* Jisoo's PoV
"Jisoo?" Nalipat ang tingin ko kay Suho ng marinig kong nagsalita siya.
"Suho-ssi." Agad ko siyang nilapitan. "Okay ka lang ba? Wala na bang masakit sayo?" Nag aalala kong tanong.
Natigilan ako ng mabanggit ko ang salitang masakit. Naalala ko na naman si Taehyung. Nasasaktan din siya at dahil din iyon sa akin. Kailangan ko siyang makausap.
"Jisoo, okay ka lang?" Nabalik ang atensiyon ko kay Suho ng hawakan niya ang kamay ko.
"Ha? Ayos lang ako." Ngumiti ako bago binawi ang kamay ko. "Kaya mo bang magperform mamaya?"
"Yeah. Okay na ako." Nakangiting sabi niya.
Nagpaalam ako kay Suho na lalabas muna nang dumating na ang mga kagrupo niya. Agad na hinanap ng mga mata ko si Taehyung pero hindi ko siya makita.
"Jungkook!" Tawag ko ng makita ang maknae nila.
"Noona." Nakangiting bati niya sa akin.
"Nakita mo ba si V?" Alanganin kong tanong.
"Si hyung? Nakita ko kanina na pumunta sa tent namin." Sagot niya.
"Salamat."
Agad akong pumunta sa tent nila. Sakto naman na lumabas sila Namjoon oppa.
"Oh Jisoo-ssi!" Nagulat pa siya ng makita ako. "Si Taehyung ba hanap mo?" Ewan ko kung bakit pero binulong niya lang sa akin iyon. Tumango ako bilang sagot. "Nasa loob. Pagpasok nga kanina mukhang badtrip eh. Hindi namin makausap. May nangyari ba?"
"Pwede ko ba siyang kausapin muna?
"Sige. Mukhang kailangan niyo ngang mag usap."
Pagpasok ko sa loob ng tent nila ay nakita ko agad siyang nakaupo sa mini sofa nila pero nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako agad nakita.
"T-taehyung."
"Anong ginagawa mo dito?" Natigilan ako ng marinig ang boses niya. Sobrang cold nito na para bang ayaw ko na ulit marinig. Hindi siya ganito at kasalanan ko kung bakit siya nagkaganito.
"T-taehyung." Ulit ko sa pagtawag sa kanya.
"Umalis ka na. Doon ka sa mas kailangan ka."
Alam kong dapat ay maguilty ako pero hindi ko alam kung bakit napangiti ako sa sinabi niya. Okay. Ang weird ko talaga.
"Taetae naman." Sabi ko at lumapit sa kanya. "Sorry na." Umupo ako sa tabi niya. "Bati na tayo."