* Taehyung's PoV
Halos hindi ako makapaniwalang pumayag si Jisoo na tawagin ko siyang baby. Pakiramdam ko tuloy kami na talaga. For real. Ngiting ngiti ako pagbangon ko kinabukasan. Pakiramdam ko nawala agad yung sakit ko at gusto ko na siyang makita.
"Oh bakit lumabas ka na sa kwarto? Magaling ka na ba?" Tanong ni Namjoon hyung.
"Okay na okay na hyung." Ngiting ngiting sagot ko.
"Sa pagkakangiti nito sigurado akong may ginawa itong kabalbalan kay Jisoo." Naiiling na puna sa akin ni Jimin hyung.
"Tinanong ko siya kagabi kung payag siya na tawagin ko siyang baby." Kinikilig na kwento ko. "At pumayag siya! Wahahahaha." Tawang tawa kong kwento.
"Ay putsa! Tinakot mo no!" Bintang ni Jin hyung.
"Ang supportive niyo talaga sa akin no. Tss."
Sa makalawa na ang alis namin papuntang Australia para sa fansign event namin. Bukas ay taping namin para sa WGM kaya masaya ako dahil makakasama ko muna si Jisoo bago umalis. Habang kumakain ng almusal na syempre si Jin hyung ang nagluto ay tinext ko si Jisoo.
To: Chichu baby 💛
Goodmorning baby 😁😁
Eat your breakfast. Don't skip.Ngiting ngiti na naman ako ng masend ko ang text ko. Hay Jisoo! Kung alam mo lang kung gaano kalakas ang epekto mo sa akin.
"Ang bading mo tignan Taehyung. Talagang ikaw pa ang kinikilig eh no?" Sabi ni Suga hyung.
"Ganoon talaga." Kibit balikat kong sagot. "I think I'm inlove. Hehehehe."
"Nabading na." Asar ni Hobi hyung.
Lalong lumaki ang ngiti ko ng magvibrate ang cellphone ko. Nagreply ang baby ko hihihi.
From: Chichu baby 💛
Goodmorning din Tae. Kain ka na din.Napasimangot ako dahil hindi niya ako tinawag na baby pero siguro nahihiya siya hehehehehe.
To: Chichu baby 💛
Call me baby too 😭😭😭Ay putek! Ang childish masyado! Nakakahiya. Buburahin ko sana kaso naisend ko na pala. Napapikit ako ng mariin. Nakakahiya ka Taehyung!!
----------------
* Jisoo's PoV
From: Taetae
Call me baby too 😭😭😭Ilang beses kong binasa ang text niya. Napangiti at napailing na lang ako. Parang bata. Parang gusto ko tuloy siyang makita ngayon. Okay na kaya ang pakiramdam niya? Magaling na kaya siya?
To: Taetae
Sorry baby 😊😊😊😊Napangiti ako ng maisend ko ang text ko. Actually, kanina ay goodmorning baby din sana ang irereply ko kaso bigla akong nahiya kaya binago ko. Hindi ako sanay sa ganito at ngayon ko lang ginawa ito sa tanang buhay ko. Nakakahiya pero gusto ko ding maramdaman kung ano ba ang feeling. Yung feeling na may tumatawag sayong baby. Yung paggising mo sa umaga ay may good morning na agad mula sa taong mahalaga sayo. Yung feeling na may nag aalala sayo. Yung feeling na may nagpapahalaga sayo.
Yung feeling ng inlove..
Siguro nga gusto ko na din si Taehyung pero dahil sa sitwasyon at estado namin ngayon ay hindi pa ako handang totohanin kung ano man ang meron sa amin. Tsaka isa pa hindi naman siya nagtatanong kung gusto kong totohanin ito. Ang kapal naman ng mukha ko kung ako ang mauunang magsasabi sa kanya. Siguro hihintayin ko na lang yung perfect timing para sa amin.
Natatakot din ako. Paano kapag nabusy kami pareho at wala ng oras para sa isa't isa? Hindi ko yata kakayanin ang kauna unahang heart break ko pag nagkataon. Siguro mas okay yung ganito na lang muna kami.
Yung hindi kami pero parang kami..
----------
Sorry.. Short UD..
Bawi ako sa next chapter hehehehe..