Chapter 51

1.2K 34 3
                                    

* Jisoo's PoV

Pinilit kong ibalik ang sigla ko nang makabalik ako sa table namin para hindi mahalata ni Taehyung na may nangyari pero mukhang hindi yata ako nagtagumpay na itago ang pagkabalisa dahil nakahalata siya.

"What happened?" tanong niya agad.

Saglit ko siyang tinitigan at inisip kung sasabihin ko ba sa kaniya. Napabuntong hininga ako bago hawakan ang kaniyang kamay.

"Mamaya ko na lang sasabihin." bulong ko sa kaniya.

Hinatid ako ni Taehyung sa dorm namin at may nakasunod pa din sa kaniyang tatlong bodyguard at isang manager. Sinabihan ko na din ang dalawang manager at sila Jennie na may gusto akong sabihin kaya nandito kaming lahat sa sala ng dorm.

"Ano ba ang sasabihin mo Unnie?" tanong ni Lisa.

Huminga ako ng malalim bago kinuha sa aking bulsa ang papel at inabot sa kaniya. Nang mabasa niya ito ay nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Again?" gulat na tanong niya.

Inagaw naman ni Jennie ang papel at binasa ng malakas.

"The time is near.. Malapit na kitang makasama Jisoo.. Babawiin na kita sa kaniya. You are mine.."

"We need to report this. Saan mo nakuha ang sulat na yan?" tanong ni manager.

"Sa restroom po kanina."

Napatingin ako kay Taehyung na ngayon tahimik lang na hawak ang papel. Kitang kita ko ang pag igting ng kaniyang panga.

"Wala ka bang clue kung sino ito unnie?" tanong ni Rose. "Sa tingin ko kasi ay talagang kilala ka niya at baka kilala mo din siya. Wala ka bang manliligaw dati na binasted mo?"

Napaisip ako sa tanong na iyon. Bigla kong naalala ang kababata ko noon na nagtapat ng kaniyang nararamdaman para sa akin pero binasted ko dahil magttraining ako sa YG Ent. Gusto ko sanang sabihin iyon pero ayaw ko namang ilagay sa alanganin ang kaibigan ko. Siguro ay kakausapin ko muna siya ng personal since kilala naman siya ng Kuya ko.

Napabuntong hininga muna ako bago sagutin ng iling ang tanong ni Rose.

Napakagat labi ako habang hinihintay na sagutin ng aking Kuya ang kaniyang telepono. Kanina pa nakaalis sila Taehyung at ngayon ay nandito ako sa aking kwarto para tawagan ang kapatid ko.

"Jisoo-ssi."

"Kuya!"

"Bakit napatawag ka? Alas onse na ng gabi ah."

"Hmm. May number ka ba ni Hiro?"

"Hiro? Hiro Lee?" kahit hindi ko siya nakikita ay naiimagine ko ang pagkunot ng kaniyang noo.

"Oo. Siya nga. May kailangan lang akong itanong."

"Hindi mo siya makakausap ngayon."

"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Nahanap na siya ng mga magulang niya. Ilang taon na din siyang nagtatago dahil nabaliw pala siya noong umalis ka daw. Nawala sa sarili. Kanina daw siya dinala sa mental hospital sabi ng Papa niya."

Pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Kuya ay hindi na ako nakapagsalita. Agad kong pinatay ang aking cellphone dahil sa gulat. Ni hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya.

Nabaliw siya? Noong umalis ako?

Napahawak ako sa aking ulo. Ibig sabihin ay kasalanan ko? Dahil ba binasted ko siya? Ibig sabihin ay nababaliw na siya kaya niya nagagawa ito?

Gusto ko sanang makausap sila Jennie pero naisip kong ipagpabukas na lang dahil nagpapahinga na sila.

Hindi ko sigurado kung nakatulog ba ako dahil nakapikit nga ako pero kung saan saan naman lumilipad ang aking utak. Kinabukasan ay agad kong kinausap sila Lisa tungkol sa nalaman ko. Sinabi ko din na ang kababata ko ang may gawa ng lahat ng ito. Pare pareho silang nagulat dahil doon.

"What? He's crazy?" gulat na tanong nilang tatlo.

Dahan dahan akong napatango.

"Kaya pala niya ito ginagawa ay dahil nababaliw siya. Mabuti na lang at wala naman siyang ginawang grabe."

"Mabuti na lang at nadala na siya sa mental hospital." sabi ni Lisa.

"Nasabi mo na ba kina manager at Taehyung oppa?" tanong ni Rose.

"Hindi pa. Sa inyo ko pa lang sinabi."

Napatango tango sila. Natahimik kami saglit at nagkatinginan.

"Okay ka lang ba Unnie?" tanong ni Jennie.

"Actually, hindi ko alam. Hiro is a good friend of mine at kapag naiisip ko na ako ang naging dahilan kung bakit siya nabaliw ay nalulungkot ako. Feeling ko sobrang laki ng kasalanan ko sa kaniya."

"It's okay Unnie. Siya naman ang gumawa nun sa sarili niya. Hindi mo naman kasalanan kung hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay mo sa kaniya." sabi ni Lisa at hinawakan ang aking kamay. "Wala kang kasalanan Jisoo unnie."

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now