Chapter 13

1K 34 0
                                    

Pagbalik ko sa skwelahan, dala dala ko ang jacket na nakalimutan kong ibigay kay Xavier. Nakita ko siya sa likuran na kausap sina Ian at Edward. Lumapit ako sa kanila at ibinigay ko ang jacket. Nabigla sila Ian at Edward

“Naiisip mo ba ang naiisip ko, B1?” tanong ni Ian kay Edward

“Oo, B2” ngiti ni Edward

Kinuha ni Xavier ang jacket at tumingin sa kanila “Mga ulol! Isinuli lang niya ang jacket ko. May problem ba don?” tanong ni Xavier sa kanila

“Bakit nasa kanya yung jacket mo?” ngumiti si Edward

Huminga ako nang malalim “Hay nako! Kayo talaga. Kahit ano ano ang nasa isip ninyo. Naiwan niya ang jacket niya, masaya na kayo?”

“Friends na pala kayo” sabi ni Ian

“Hindi!” sabay sabi naming dalawa ni Xavier

Nagtinginan kami sa isa’t isa. Tumawa sina Ian at Edward

“Hindi ba kayo magkakasundo kahit kailan?” tanong ni Edward

“Ewan ko sa inyo!” umupo ako sa upuan ko. Ang inis nila talaga! Alam ko kung ano ang iniisip nila. Akala nila may nangyaring masama sa aming dalawa ni Xavier. Nagtataka ako kung alam ba nila kung ano ang nangyari sa Macau. Hindi naman siguro ipagkakalat yun ni Xavier dahil alam nang lahat na ayaw na ayaw niya sa akin at hindi siya matulungin sa iba.

Pagkatapos nang klase ay nakita ko si Kevin nag-iisa sa canteen. Lumapit ako sa kanya. Binigay ko ang souvenir. Kinuha niya ito sa akin na nakangiti na may halong lungkot. Umupo ako sa tabi niya “Ano ba ang nangyari? Bakit malungkot ka?”

Huminga siya nang malalim habang tinitignan ang souvenir na binigay ko sa kanya. Tinitigan niya ang pangalang Macau na nakasulat sa bracelet “Wala na kami…”

Nagulat ako sa balita niya “Ha? Kailan lang?”

“Tinapos na namin lahat noong Sembreak. Nakita ko siya sa mall na may kasamang ibang lalake. Nagusap kami sa mall at doon, nakipaghiwalay siya sa akin”

“Bakit siya nakipaghiwalay sayo?”

“Ayaw ko nang alamin pa. Wala naman akong magagawa kung gusto na niya talagang makipaghiwalay”

Kiniskis ko yung likuran niya “Ayaw ko gustong sabihin sayo na okay lang yan kasi alam kong hindi ka talaga okay ngayon. Malalampasan mo rin ito. Alam kong matapang ka”

Tumingin si Kevin sa akin. Tinitigan niya ako sa mga mata parang may gustong ipahatid ang kanyang mga mata. Makikita mo talaga sa mga mata niya na nasasaktan siya

“Maraming salamat”

“Walang anuman”

My First and Last (JaDine) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon