero sinunod ko na din ang utos niya. Inabot ko sa kanya ang papel na sinulatan ko at binasa niya naman.
"Saan ba tayo pupunta?"
"It's a surprise baby. Be ready later. I'll fetch you at exactly 7pm. See you baby. I love you." Bulong niya.
"I love you too."
------------
"May lakad ka?" Tanong ni Lisa ng makitang naka dress ako. Nandito kaming lahat sa sala.
"Hmm. Magkikita kami ni Taehyung." Kinakabahang sagot ko. Magagalit kaya sila?
"What? Nandito siya?" Gulat na tanong ni Rose.
"Oo. I'm sorry. Alam kong bawal ito. Ako pa naman yung panganay sa atin pero.."
"Okay lang." Nakangiting sabi ni Jennie. "Just be back bago malaman ni Papa YG na wala ka dito."
"Thank you girls." Sabi ko at isa isa silang niyakap.
Nang marinig kong may kumatok ay agad kong binuksan ang pintuan ng hotel room na tinutuluyan namin at bumungad sa akin si Taehyung. Tulad kanina ay balot na balot siya para walang makakilala sa kanya. Tinanggal niya ang suot niyang mask at shades.
"Hi baby." Nakangiting bati niya sa akin. Sumilip siya sa loob at binati din sila Jennie. "Hi girls! Hiramin ko muna ang Unnie niyo." Nakangiting paalam niya.
"Sure oppa." Agad na sagot ni Jennie. "Just bring her back safe."
"Sure." Nabalik ulit sa akin ang tingin niya. "Let's go baby?"
Nakangiti akong tumango. I'm excited. Ngayon na lang kasi ulit mangyayari ito. We're so busy lately. Sa phone na lang kami madalas mag usap at minsan lang din magkita tapos patago pa.
"Do i have to wear a mask and shades too?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa elevator.
"Nope."
Nang makasakay kami sa elevator ay nagtaka ako ng pindutin niya ang up button imbes na down button.
"Anong meron sa taas?" Takang tanong ko.
"Surprise baby." Nakangiting sagot niya at hinalikan ako sa pisngi.
Nagulat ako ng lagyan niya ng blindfold ang mga mata ko.
"Taehyung, bakit may ganito pa?"
"Basta." Tumawa siya ng mahina.
Nang maramdaman kong huminto na ang elevator ay agad niya akong inalalayan palabas. Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin kaya alam kong nasa rooftop kami nitong hotel. Ilang hakbang pa ay tumigil na kami.
"Taehyung."
Kasabay ng pagtanggal niya sa blindfold ko ay ang pagliwanag ng buong rooftop. Napatakip ako sa aking bibig. Naiiyak ako sa tuwa at sayang nararamdaman ko. Sa gitna ay may maliit na mesa at dalawang upuan. Sa tabi nito ay may maliit din na lamesa na ang laman ay pagkain. Nagkalat ang mga petals sa buong paligid.
"Happy monthsary baby." Dinig kong bulong ni Taehyung sa tainga ko kaya hinarap ko siya.
Inabot niya sa akin ang isang bouquet ng red roses. Gusto kong batukan ang sarili ko. How can i forget this day?
"Baby, sorry. Nakalimutan ko.."
"Shh." Pagpapatigil niya sa akin. "It's okay. Alam kong busy ka. Ang mahalaga wag mong kalimutan na ako ang boyfriend mo." Natawa ako sa sinabi niya. "Alam kong delikado kapag lumabas tayo kaya dito na lang. Sana nagustuhan mo."
"I love you baby." Nakangiting sabi ko.
"And i love you more baby."
Nagkatitigan kami bago unti unting bumaba ang mukha niya papunta sa akin. Napapikit ako ng maramdaman ko ang malambot niyang labi sa aking mga labi.
--------------
Happy monthsary VSoo 💛💛💛
Sana in real life din di ba? Hahahaha 😂😂😂😂