Chapter 8

1.2K 40 0
                                    

Kinuha ko ang libro ko galing sa bag ko. Nakaupo si Xavier sa kabila ko. Sisimulan na nakin ang pagtutor ko sa kanya. Tinuruan ko siya sa mga lesson na natalakay namin sa Math. Nakikinig naman siya. Pagkatapos ko siya turuan sa mga formula ay may pinasasagot ako sa kanya. Habang naghihintay ako na matapos niya sagutin ang ibinigay kong word problems sa kanya ay nagbasa ako ng librong Divergent

“Bookworm ka pala?” tanong niya

Sinara ko yung libro “Tapusin mo nga yan”

“Sorry po…”

Pagkatapos niya sagutin ang mga binigay kong word problems sa kanya ay binigay niya ito sa akin. Kinuha ko ang papel na sinagot niya at tinignan ito. Tama siya sa lahat ng word problems ko binigay sa kanya. Tumingin ako sa kanya at tumingin siya sa akin

“Ano? May mali ba?”

Huminga ako ng malalim “Nagtataka lang ako kung bakit maliliit yung mga scores mo. Kaya mo naman sagutin ito lahat”

“Hindi lang kasi ako nag-aral”

Binigay ko sa kanya ang papel “Sa susunod mag-aral ka ng mabuti. Alam ko naman na matalino ka”

“Talaga? Salamat ha?” ngumiti siya sa akin

“Bakit ang bait mo sa akin ngayon?”

“Kasi sabi nga nila, kaibiganin mo ang mga kaaway mo” ngumiti siya at biglang tumayo

“Wala ka ring hiya no?”

Iniligpit niya ang mga gamit niya at dinala ang bag niya “Salamat ulit, tanga”

Huminga ako ng malalim at pinikit aking mga mata. Argh! Akala ko magkakasundo kami pero hindi pala! Tanggap ko na kahit magunaw pa ang mundo, hinding hindi talaga kami magkakasundo. Iniligpit ko ang mga gamit ko at tumayo. Naglakad ako patungo sa classroom namin hanggang nakasalubong ko si Jefferson. Nakasuot siya ng basketball jersey shirt at shorts

“Tagal natin di na nagkita” ngumiti siya sa akin. Tinitigan ko siya sa mata. Ang ganda ng mga mata niya

“Ah, oo. Busy kasi ako eh. Malapit na rin ang periodical examination”

“Kaya pala…” sabay tango niya. Hinawakan niya nang mahigpit ang bola na dala niya

“May practice kayo ngayon?” tanong ko

“Oo. May laro kami pagkatapos sa periodical examination”

“Good luck! Kaya mo yan! Ikaw pa, ang galing mo maglaro” ngumiti ako sa kanya

Kinamot niya ang ulo niya dulot sa kahiya niya sa pagsabi ko nang ganon “Hindi naman. Tsamba lang yun”

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon