* Jisoo's PoV
"So why are you avoiding me?" Tanong ni Taehyung. "Alam mo bang halos mabaliw ako kakaisip kung bakit hindi ka nagrereply sa mga text ko at kung bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Akala ko hindi mo na ako mahal." Malungkot niyang sabi.
Bumalik kami sa loob ng dorm para makapag usap ng maayos. Hinayaan kami nila Jennie na magstay dito sa kwarto ko kahit mahigpit ang bilin ni Papa YG na wag magdadala ng ibang lalaki dito.
Hinawakan ko ang mga kamay niya at tinitigan siya ng mabuti.
"I'm sorry baby. Sorry kung nasaktan kita. I was hurt too." Napabuntong hininga ako. "Nalaman na ni Papa YG ang totoong relasyon natin at tutol siya doon. He wants me to break up with you. Nagalit siya dahil fake relationship lang ang usapan natin pero nagkatotoo. He was disappointed with me. Masyado pa daw mabilis ang mga pangyayari. We're still young for this at marami pa tayong kailangang gawin. Marami pa tayong pangarap." Pagpapaliwanag ko.
Natahimik kami pareho pero hindi naalis ang tingin namin sa isa't isa.
"Are you breaking up with me?" Kinakabahang tanong niya.
"No. Of course not." Agad kong sagot. "I just want us to keep this as a secret. I mean, ang sabihin natin kay Papa YG ay hiwalay na tayo. I know this sounds selfish pero hindi ko kayang makipaghiwalay sayo at yun lang yung naisip kong paraan para hindi tayo maghiwalay."
"Hirap na nga tayong magkita tapos magtatago pa tayo?" Nahihirapan niyang tanong.
"Ngayon lang naman. Can you do it for me?" Umaasa kong tanong.
Tinitigan niya ako saglit bago niyakap ng mahigpit.
"You know i can do anything for you right?" Tanong niya habang yakap ako. "I love you so much Jisoo."
Napangiti ako at niyakap din siya ng mahigpit.
"I love you too Taehyung."
This is one of the reasons why i love him. Sobrang understanding niya. Hindi siya nagdedemand sa akin. Alam kong mahirap talaga itong sitwasyon namin pero gagawin ko ang lahat para lang magwork ito. I just can't lose him.
------------
Kinabukasan ay sinabi ko kay Papa YG na nakipaghiwalay na ako kay Taehyung and he was happy about it. Kahit gusto kong magtampo sa kanya ay hindi ko magawa dahil alam kong para din naman sa akin ang ginagawa niya.
Tinapos namin ni Taehyung ang huling limang episode para sa WGM. Palagi kaming magkatext sa tuwing hindi kami magkasama at palagi naman siyang tumatawag kapag gabi. Everything seems so perfect sa lumipas na isang buwan simula ng magsinungaling kami kay Papa YG hanggang sa dumating yung araw na nabalita ang break up namin.
Nagtrending siya sa twitter at maraming reporters ang gustong hingiin ang statement namin kung totoo ba ang balita. Marami ang nalungkot sa balita pero marami din ang natuwa lalo na yung ibang fans na shiniship siya sa ibang female idol.
Hindi ko maiwasan ang hindi magselos sa tuwing may binabanggit silang ibang pangalan na bagay daw kay Taehyung. Na ngayong tapos na daw ang relasyon namin ni Taehyung ay may chance na ang ship nila.
But Taehyung always give me assurance na kahit ilang babae pa ang iship sa kanya ay kami lang ang real. Sa tuwing naaalala ko ang sinabi niyang iyon ay namimiss ko siya lalo. Minsan lang kami magkita tuwing may music shows.
I miss him so much pero kailangan ko munang magtiis sa loob ng tatlong taon para matapos na ang usapan namin ni Papa YG tungkol sa dating ban ng grupo.
Sana lang ay mahintay at mapagtiyagaan ako ni Taehyung..
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya. Ang alam ko ay may fansign event sila ngayon.
To: Baby 💛
Ingat ka sa fansign niyo. Iloveyou baby 😚Akala ko hindi na siya magrereply pero nagreply siya.
From: Baby 💛
Ingat ka din baby. Iloveyou more 😚Napangiti ako sa maikling conversation namin. Yun lang ay sapat na para sa akin. Ang malaman lang na mahal niya ako ay nagpapalakas ng loob ko para ipagpatuloy ang relasyon namin.
Hindi na ako nagreply pa dahil alam kong busy siya. Nagsimula na din akong mag ayos dahil ngayon na ang shooting namin para sa bago naming kanta. I feel excited about our comeback pero nandoon pa din yung kaba. Kaba na baka hindi magustuhan ng iba ang kanta namin. Kaba dahil baka may mapuna sila sa amin. Kaba dahil baka makaapekto yung balita tungkol sa amin ni Taehyung.
Ayaw kong madamay sila Jennie sa problema ko. They don't deserve to be sad. To be hurt. Ako na lang dahil ako naman ang may kasalanan.
