Final Chapter

2.3K 55 33
                                    

Two years after...

* Jisoo's PoV

Pagkabalik ni Taehyung galing sa military ay agad naming inayos ang aming kasal. Mula sa isusuot. Sa mga pagkain na ihahanda. Sa cake. Sa pagpili ng wedding ring. Sa pagdesign ng invitations. Magkasama kami sa lahat ng pagpaplano. Habang papalapit ang araw ng aming kasal ay lalo kong nararamdaman ang kasiyahan.

I am getting married. I am getting married to the man I truly love.

"Are you ready to be my Mrs. Kim?" nakangiting tanong ni Taehyung.

"I am ready to be yours." nakangiting sagot ko.

Hinalikan niya ang aking kamay bago kami pumunta sa harapan ng magkakasal sa amin.

Kaunti lang ang inimbatahan namin dahil gusto naming maging pribado ang aming pag iisang dibdib. Kapamilya at mga malalapit na kaibigan lamang namin ang nandito ngayon.

"I love you so much baby. No words can express how much happiness and love I am feeling right now. Sa wakas, I can legally call you mine starting today. Inaamin ko na sinundan talaga kita noon sa Jeju." natigilan ako sa aking narinig at natulala sa kaniya. "Crush na crush na kasi kita simula pa noon kaya noong narinig ko kayong nag uusap ng mga kaibigan mo na pupunta ka doon nagpaalam na din ako dahil gusto kitang puntahan. I admit, I was once your stalker at hindi ko iyon ikinakahiya. Kung hindi ko kasi ginawa yun, baka matagalan pang maging akin ka." huminga siya ng malalim at nakita ko ang pamumuo ng luha sa kaniyang mha mata. "Nagkahiwalay man tayo noon pero hindi nabawasan ang pagmamahal ko sayo. I just wanted to end everything para makasama na kita. I love you so much Mrs. Kim Jisoo. I promise to love you forever. Ikaw lang at wala ng iba." napangiti ako ng matapos siyang magsalita at maisuot na niya sa akin ang aming wedding ring.

"Kim Taehyung." nginitian ko siya bago magpatuloy. "Parang kailan lang nagpanggap tayong may relasyon. Hanggang sa naging totoo na. Hanggang sa minahal na natin ng totoo ang isa't isa. Sobrang hirap ng pinagdaanan nating dalawa. Dumating pa sa puntong kinailangan nating maghiwalay. I just want to thank you for waiting for me. Salamat kasi kahit ako yung bumitaw hinintay mo pa din ako. Salamat kasi ako yung minahal mo. Hindi ako magaling magluto pero gagawin ko ang lahat para maipagluto ka ng mga paborito mong pagkain. Aalagaan kita. Mamahalin kita at hinding hindi kita iiwan. I love you baby." isinuot ko sa kaniya ang wedding ring at hinalikan niya ang aking kamay.

Humarap kami sa magkakasal sa amin at nginitian niya kami.

"I now pronounce you, Mr. and Mrs.Kim. You may now kiss the bride."

Nang magkaharap kami ni Taehyung ulit ay nginitian niya ako bago niya iniangat ang belo ng aking wedding dress.

"I love you."

"I love you too."

Napapikit ako ng maramdaman ang paglapat ng kaniyang labi sa aking labi. Dinig ko ang hiyawan ng aming mga bisita. Wala ng mapaglagyan pa ang sayang nararamdaman ko ngayon. Umaapaw na siya at pakiramdam ko ay sasabog na lang ako sa sobrang saya.

After the wedding ceremony ay nagreception na din. Nagperform pa kami kasama ang kani-kaniyang grupo. Natatawa na lang ako sa pagsayaw ng sexy dance nila Taehyung.

"Congrats Unnie!" niyakap ako nila Jennie ng mahigpit. "We're so happy for you."

"Salamat." ngiting ngiti kong sabi.

"Welcome to the family, Jisoo!" isa isa din akong niyakap nila RM oppa, Suga oppa, Jhope oppa, Jin oppa, Jimin-ssi at Jungkook-ssi.

"Salamat. Maraming salamat."

"Oh! Tama na ang pagyakap!" awat sa kanila ni Taehyung na tinawanan lang namin.

"Napakaseloso!" naiiling na komento ni Jhope oppa.

Nang matapos ang reception at makauwi ang lahat ng bisita ay umalis na din kami ni Taehyung. Sumakay kami sa kaniyang kotse at bago niya paandarin ang sasakyan ay nilagyan niya muna ako ng blind fold.

"Para saan ba ito?" natatawang tanong ko.

"Basta. May surprise ako sayo."

Sa buong biyahe ay hinawakan lang ni Taehyung ang aking kamay. Nang huminto ang sasakyan ay agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan. Nangangapa pa ako dahil nga sa blindfold na nilagay niya.

"Nasaan tayo?"

Hindi niya ako sinagot at hinawakan lang ang dalawang kamay ko. Inalalayan niya ako ng magsimula kaming maglakad. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng huminto kami sa paghakbang.

"Pwede mo ng tanggalin ang blindfold mo."

Tinanggal ko ang suot kong blindfold pero napapikit ako dahil sa biglang liwanag na sumalubong sa akin. Nang makapag adjust ay nakita ko na nasa isang bahay pala kami. Napatakip ako sa aking bibig ng marealize ang lahat.

"Taehyung." naiiyak kong tawag sa kaniyang pangalan.

"Binili ko ang bahay na ito bago ako pumasok sa military. May mga pinaayos pa ako at gusto kitang sorpresahin kaya hindi ko agad sinabi sayo." hinarap niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Dito tayo bubuo ng masayang pamilya. Ikaw, ako at ang mga magiging anak natin. Mahal na mahal kita, Jisoo."

Niyakap ko siya at doon tuluyang tumulo ang aking luha.

"Mahal na mahal din kita."

Now I can truly say that WE GOT MARRIED at hindi lang dahil sa show kundi in real life na..

------------

Sana in real life talaga 😍😍😍
So ayun, the end na ang WE GOT MARRIED.. Sorry kung mayroon mang napangitan sa ending. Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko. Sa mga nagandahan naman at natuwa, maraming maraming salamat po sa pagsuporta..

Mr. and Mrs. Kim is now signing off..

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now