* Jisoo's PoV
Sa sobrang bilis ng panahon ay hindi ko na namalayang next month na pala papasok sa military si Taehyung. Naiisip ko pa lang na hindi kami magkikita sa loob ng dalawang taon ay nalulungkot na ako. Ngayon pa lang ay namimiss ko na siya. But I have to wait. Taehyung is worth the wait.
Alam ko sa sarili ko na wala na akong ibang mamahalin bukod sa kaniya. He 's my first and he will be my last. Siya na ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. Ni wala akong nararamdamang pag aalinlangan. I am so sure about my feelings to him. I am so sure about him.
Nandito kami ngayon sa Brazil para sa aming concert. Continuation ito para sa aming sixth anniversary mula noong debut namin. It's a month long anniversary by the way. Sobrang energetic ng mga fans kaya naman tuwang tuwa kami.
"Thank you Brazil for coming to our concert! We love you!" sabi ko bago namin kantahin ang aming huling kanta bago matapos itong concert.
Kinakanta na namin ang last song namin ng biglang mamatay ang mga ilaw. Sa sobrang dilim ay biglang nagsigawan ang mga fans. Agad din akong kinabahan at kumapa sa paligid pero wala akong makapa.
"Jennie! Lisa! Rose!" tawag ko sa pangalan ng aking mga kagrupo pero walang sumagot kaya naman nadagdagan ang aking kaba.
Hahakbang na sana ako para kumapa sa dilim ng biglang magbukas ang mga ilaw at tumama sa akin ang spotlight. Sa sobrang liwanag ay napapikit ako at saka lang nagdilat ng mga mata ng medyo maka adjust na pero nagulat na lang ako ng makita si Taehyung sa aking harapan. He's wearing a white polo and the first two buttons are open. Naka black pants din siya at sobrang gwapo niya talaga.
"Taehyung! BTS!"
Dumagundong sa buong arena ang sigaw ng mga fans. Nakita ko din sa gilid sila Jennie at ang buong BTS na mga nakangiti habang nakatingin sa aming dalawa ni Taehyung.
"Ano ito?" tanong ko kina Jennie na sinagot lang ako ng isang ngiti. "Taehyung, anong ginagawa mo dito?" gulat pa ding tanong ko.
Parang hindi mag sink in sa akin na nandito siya. Sa harapan ko mismo. Sa concert namin. Sa harap ng maraming tao.
Nginitian niya ako bago niya itinutok sa kaniyang bibig ang kaniyang hawak na mic. Ngumiti siya sa akin kaya napangiti na din ako.
"Happy 4th anniversary baby." lalong lumakas ang hiyawan ng mga fans at lalo ding lumakas ang tibok ng aking puso. "I love you." nanginig ang aking labi habang pinipigilan ang pag iyak. "Kanina bago magstart ang concert ninyo ay binati na kita. Sinabi kong nasa Korea lang kami pero ang totoo paalis na kami sa hotel na tinutuluyan namin para pumunta dito. I wanted to surprise you at mukhang hindi naman ako nabigo." tumawa siya ng mahina bago huminga ng malalim. "Next month, papasok na ako sa military pero bago yun."
Napatakip ako sa aking bibig ng bigla siyang lumuhod sa aking harapan at may kinuha sa kaniyang bulsa. Halos hindi ko na marinig ang sigawan at hiyawan ng mga fans. Nakatutok lang ako sa kaniya at ayaw kong alisin ang aking mga mata sa kaniya. Nasa kaniya lang ang buong atensyon ko na para bang kami na lang dalawa ang nandito. Halos makalimutan ko na nasa harapan kami ng mga libu libong fans. Nang mga kaibigan namin. Nang mga staff. Nawalan na ako ng pakialam sa buong paligid.
"T-taehyung." naiiyak kong sambit sa kaniyang pangalan.
"I love you baby. Sa sobrang pagmamahal ko sayo pakiramdam ko sasabog na ang puso ko. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka pa sa akin. Hindi ko na hahayaang masayang yung panahon. Kaya nga bago ako pumasok sa military gusto ko sanang malaman ang magiging sagot mo." huminga siya ng malalim bago niya binuksan ang hawak niyang maliit na kahon na naglalaman ng singsing. "Will you marry me, Kim Jisoo?"
Naiiyak akong tumango.
"Of course."
May tumulong luha sa kaniyang mga mata na agad kong pinunasan. Isinuot niya sa aking ring finger ang singsing bago siya tumayo at niyakap ako ng mahigpit.
"I love you baby. So much." bulong niya kasabay ng paghigpit pa ng yakap sa akin.
"I love you too."