Habang naglalakad kaming dalawa ni Nadine patungo sa aming classroom pagkatapos namin kumain
nang aming lunch ay nakita ako ni Cloe. Lumapit siya sa akin na may dalang ngiti sa mukha niya
“Nica! Sa wakas at nagkita na rin tayo”
“Andito ka na pala” pinakilala ko si Nadine kay Cloe. Nagkamayan silang dalawa
“Siya pala si Cloe na sinasabi mong palaging kaaway ni Duke” sabi ni Nadine
“Oo”
Ngumiti si Cloe kay Nadine “Nakita ko pala si Jefferson kanina at totoo nga maraming babae ang
nagkakagusto sa kanya”
“Masanay ka na. Heartthrob kasi yung kaibigan natin” sabay kami nagtawanan
“Pasok na ako sa classroom. Malaking pasalamat ko na hindi kami classmates ni Duke. Punta na ako.
Bye” naglakad siya paalis sa amin
Naglakad kami ulit patungo sa classroom namin
“Talagang ayaw nila sa isa’t isa?” tanong ni Nadine sakin
“Ewan ko ba sa kanilang dalawa”
Nakasalubong namin si Ms. Garcia sa hallway. Ngumiti siya sa aming dalawa at nilabitin niya ang
braso ko “Ms. Marquez, kakausapin sana kita mamaya pagkatapos ng klase ninyo”
“Ako po? Bakit po? May nagawa po ba akong masama?” tanong ko kay Ms. Garcia
Ngumiti siya sa akin “Hindi. Wala kang nagawang masama basta malalaman mo mamaya, okay?”
“Sige po”
Umalis si Ms. Garcia patungo sa Faculty room. Bakit kaya gusto ni Ms. Garcia makipag usap sa akin?
Sabi niya wala akong nagawang masama pero para saan ba ito?
“Ano kaya ang ipapagawa ni Ms. Garcia sayo?”
Tumingin ako kay Nadine “Hindi ko rin alam. Pasok na tayo sa classroom baka mahuli pa tayo”
Pagkatapos ng klase namin ay sinamahan ako ni Nadine na pumunta sa Faculty room. Naghintay si
Nadine sa akin sa labas ng Faculty room. Pumasok ako sa Faculty room at hinanap si Ms. Garcia.
Nakita ko si Ms. Garcia na kausap si Xavier. Ano ang ginagawa ni Xavier dito? Baka alam ni Ms. Garcia
na palagi kaming nag-aaway ni Xavier. Nakita ako ni Ms. Garcia at bigla siyang kumaway sa akin
“Andito ka na pala, Ms. Marquez. Halika, umupo ka dito”
BINABASA MO ANG
My First and Last (JaDine) COMPLETE
FanfictionSi Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson Torres, ang kababata niya, si Kevin Andre Tan, isang miyembro ng Dance Troupe at si Xavier Kristian Carter, ang seatmate niya. Naging kaibigan...