Chapter 26

1.8K 73 21
                                    

* Jisoo's PoV

Isang linggo na ang lumipas matapos ang insidente, nakalabas na din ako sa ospital pero hanggang ngayon ay natatakot pa din ako. Kahit sila Jennie ay natatakot din kaya naman dinagdagan at hinigpitan pa lalo ni Papa YG ang security namin. Lahat din ng mga regalong natatanggap namin mula sa mga fans ay chinecheck na muna nilang maigi bago ibigay sa amin.

Halos maparanoid si Taehyung ng makalabas ako. Ayaw na niyang umalis sa tabi ko dahil natatakot din siya sa pwedeng gawin sa akin ng fan na iyon.

"Babe naman. Kailangan mo nang umalis." Sabi ko kay Taehyung na ngayon ay titig na titig lang sa akin. "Nandito na ako sa dorm. Ligtas na ako dito ngayon. Mahigpit na ang security namin kaya wag ka ng mag alala."

"Paano kung nasa paligid lang pala ang lalaking iyon?" Nag aalalang tanong niya. "Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa iyo."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"Ang kulit ng boyfriend ko." Natatawang sabi ko habang kinukurot ang pisngi niya. "Huwag ka ng mag alala. Hindi ko din naman hahayaang may mangyari sa akin."

"Fine. Just call me when you need me okay? Kahit anong oras pa yan." Paalala niya.

"Opo." Nakangiting sagot ko.

Hindi na nabalita pa ang nangyari sa akin. Ginusto ko din iyon dahil ayaw kong mapag usapan. Gusto ko lang ng tahimik. Hindi pa din kasi ako makapaniwala na may fan pa lang ganoon. Paano niya nagawang pagbantaan ako? Lalo na ang mga taong malapit sa akin.

Napalingon ako sa likod ko nang may marinig akong mahihinang hakbang. Nandito ako ngayon sa YG building para sa rehearsal namin. Alam ko namang safe ako dito pero hindi ko pa din maiwasan ang hindi matakot at kabahan.

"Unnie, okay ka lang?" Napatingin ako ulit sa harapan ko at nakita ko ang nag aalalang mukha ng mga ka grupo ko.

"Okay lang. Tara na." Nakangiting sagot ko.

Nang matapos ang rehearsal namin ay kinausap din kami ni Papa YG tungkol sa private event na dadaluhan namin.

"Tara na." Aya ni Jennie.

Kinapa ko ang bulsa ng suot kong shorts at napakamot na lang sa ulo ng malimutan ko ang cellphone ko sa practice room.

"Una na kayo. Kukunin ko lang saglit yung cellphone ko."

"Samahan ka na namin unnie." Sabi ni Lisa.

"Hindi na. Mauna na kayo." Nakangiting sabi ko at tumakbo na pabalik sa practice room.

Nang makuha ko na ang cellphone ko ay palabas na sana ako ng may mapansin akong kakaiba sa loob. Naningkit ang mga mata ko ng makita ang isang maliit na kahon na nakapatong sa mini table namin.

Wala naman ito kanina ah..

Lalapitan ko na sana ang box kaso nakarinig ako ng kalabog kaya naman nagmadali na lang akong lumabas.

Habang tumatakbo ay nakakasalubong ko ang ibang mga staff namin. Tinatanong nila ako kung ano ang nangyari pero hindi ko masagot sa sobrang kaba at takot na nararamdaman ko. Pakiramdam ko nandito lang siya sa paligid.

Nang makita ko na ang van namin at ang mga ka grupo kong naghihintay sa akin sa labas ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.

"Unnie, anong nangyari? Bakit tumakbo ka?" Nag aalalang tanong ni Rose.

"M-may.." Hinihingal na sagot ko. "M-may box akong nakita doon sa practice room, pero wala naman yun kanina nung umalis tayo."

Agad sinabi ni Jennie kay Papa YG ang nakita ko kanina kaya naman kasama namin siya, ang ibang mga staff at guards na bumalik sa practice room para tignan ang box na iyon.

Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko habang papalapit kami sa box na iyon.

Kinuha ng isang guard ang box na iyon at talagang nagulat kami nang makita ang laman non.

Sino ka ba talaga??



---------------

Jusko! Bakit parang naging mystery/thriller na ito? Hahahahahah. Infairness, kahit ako nakaramdam ng takot..

I feel you Jisoo! Chos!

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now