Prologue

7K 109 9
                                    

 Pauwi na ako galing sa trabaho ko. Dala dala ko yung bag na binigay galing sa boyfriend ko. Nagdrive ako galing sa office ko patungo sa bahay. Nung nakarating na ako sa bahay ay naghahanda lahat ng tao. Naging curious tuloy ako kung bakit naghahanda sila. Wala namang okasyon ngayon. Birthday ba ng kapatid ko? Hindi naman. Birthday ko ba? Hindi rin. Kinausap ko si ate Virj na nagluluto ng mga pagkain

"Ano ba yung okasyon ngayon ate Virj?" tanong ko sa kanya

"May bisita yung mama at papa mo mamaya"

"Ah..." 

Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis. Pumasok yung kapatid ko na naka uniform. Yung kapatid ko ay nagaaral bilang isang engineer

"Ate, nandito na sina mama at papa. Magbihis na daw tayo"

"Sino ba yung dadating?"

"Sina Tita Mary, Tito Will at kuya Paulo"

"Sige. Magbibihis na ako"

Sinuot ko yung binili ko lang kahapon na dress. Ito ay kulay red na may black lace sa beywang. Sinuot ko yung flats ko kasi pagod na ako sa kasusuot ng heels sa trabaho ko. Pagkatapos kong magbihis ay naririnig ko ang mga boses sa ibaba. Bumaba ako at nakita ko sina Tita Mary, Tito Will at Paulo. Nung isang buwan lang nakauwi si Paulo at ito pa lang yung ikawalang pagkikita namin dahil busy rin siya sa trabaho niya bilang isang businessman

"Janica! Kamusta ka na?" tanong ni Paulo

"Okay lang. Ikaw?"

"Stress na ako pero kaya pa naman" sabay ngiti niya sa akin

Sinimulan naming kumain ng hapunan. Habang kumakain kami ng hapunan ay nagusap sila tungkol sa project ni Paulo. Magtatayo daw siya ng isang ospital sa Quezon. Ito yung pinagplanuhan nila ni Megan, yung ate ni Kevin since physician siya. Tutulungan sila ng mga pamilya nila na maipatayo yung ospital na pinagplanuhan nila. Yung parents ni Megan ay may ari ng isang sikat na resort habang yung pamilya ni Paulo ay may ari ng isang sikat na hotel. Nung nagcollege na ako ay don na nagsimula yung business nila Tito Will at Tita Mary sa kanilang sariling hotel. Si papa naman ay nakapagtayo rin siya ng sariling business. Ito ay ang M Homes. Tumatayo si papa ng mga subdivision habang si mama naman ay nakapagtayo na rin ng sarili niyang restaurant. Napakasaya pakinggan na naging successful yung mga magulang namin sa mga trabaho nila

"Gusto ko yung maging architect sa ospital ko ay si Janica" sabi ni Paulo

Bigla akong napatingin sa kanya 

"That would be good! I hope hindi ka busy Janica dahil alam namin na in demand ka ngayon" sabi ni Tito Will

"Papayag ka ba, Janica?" tanong ni Paulo

Tumingin silang lahat sa akin. Ngumiti ako sa kanila "Since gusto ko rin naman na maging parte ng plano ni Paulo, papayag ako"

"I guess this would be a good partnership" sabi ni Tita Mary

"Agree ako dyan" sabi ni mama

Ako naman ay isang architect sa M Homes. Tinutulungan ko si papa sa trabaho niya kaya kumuha din ng engineering si Duke para makatulong na din sa business namin. Sa susunod na taon ay gragraduate na rin si Duke at makakatulong na rin siya kay papa. At least, malakas na yung business namin

"Saan na ba yung kapatid mo?" tanong ni Tita Mary kay Paulo

"He said he's on his way"

 "Am I late?"

Tumingin kaming lahat kung sino yung nagsabi nun. Nakita ko ang isang lalake na mataas at maganda yung katawan na nakasuot ng black polo shirt at jeans. Tumingin siya sa akin na nakangiti. Ngumiti rin ako sa kanya baka sign yun as pagbati para sa kanya

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon