Lumabas sina Harry at Thea sa practice room na may dalang ngiti sa kanilang mga mukha. Okay na ba sila? Nagkabalikan na ba sila? Sana nga! Ang bagay kaya nila! Pinakita ni Thea yung kamay niya na may singsing
“Bro! Ang galing mo!” sabi ni Kevin kay Harry
“Hindi ko ito magagawa kung wala kayo” sabi ni Harry
Nagkabalikan na nga sila! Bumalik kami ni Xavier sa grounds at hinanap si Edward. Nakita namin si Edward na may kasamang babae
“Sa tingin mo yan ba si Krissa?”
“Hindi ko rin alam. Halika na, punta tayo sa soccer field” nilagay ni Xavier yung kamay niya sa balikat ko
Naglakad kami patungo sa soccer field at umupo sa bleachers. Naalala ko tuloy yung nangyari last year. Dito ko nalaman na may gusto pala si Xavier sa akin. Hindi ko akalain na ang dati kong kaaway ay may gusto pala sa akin. Hay buhay naman!
“Naalala ko yung nangyari dito last year” sabi ko
“Ang kawawa ko nga dahil binusted mo ako sa harap ng madaming tao” sumimangot siya
“Tapos na yun. Basta ang importante, magkasama na tayo ngayon” sabay ngiti ko sa kanya
Tumingin siya sa napakalawak na soccer field “Namiss ko tuloy maglaro kasama si kuya”
“Magkakasama kayo pagkatapos ng ilang buwan di ba?”
Tumingin siya sa akin
“Doon ka na rin sa Australia magkokolehiyo kasama siya”
“Ayaw ko don. Masyadong malayo sayo”
Hinawakan ko ang kamay niya “Xavier, kailangan mo sundin ang mga magulang mo dahil alam nila kung ano ang nakakabuti sa sayo”
“Hindi ko nga alam kung bakit gusto nila doon kami magkokolehiyo na maraming unibersidad naman dito”
“Baka gusto ng mama at papa mo na samahan mo yung lola ninyo. Noon, gusto ko na talagang makapagtapos na tayo ng high school para doon ka na sa Australia magkolehiyo at hindi na kita makikita pa pero ngayon, ayaw ko ng mapalayo sayo. Binabawi ko na yun”
“Kasi noon, magkaaway tayo”
“Noon yun pero mahal na kita ngayon”
Yinakap niya ako ng mahigpit “Kapag andon na ako sa Australia, hihintayin mo ako ha?”
“Hihintayin kita”
Masakit man isipin na mapalayo ako sa taong minamahal ko pero kakayanin ko. Malaki ang tiwala ko kay Xavier na hihintayin niya talaga ako. Pagkatapos namin magusap ni Xavier ay umuwi na kami para maghanda sa Ball mamaya. Nagbihis ako ng venus cut na baby blue dress at nagsuot ng heels. Nakafish tail yung buhok ko at nilagyan ni mama ng mga maliliit na bulaklak. Nilagyan ako ni mama ng konting make up. Pagkatapos kong maghanda ay lumabas na kami ni Duke sa bahay. Hinatid kami ni Manong Ben sa school
BINABASA MO ANG
My First and Last (JaDine) COMPLETE
FanfictionSi Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson Torres, ang kababata niya, si Kevin Andre Tan, isang miyembro ng Dance Troupe at si Xavier Kristian Carter, ang seatmate niya. Naging kaibigan...