* Jisoo's PoV
Napangiti ako ng makita kung anong petsa na ngayong araw. Ngayon na ang balik nila Taehyung galing sa fansign event nila sa Australia. Dapat noong nakaraang araw pa ang balik nila kaso sinurprise sila ng manager nila ng dalawang araw na bakasyon.
Gusto niya nga daw maunang umuwi noon dahil gusto na niya akong puntahan pero pinigilan ko siya. Kailangan din niya ang bakasyon na yun. Isa pa, marami pa namang araw para magkita kami.
"Unnie, nandiyan na ang driver." Dinig kong sabi ni Lisa.
"Palabas na ako."
May taping kasi kami ngayon para sa Inkigayo. Magpeperform din kami kaya kasama ko sila Jennie. Pagdating namin sa studio ay binati kami nang ibang mga idols. Dumiretso ako sa dressing room naming mga MC. Nandoon na sila Jinyoung at Doyoung. Pareho silang inaayusan ng mga stylists nila. Nginitian ko sila.
"Mukhang good mood ka noona." Pansin ni Doyoung.
"Hindi naman masyado." Sagot ko.
Medyo maaga pa kaya naman nakipagkwentuhan at nakipag asaran muna ako sa kanila. Nagpicture picture din kami.
Interview. Perform. Interview. Perform. Nood. Interview. Perform. Nood.
Ngayon lang ako nainip sa Inkigayo. Pakiramdam ko ang tagal ng oras. Parang gusto ko ng puntahan si Taehyung.
Nagtext na kaya siya? Ang sabi niya kasi ay magtetext siya kapag nakabalik na sila. Ng matapos ang taping ay dumiretso ako sa dressing room at kinuha ang cellphone ko. Bigla akong nalungkot ng makitang wala pa ding text galing kay Taehyung. Wala pa kaya sila? Bakit ang tagal nila? Bigla tuloy akong tinamad. Ganito pala ang feeling kapag may hinihintay kang importanteng tao. Nakakainip at nakakasabik. Nagsimula na akong mag ayos ng mga gamit ko. Lumabas na ako para pumunta kina Jennie ng biglang may tumakip sa mga mata ko.
"S-sino ka?" Bigla akong kinabahan. Wala din kasi akong naririnig na ingay sa paligid.
"I miss you baby." Parang maiiyak ako ng marinig ko ang boses niya. Bulong lang iyon pero pakiramdam ko ipinagsigawan niya sa buong mundo na namiss niya ako.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakatakip sa mga mata ko at unti unti itong tinanggal. Ng makaharap ko siya ay doon ko lalong naramdaman ang pananabik na makita siya.
"Taehyung." Tawag ko sa kanya. Nginitian niya ako bago niyakap.
I miss you too.
Ngiting ngiti ako habang pasulyap sulyap kay Taehyung. Nagmamaneho siya at hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Basta ang sabi lang niya ay kakain lang kami sa labas. Pinaalam din niya ako mismo kay Papa YG na pinayagan din kami agad.
"Mukhang masaya ka." Nakangiting sabi niya sa akin.
"Akala ko kasi hindi mo ako pupuntahan. Wala ka kasing text kanina."
"I just want to surprise you."
"Thank you."
Ng makarating kami sa isang fine dine restaurant ay pinagbuksan niya pa ako ng pintuan. Kilig na kilig tuloy ako dahil pakiramdam ko normal lang kaming nagdedate yun nga lang hindi pa din naiwasan na maagaw namin ang atensiyon nang iba. Maraming nagpapicture at kilig na kilig daw sila sa amin. Hindi din naman nagtagal ay nakaupo na kami at nag order.
"Hmm. Jisoo?" Napatingin ako kay Taehyung ng tawagin niya ako. Kakaalis lang ng waiter.
"Hmm?"
"Yung tungkol sa atin? I mean." Bumuntong hininga siya at para bang hindi alam kung paano ipapaliwanag ang gusto niyang sabihin. Napangiti tuloy ako. "I mean, tayo ba? Hmm. Ano? Totoo na ba ito? Tayo na talaga? In real life?" Sunod sunod na tanong niya.
Nginitian ko siya bago ako tumango. Ilang sandali siyang hindi naka react. Nakanganga pa nga siya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo at sumigaw.
"Yes!" Malakas na sigaw niya kaya naman pinagtinginan kami ulit ng mga tao.
"Taehyung, umupo ka na nga." Nahihiyang sabi ko.
"Thank you baby." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Thank you for this day. I love you Jisoo."
May kung anong saya akong naramdaman nung sabihin niya ng personal ang mga salitang iyon. Ang sarap pala sa pakiramdam na wala kang itinatago. Yung malaya kang iparamdam ang nararamdaman mo. Siguro saka ko na lang iisipin ang mga magiging consequence nitong nangyari. Sa ngayon, hahayaan ko muna ang sarili kong maging masaya.
"I love you too, Taehyung." Nakangiting sambit ko.
