Chapter 33

934 35 2
                                    

Kinuha ko na lahat ng mga dala ko galing sa kwarto ko at nilagay ko sa sala. Lumabas kami sa bahay at nilagay namin yung mga dala namin sa sasakyan. Nung okay na lahat, may nakalimutan si papa sa loob ng bahay. Dumating sina Paulo at Xavier. Yinakap ako ng mahigpit ni Paulo. Napaiyak ako dahil ito na yung huling yakap niya sa akin

“Mamimiss kita” sabi k okay Paulo

Napaiyak rin siya sa pagyakap ko sa kanya “Magingat ka palagi”

“Ikaw din. Ikaw nalang yung magisa doon sa Australia. Si Megan lang yung kilala mo don”

Napangiti siya “Malaking pasalamat ko talaga dahil naging kaibigan kita. Ang bait mo talaga sa akin. Salamat din dahil sayo, napasaya mo ang kapatid ko”

Tumingin ako kay Xavier na nakatayo sa likuran ni Paulo. Ngumiti siya sa akin at ngumiti din ako sa kanya. Tumingin ako ulit kay Paulo “Huwag mo sana akong makalimutan at sana sa pagbalik ko, ikaw pa rin yung Janica na nakilala ko”

“Baka ikaw nga yung makalimot sa akin. Marami ka ng girls don tapos makakalimutan na kami dito”

“Makakalimutan ko ba ang babae na nagpapasaya sa kapatid ko?” Yinakap niya ako ulit at bumulong siya sa akin “Alagaan mo si Xavier para sa akin”

Dumating si papa at bumati sina Duke at Xavier sa kanya. Pumasok na si papa sa loob ng sasakyan at yinakap ako ni Xavier “Magingat ka” sabi niya at binitawan niya ako. Ngumti ako sa kanya at tumingin siya sa kamay ko. Suot ko ngayon ang bracelet na binigay niya

“Akala ko hindi mo yan gusto”

“Nagustuhan ko na kahit kulay pink. Sige, punta na ako baka malalate pa kami sa flight namin. Paalam”

“Paalam” sabay silang nagpaalam sa akin at pumasok na ako sa sasakyan. Ito na yung huling pagkikita namin ni Paulo. Ang sakit pala magpaalam. Ganito pala yung naradaman ni Kevin nung nagpaalam siya kay Alexa.

Andito ako ngayon sa condo nagiisa dahil si papa ay nandoon sa business meeting. Ang boring dito. Ilang araw pa lang ako dito at nabobored na ako. Napagisipan kong lumabas sa condo at nagpasyal. May nakita akong isang tindahan na nagtitinda ng mga DVD. Pumasok ako at nakita ko ang The Heirs na DVD. Naalala ko kaagad si Xavier. Binili ko ito at bumalik sa condo. Pinanood ko ang The Heirs buong araw. Tinext ko si Xavier na nanonood ako ngayon ng The Heirs

Ang ganda di ba?

Fr: Xavier  

 

Kasisimula ko pa nga. Episode 5 pa lang ako.Ang gwapo ni Lee Minho!!!

 

Kasing gwapo ko? Hahaha

Fr: Xavier

 

Kapal ng mukha! Hahaha

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon