Chapter 10

2.6K 102 35
                                        

* Jisoo's PoV

Nandito kami ngayon sa venue kung saan kami magpeperform mamayang gabi. Maraming idols din ang nandito tulad na lang ng BTS, EXO, GOT7, NCT, Red Velvet, Twice at Park Bo Gum na magiging MC mamaya.

Kanina nginitian lang ako ni Taehyung. Ewan ko pero parang matamlay na naman siya. Ano kayang problema ng alien na yun?

Nauna nang magpractice sa stage ang Twice, sumunod ang Red Velvet, NCT, GOT 7, EXO, BTS at last kami.

Hindi pa gaanong maayos ang stage. Inaayos pa siya at pansin mo ang kahoy na medyo nakausli.

Habang nagpapractice ay medyo naiilang ako. Pakiramdam ko kasi may mga matang nakatingin sa akin. Binalewala ko na lang iyon at nagpatuloy na sa pagsayaw.


---------------

* Suho's PoV

Nakangiti ako habang pinapanood si Jisoo magpractice. Ang ganda niya talaga.

"Hyung matunaw ha." Pang aasar sa akin nila Sehun at Kai na sinagot ko lang ng iling.

"Medyo masama na ang tingin sayo nung orig." Narinig kong sabi ni Baekhyun kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Huh?" Ngumuso siya at tinuro ang pwesto kung nasaan ang BTS.

Nakita kong nakatingin sa akin si Taehyung pero binalik agad ang tingin kay Jisoo. Minsan talaga napapaisip ako kung sila ba talaga. Oo nag uusap sila pero wala akong makitang kakaiba.

Mukhang si Taehyung lang naman ang masyadong inlove kay Jisoo.

Napailing na lang ako para mawala na ang mga bagay na gumugulo sa isip ko. Binalik ko ang tingin ko sa stage kung saan nagpapractice sila Jisoo. Napatingin ako sa taas kung saan maraming mga kahoy, nanliit ang mga mata ko ng makita kong parang babagsak iyon at sa tapat pa ni Jisoo.

Tumakbo ako bigla papuntang stage nang makitang konti na lang ay babagsak na ito. Narinig ko pang tinawag ako ng mga kagrupo ko pero hindi ko na pinansin.

"Jisoo." Sigaw ko at niyakap ko siya kaya napahiga kami pareho. Pumaibabaw ako sa kanya para hindi siya masaktan.

"Suho oppa." Gulat na tawag niya sa akin kasabay ng paglaglag nang ilang mga kahoy sa aking likod at ulo.

Narinig ko pang nagsigawan ang mga tao bago ako nawalan ng malay.




-------------

* Jisoo's PoV

Hindi ko maiwasan ang hindi maiyak dahil sa nangyari. Niligtas ako ni Suho kaya siya nasaktan.

Dumating ang mga medics at agad siyang tinignan. Wala naman daw malalang nangyari sa kanya at nahimatay lang dahil sa kahoy na bumagsak sa ulo niya. Hindi pa din siya nagigising simula kanina kaya hindi ko maiwasan na hindi mag alala.

Nandito ako sa tent ng EXO, nakahiga si Suho sa isa sa mga folding bed na nandito. Nakatihaya siya dahil may mga pasa siya sa likod.

Ayaw ko man pero hindi ko mapigilang hindi mamangha sa katawan niya.

Okay Jisoo, ngayon ka pa talaga nag pantasya dyan?

Eh kasi naman, kanina nakita ko nang malapitan ang abs niya tapos ngayon yung likod niya.

Mapapasabi ka na lang ng likod pa lang ulam na.

Umiling ako para mawala ang mga iniisip ko. Grabe, pinagnanasaan ko ang lalaking tumulong sa akin.

"Jisoo." Napalingon ako sa likod ko ng marinig kong may tumawag sa akin at nakita ko si Taehyung. "Maglunch ka na muna. Tara." Aya niya sa akin.

"Mauna ka na lang Taehyung. Ayaw kong iwan si Suho dito. Gusto ko sana na ako ang una niyang makita kapag nagising siya." Sabi ko at tumingin ulit kay Suho na mahimbing pa din ang tulog.

"Mukhang mamaya pa naman siya magigising. Halika na." Aya ulit niya.

"Busog pa naman ako. Sige na, mauna ka na."

"Jisoo naman. Malilipasan ka ng gutom eh."

"Taehyung naman, hindi ako makakakain kung alam kong wala pang malay ang taong nagligtas sa akin."

"Saglit lang naman. Saglit ka lang aalis." Pagpipilit niya pa.

"Sorry Taehyung pero dito lang ako hanggang sa magising siya."

"Pinipili mo siya kaysa sa akin?"

Kunot noo akong napatingin kay Taehyung dahil sa tanong niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Ano bang sinasabi mo? Wala akong pinipili. Mas kailangan ako ngayon ni Suho kaya dito na muna ako."

"Paano naman ako? Kailangan din kita Jisoo." Natigilan ako dahil sa sinabi niya. "Bakit pakiramdam ko palagi mong nakakalimutan na tayo?" Napalunok ako dahil sa tanong niya. "Bakit hindi ko maramdaman kahit minsan na tinuturing mong boyfriend mo ako? Niligtas ka niya oo, ililigtas din naman sana kita pero naunahan ako. Noong dinala siya dito at umiiyak ka habang sumusunod sa kanya hindi mo ba alam na nasasaktan ako?" Nakita ko ang pagpatak ng luha niya kaya naman naguluhan ako.

"Taehyung, nagpapanggap lang naman tayo di ba?" Pabulong kong tanong sa kanya pero sapat na para marinig niya.

"Nagpapanggap?" Ngumiti siya na para bang nainsulto ko siya. "Mukha pa ba akong nagpapanggap? Hindi pa ba halata na gusto kita? Gusto kita Jisoo at gusto kong totohanin lahat ito."

Pakiramdam ko tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa pag amin niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Magsasalita na sana ako pero bigla na lang siyang umalis.

Taehyung..

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now