Chapter 36

861 33 0
                                    

Papunta na sana ako sa library na biglang hinila ako ni Xavier. Nagpunta kami sa gym

“Ano bang ginagawa natin dito?” tanong ko sa kanya

“Bakit wala kang ginawa para matigil yung engagement namin?”

“May magagawa ba ako? Wala naman di ba?”

“Meron! Sabihin mo kay Thea na gusto mo ako”

“Kahit sabihin ko pa yan sa kanya. Hinding hindi magbabago ang desisyon ng mga magulang ninyo”

“Aish!” sumigaw siya at umupo sa sahig. First time kong nakita na ganito kagalit si Xavier. Umupo ako sa tabi niya “Ipaglalaban mo ako di ba?”

Tumingin siya sa akin “Pero wala ka namang ginagawa. Laban natin to”

“Wala akong kalaban laban sa mga magulang ni Thea. Business partners sila ni papa. Hindi ito alam ni papa kasi ayaw kong sabihin sa kanya tungkol dito”

“Janica, pangako mo sa akin, hihintayin mo ako. Hindi ka susuko sa akin kahit kailan. Gagawin ko lahat ng paraan para matigil na ito”

“Maghihintay ako sayo at pangako, hindi ako susuko sayo”

Yinakap ko si Xavier. Yun lang yung kaya kong maibigay sa kanya dahil alam kong hindi madali ang problema niya ngayon. Ikakasal siya sa taong hindi mahal niya at ang kasal ay panghabang buhay. Makakasama niya ang babaeng hindi niya mahal panghabang buhay.

Habang naghihintay ako na dumating si Duke ay lumapit si Thea sa akin. Umupo siya sa tabi ko

“Ano ba ang meron sa inyo ng fiancée ko?” tanong niya

“Kaibigan lang kami”

“Nakita ko kayo kanina sa gym. Bakit mo siya yinakap?”

“Kasi…kasi…”

“Janica, this would be my warning. Fiancee ko siya kaya sana layuan mo na siya” tumayo siya at umalis. Paano ako lalayo sa taong mahal ko? Babalik na ba rin ako ulit sa dati nung pinalalayo ako ni Stella sa kanya? Iiwas nalang ako. Yang lang yung madaling solusyon

Nandito ako ngayon sa coffee shop kasama sina Harry at Kevin. Nagaaral kami para sa mga test namin sila na rin yung palagi kong kasama dahil si Nadine, doon na sumasama sa barkada ni Ian. Hindi ko naman rin siya mapipilit na sumama sa akin since sila na ni Ian. Mabuti pa yong best friend ko, may love life na at wala pang problema sa love life! Ako, bago ako magka love life, kailangan ko pang harapin ang napakadaming pagsubok

“Janica”

Tumingin ako kay Kevin

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon