* Jisoo's PoV
- at SMA -
Nanonood kami ng performance ng Red Velvet ng may crew na lumapit sa amin.
"Kayo na po ang next. Tara na po sa back stage."
Agad kaming tumayo at sumunod sa kanya. Nakahawak sa braso ko si Jennie at nasa likod namin sila Rose at Lisa. Niyukuan namin ang ibang idols na nadaanan namin. Si Taehyung naman ay pasimple pang nag flying kiss kaya napangiti na lang ako.
Pinerform namin ang Boombayah, Whistle at As if it's your last na latest song namin ngayon. After noon ay bumalik na din kami sa table namin kung saan kasama namin ang Red Velvet pero bago pa ako makaupo ay hinawakan ni Suho oppa ang braso ko.
"Suho-ssi." Napatingin ako sa paligid at nagpapasalamat ako dahil mukhang walang nakapansin sa amin dahil bukod sa madilim ay nanonood na din sila ng performance ng BTS.
"Pwede ba tayong mag usap mamaya?"
Sasagot pa lang sana ako ng biglang lumakas ang mga hiyawan. Napatingin ako sa stage at nakita ko si Taehyung na imbes na sumasayaw ay nakatingin lang sa akin. Sa amin ni Suho-ssi. Agad kong nilayo ang braso kong hawak niya at nginitian si Taehyung. Napailing na lang siya at sumayaw na muli.
Inilingan ko na lang si Suho-ssi bilang sagot sa tanong niya kanina at umupo na ng tuluyan. Napatingin lang sa akin sila Jennie pero hindi na sila nagtanong pa.
Pinanood ko na lang ng maigi ang performance nila Taehyung. Minsan ay tumitingin siya sa akin pero parang malungkot ang kanyang mga mata.
Nanalo kami ng award. Ako pa nga ang nag speech kaya naman natatawa na lang ang mga kasama ko. Nanalo din syempre ang BTS. Nang matapos na ay pinaakyat kaming lahat para sa picture taking. Nakipagkamustahan din ako kina Seulgi, Doyoung at Jinyoung. Gusto ko sanang lapitan si Taehyung kaso nahihiya ako. Kahit alam kong alam naman ng lahat na kami na ay naiilang pa din akong lapitan siya sa harap ng maraming tao. Nang tumingin siya sa gawi ko ay kinawayan at nginitian ko siya pero hindi niya naman ako pinansin.
Nang makauwi sa dorm namin ay agad kong tinext si Taehyung. Hindi na kami nakapag usap pa kanina dahil maraming tao at umalis din kami agad.
To: Baby 💛
Nakauwi na kami. Kayo?
Akala ko matatagalan siya sa pagreply pero hindi.
From: Baby 💛
Malapit na. Eat your dinner and take a rest..
Napangiti ako. Akala ko nagalit siya kanina.
To: Baby 💛
Why did you stop dancing earlier?
From: Baby 💛
And why did Suho hyung holds you? What did he tell you?
To: Baby 💛
Wala naman. May tinanong lang siya.
From: Baby 💛
To be honest.. I'm jealous baby. Nagseselos ako lalo na ng makita ko kung paano siya tumingin sayo at kung paano ka niya nahahawakan sa harap ng maraming tao. I'm sorry but i'm tired. Let's talk again tomorrow.
Bigla akong nagsisi dahil nagtanong pa ako. Nawala tuloy siya sa mood pero natutuwa pa din akong malaman na nagseselos siya. It only means he loves me.
To: Baby 💛
I'm sorry baby. You don't have to be jealous. I love you. Goodnight.
Paggising ko kinaumagahan ay napasimangot ako ng makitang hindi man lang nagreply si Taehyung kagabi. Wala man lang i love you too? Napailing na lang ako.
Don't be too clingy Jisoo baka maghanap ng iba si Taehyung..
Tinext ko na lang siya at binati ng good morning bago ako naghilamos at lumabas para makapag breakfast.
"Good morning unnie." Nakangiting bati ni Lisa habang nagluluto.
"Good morning Jolisa!" Pang aasar ko.
"Unnie!!" Maktol niya kaya natawa na lang ako.
Maya maya din ay lumabas na sila Jennie at Rose kaya sabay sabay na kaming kumain. Thanks God at pahinga namin ang araw na ito. Pinag uusapan namin kung ano ang movie na papanoorin namin ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at napangiti ng si Taehyung ang nagtext.
From: Baby 💛
Good morning too baby. Sorry hindi na ako nakapagreply kagabi. Kain ka na ha. I love you. So much 😚
Natawa na lang ako sa emoticon niya. Ayos na sa akin ang text na iyon. Hindi na siya galit at alam kong okay na kami.
