Bukas na yung Valentine’s day naming kaya pagkatapos ng practice namin ay sabay kami ni Kevin lumabas sa practice room. Nakatayo si Xavier sa tapat ng pintuan
“Pinsan!” sabi ni Kevin
Biglang hinila ni Xavier yung kamay ko at tinigilan ito ni Kevin
“Saan ba kayo pupunta?” tanong ni Kevin kay Xavier
“Wala ka nang paki-alam don”
“Teka lang, ako ang hahatid sa kanya”
Tumingin si Xavier kay Kevin “Ako na ang maghahatid sa kanya simula ngayon” at naglakad kami palabas ng school. Hindi pa rin ako makasalita pagkatapos sa nangyari kanina. Kinakabahan ako baka kung ano ano pa yung masabi ko sa kanya. Nagpunta kami sa isang restaurant. Umorder siya ng mga pagkain. Tinitignan ko siya habang hinihintay namin yung order namin. Hindi pa rin ako makasalita. Parang naninibago ako sa sinabi niya kay Kevin kanina. Galit ba siya kay Kevin? Nagtitigan kami hanggang na e-serve na yung order namin. Tinititigan ko yung mga pagkain. Kumain na siya ng una. Hindi ako makakain dulot sa kaba. Yung mukha niya ay parang galit. Tumingin siya sa akin habang kinakain yung pagkain niya
“Hihintayin mo bang maubos yung kinakain ko tapos ka pa kakain?”
Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Mental block na yata ako. Kinuha ko nalang yung spoon and fork at sinimulan ng kumain. Habang kumakain ako ay tinitigan niya ako. Bakit ba siya ganito? Naninibago na talaga ako sa kanya. Hindi naman siya ganito dati. Pagkatapos kong kumain ay nakatitig pa rin siya sa akin
“Bakit ganyan ka makatingin sa akin?” tanong ko sa kanya
“Ang ganda mo pala”
Ano? Anong sinabi niya? Totoo ba yung narinig ko? Sabi niya maganda ako? Baliw na ba siya? Nakakain lang siya tapos kahit ano ano na yung mga pagsasabi niya “Okay ka lang ba?”
“Mukha bang hindi ako okay?”
“Bakit mo nga pala ako dinala dito?”
Huminga siya ng malalim “Pinakain kita para mabusog ka pagkatapos ng practice ninyo”
Bigla akong napatawa “Kakain naman ako sa pag uwi ko”
Hinila niya yung kamay ko at lumabas kami sa restaurant. Naglakad lakad kami sa isang park na may river sa gitna. Konti lang yung mga tao dito at ang ganda pa! First time ko makapunta dito. Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon. Umupo si Xavier sa tapat ng river at umupo ako sa tabi niya. Tinitignan ko siya habang tinititigan niya yung river. Bakit ganito siya makatitig sa river? Huminga ako ng malalim at tumingin nalang sa mga bituin. Bakit niya ba dinala ako dito? Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari parang isang panaginip lang lahat na nangyari na hirap paniwalaan. Tumingin ako kay Xavier at nakatingin siya sa akin. Ngumiti siya sa akin at ngumiti din ako sa kanya
“Salamat at sinamahan mo ako dito” sabi niya
BINABASA MO ANG
My First and Last (JaDine) COMPLETE
FanfictionSi Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson Torres, ang kababata niya, si Kevin Andre Tan, isang miyembro ng Dance Troupe at si Xavier Kristian Carter, ang seatmate niya. Naging kaibigan...