Chapter 47

856 44 2
                                    

AFTER SIX YEARS

Gumagawa ako ngayon sa bagong project ni papa sa Makati. Habang nagdradrawing ako sa mga idedesenyo kong mga bahay para sa bagong project ni papa ay pumasok ang secretary ko na si Kara

“Ms. Marquez, tumawag po yung papa ninyo. Sabi niya may meeting kayo ngayong 11 am”

Tumingin ako sa kanya “Okay. Thank you”

Paglabas ni Kara ay nagpatuloy pa rin ako sa paggawa ko. Makatapos ang ilang oras ay hindi ko namalayan na 10:30 na pala. Iniligpit ko yung mga gamit ko at kinuha ko ang bag ko. Nagmamadali akong pumasok sa sasakyan ko. Ayaw kasi ni papa na malalate ako sa meeting. Bakit ba hindi ako sinabihan ni papa na may meeting ngayon? Ngayon ko lang nalaman na may meeting kami kasi si papa, sinasabihan niya ako two days before the meeting kung may meeting kami.  Nung nakarating na ako sa restaurant ay nakita ko si papa na kasama yung daddy ni Thea. Matagal na silang business partners at close na rin sila sa isa’t isa. Bumati ako sa kanila at umupo

“Sorry Janica that we didn’t tell you about this meeting. Gusto ka niya kasi makita” sabi ni Tito Bobby

Tumingin ako kung saan nakatingin si Tito Bobby. Nakita ko ang isang babae na ang kakinis ng balat at ang napakaganda. Ngumiti siya sa akin

“Thea?” nanlaki ko yung mga mata ko

“Gosh! You still remember me”

Tumayo ako at yinakap ko siya “Oo naman! Two years ago nalang man tayo nagkita di ba?”

“Well”

Umupo kaming dalawa at kumain na ng aming lunch

“Akala ko may meeting talaga na magaganap” sabi ko

“Anyway, my mom and I planned to build a boutique somewhere near dad’s office. I want you to be my architect”

“Sure! I would really love that. Saan ba si Harry?”

“He’s busy with his work as a Biology teacher sa St. Valentine’s Academy”

“Wow! Doon talaga siya nagtuturo? Loyal talaga siya sa school natin”

“Sorry to interrupt but…um…Janica, tapos ka na ba sa pinagagawa ko sayo?’ tanong ni papa

Tumingin ako sa kanya “Malapit na po. Matatapos ko na sana yun kanina pero may meeting pala tayo ngayon”

Nagtawanan kami at tumingin si Tito Bobby sa akin “Sorry talaga Janica. Kasi naman itong si Thea, she’s really excited to see you again”

“No, it’s okay. Masaya nga ako dahil nagkita kami ulit ni Thea”

Pagkatapos namin maglunch ay bumalik ako sa office ko kasama si Thea. Pinaupo ko siya at binigyan siya ng kape ni Kara

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon